Chapter 25

10 1 0
                                    

"I've heard everything... and I'm sorry. All this time inakala kong ganoon ka kasama para manira ng buhay ng iba."

Hindi siya sumagot sa sinabi ni Echizen. Sa halip ay nanatili siyang nakatunghay sa mga taong naglalakad. Ewan niya ba dito kung bakit sa halip na umuwi na sila ay dinala pa muna siya nito sa park. But then, gusto niya rin naman ang ginawa nito. She needed to breathe.

Bakit kailangan niyang manakawan nang walong taon? Kung magtutuusan ay si Lauren ang sumira ng buhay niya, hindi gaya ng nakikita ng iba. It was unfair. Umpisa pa lang ay ito ang naunang gawan siya ng masama. She tried her best to fight back, but she would always end up as the bad girl.

She was misunderstood, accused and exiled. She was forced to forget her dreams, her friends and the life that she used to have. Sa loob ng walong taon ay pinagbayaran niya ang kasalanang hindi niya naman ginawa. Gusto niyang maiyak para sa mga bagay na nawala sa kanya.

"You're crying." Nagulat siya ng pahirin ni Echizen ang mga luhang hindi niya namalayan na pumatak na pala.

Kinuha niya ang kanyang sariling panyo at tinuyo ang kanyang mga mata. "Hell, I don't want to be over dramatic. Not in front of you. But you see, ang daming nawala sa akin dahil sa kanya... nagalit sa akin si Dad, naipatapon ako sa Amerika. I didn't make it in the fashion industry and now." Tiningnan niya ito at saka bumuntong-hininga. "I am forced to live with you and maybe soon, be forced to marry you."

"You're talking as if I like an ogre."

Suddenly, she smiled. "Kind of." A lie of course. Kung lahat ng ogre ay kamukha nito, wala sa mga iyon ang magtatago sa kuweba.

"Witch," sai nito.

At kung naging mangkukulam nga siya, gagawin niyang koleksyon ang mga ogre na kamukha nito.

Oh dear...

Naku-cute-an lang siya dito ngayon. But still, she won't marry him.

"Come on, pareho nating hindi gusto ang sitwasyon natin. But we're stuck. I'm tired Echizen. I need to have the control of my life. Right now, i just want to fulfill my dream... study Fine Arts and make it big in the fashion industry. That's why I want to be in Paris." Naging malungkot ang kanyang tinig. "But I can't."

Matagal bago ito nagsalita. Kung tutuusin ay wala naman itong dapat pang sabihin.

"I understand. It's been eight years and now you're in this mess."

Ngumiti lang siya. It was such a wonder. Maaari din pala sa kanila ang ganoong eksena, iyong hindi sila nag-aaway.

"Oo nga pala, bakit bigla ka na lang sumulpot kanina?"

"I told you I was on the way, di ba? Naisip ko kasi na baka hindi ka umuwi so, dinaanan na kita since malapit na rin naman ako noon sa MOA."

"Ah, so wala ka talagang tiwala sa akin?"

"Of course."

She gave him a punch and rolled her eyes at him. Tumawa lang ito nang tumawa.

"Let's be friends, Zein," mayamaya'y sabi nito.

"Ha?"

"I want us to be friends."

"A minute ago, you were saying that you don't trust me."

"Nalaman ko nang mali pala ang pagkakakilala ko sayo nang marinig ko kung paano kayo mag-usap ni Lauren kanina sa coffee shop. So you now have my trust. Besides, things will be easier if we'll stop hating each other. We can get through this mess together, as friends."

To think na nag-offer ito ngayon sa kanya ng friendship, nalamang may bait din naman pala ito sa katawan. She was glad that he now knows the truth. At may punto rin ito, mas madali nga nilang malalagpasan ang kanilang problema kung magkasundo sila. Gayunpaman ay hindi madali ang pakikipagkaibigan sa kanya.

"On one condition," sabi niya. "From now on, you'll let me use the bathtub in your bathroom."

Ngumiti ito. "Sure."

And their friendship was born.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now