Dapat ay maging masaya siya dahil ngayong gabi matatapos ang kahibangang inumpisahan ng kanilang mga magulang. Subalit ni katiting ay wala siyang maramdamang saya, sa halip ay nababalisa siya.
Nasa biyahe na sila ni Echizen papunta sa mansyon nila. Sa backseat siya naupo, kailangan niya kasi ang distansya mula rito. Ayaw niya nang mag-isip pa nang masyado kaya't itinodo niya ang volume ng kanyang MP3 player habang naka-earphones siya. Gayunpaman ay lumulutang pa rin siya sa kawalan at hindi rumirehistro sa utak niya ang malakas na tugtog sa kanyang tainga. There's only one thing on her mind: The man on the driver's seat.
Tahimik lang ito habang nagmamaneho. Pinakatitigan niya ang mukha nito sa rearview mirror. Ah, ang napakaganda nitong mga mata...
Nang bigla ay mag-angat ito ng mukha at nagtama ang kanilang mga paningin.
Hindi niya na pinigilan pa ang kanyang sarili na titigan din ito, batid niyang iyon na ang huling pagkakataon na magagawa niya iy9n. Hanggang sa napabuntong-hininga siya at iniwas ang kanyang tingin dito.
Damn, why did it that it seem as if he was yearning for her with that look in his eyes?
O marahil ay nagbibigay na naman siya ng kahulugan sa mga walang katuturan na bagay.
Nang makarating na sila sa kanilang destinasyon at makababa na ng sasakyan ay wala pa rin silang kibuan. Inabutan nilang naghihintay sa kanila sa salas ang Mommy at Daddy niya pati sina Mommy Maica at Daddy Richard. Ngiting-ngiti ang mga ito.
"Dinner is ready," sabi ng Mommy niya at saka sila tumuloy sa dining room.
Indeed, everything is ready. Nakahain na ang masaganang hapunan sa mahabang mesa at sila na nga lang ang hinihintay. Naupo sa magkabilang dulo ang Daddy niya at si Daddy Richard, samantalang magkatapat naman ang Mommy niya at si Mommy Maica. Magkatapat din ang upuan nila ni Echizen at tiyak niyang mahihirapan siyang makapag-concentrate.
Lihim niyang hiniling na sana at matapos na ang gabing iyon.
"I know how much you love my tart, hija, kaya nag-bake ako ngayon," pahayag ni Mommy Maica habang nakangiti sa kanya.
Sa unang pagkakataon nang gabing iyon ay nabuhayan siya. "Really?"
"Yes."
"Dessert is after the main course, main course is after the appetizer so," ngumiti ang Mommy niya, "appetizer first."
A hearty laugh came out from everyone. Nag-umpisa silang kumain habang nag-uusap. Hindi niya akalaing gaganahan siyang kumain kaya nga nagulat pa siya nang mapagtanto niyang halos siya lang ang nakaubos ng potato salad. Bumaling pa siya sa malaking pinggan kung nasaan ang roasted chicken, para lang ma-disappoint na wala nang natira roon.
Napabuntong-hininga siya.
Nang bigla ay inilagay ni Echizen ang isang hiwa ng roasted chicken sa plato niya, pagtingin niya dito ay ngumiti ito na ewan niya kung pinagtatawanan ang katakawan niya o ano.
Nanahimik ang kanina'y abala sa pag-uusap nilang mga magulang at tiningnan sila.
"The chicken is really fantastic." Alanganin siyang ngumiti sa mga ito. Gusto niyang sawayin si Echizen dahil hindi dapat ito umaakto ng ganoon, baka ano pa ang isipin ng mga magulang nila.
"Halata nga sa iyo, hija," natatawang saad ng Daddy niya.
"Dad..." she really felt embarrased.
Muli ay nagtawanan ang mga ito.
"Anyway," nakahinga siya nang maluwag nang biglang magsalita si Mommy Maica, mababaling na sa iba ang usapan, "how are the two of you?" Tanong nito na hindi niya naman malaman kung paano sasagutin.
Uhmmm... It's complicated on my part.
"We're fine, Ma." Sa halip ay si Echizen ang sumagot saka siya nito pinagkatitigan. "I just realized that Zein is actually a wonderful person. And it didn't take me that much effort to fall in love with her."
Malakas na napasinghap ang Mommy niya at si Mommy Maica. Sumunod ang nakabibinging katahimikan. Sa pagkakaalam niya ay bigla nalang nawala sa ritmo ang pagtibok ng kanyang puso. Tumigil ang oras habang nakatingin lang sila sa isa't isa. Bigla ay parang wala nang iba pang tao sa paligid kundi silang dalawa lamang.
Did she hear him right? Nagbibiro ba ito? Kung oo ay bakit? Bakit kailangan pa nitong paguluhin ang lahat? May usapan na silang tapusin ang inumpisahang gulo ng kanilang mga magulang kaya't mali ang mga lumabas sa bibig nito. Higit sa lahat ay labis na siya nitong pinahihirapan.
"Excuse me." Bumangon ang galit sa kanyang dibdib at walang ibang paraan upang mapahupa iyon kundi ang paglayo sa lugar na iyon. Dumiretso siya sa veranda.
Pagdating doon ay umihip ang sariwang hangin subalit hindi iyon nakatulong upang humupa ang kanyang samut-saring emosyon. Ano bang problema ng baliw na iyon? Naiinis na napabuga siya ng hangin.
May narinig siyang paggalaw mula sa kanyang likuran. Nang humarap siya at makita si Echizen ay lalong kumulo ang dugo niya.
"What the hell was that? Are you crazy?! Napag-usapan na natin na ngayon natin sasabihin sa kanila na huwag na silang umasa para sa ating dalawa. Pero anong ginawa mo? You just fueled up their delusions!"
Sa halip ay parang nawiwili pa ito habang pinagmamasdan siya. Lalo siyang naiinis.
"Dammit! Did your brain just fall out from your skull?"
Sa pagkagulat niya ay nakangiti pa nitong tinawid ang distansya sa kanilang pagitan at saka nito hinuli ang isa niyang kamay. Nalilitong napatingin lang siya dito.
"No, Zein, it's not my brain. It's my heart." He pulled her closer and looked at her dearly. "My heart fell out of my chest and landed straight into you hands. Now, it's up to you whether to hold it or let go."
She felt like exploding. Hindi niya malaman kung nananaginip ba siya, nagdedeliryo o ano.
"Wow, hijo! That's a line!" Sigaw ni Daddy Richard.
Napalingon sila ni Echizen sa mga magulang nila na abot tainga ang mga ngiti.
"Our mission is a success," sabi ni Mommy Maica.
Tinapik ito ng Mommy niya. "Not yet, we have to wait for Zein's answer."
"She has to say 'yes'." Nag-cross finger pa ang Daddy niya.
Muli ay hinarap niya si Echizen. And she realized that he was still holding her hand.
"Remember the night when we kissed? Why did you turn your back on me saying 'dammit'?" Parang bata na sabi niya dito.
Napabuga ito ng hangin. "That night, aamin na dapat ako sa iyo. I even planned a perfect date for you. Pero pag-uwi ko, you surprised me with the dinner you prepared. And so I had to postpone everything. I wasn't supposed to kiss you that night, not until I have confessed to you." Napailing ito. "But I always lose my senses when it comes to you. I said 'dammit', frustrated about myself, and not because I didn't like the kiss."
Namilog ang kanyang mga mata. "Really? That's it?"
"Everything was supposed to be in order."
And so it was just a misunderstanding. Simple and stupid. Natatawang binalingan niya ang kanilang mga audience. Mukhang atat na atat na ang mga ito sa susunod na mangyayari.
She tilted her head and charmed Echizen with her smile. "So, patay na patay ka pala sa akin?"
He snatched her by the waist. "Dropdead, honey. Alam ko rin namang patay na patay ka sa akin eh. Briana, Jecelle and Portia told me so."
She rolled her eyes. "Those witches."
"Actually, it was a confrontation. Galit na galit sila sa akin."
"I'll do explaining to them." Ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa batok nito. "So...?"
Ngumiti ito bago siya masuyong hinalikan. Hindi magkamayaw sa tuwa ang kanilang mga manonood.
A/N: Epilogue na po ang kasunod. Pasensya na sa mga maling grammar, walang perfect na tao.😁
YOU ARE READING
Enemy Turn Into Lover
FanfictionMutual hatred ang meron sila. Since time immemorial, para nang aso't pusa sina Zein at Echizen na di magkasundo. But destiny played a little game at nalaman na nilang ipinagkasundo sila sa isang arranged marriage ng kanilang mga magulang na solid fa...