"Very good, hijo." Ngiting-ngiti ang Daddy ni Echizen na si Richard Clemente sa kanya. He even patted his shoulder, patunay lang na proud na proud ito sa kanya. Dalawa lang sila ngayon sa private office nito subalit kahit sa harap ng maraming tao ay ipinapakita nito kung gaano ito kasaya na magkaroon ng anak na gaya niya.
"Thanks, Dad. Sabi naman sa iyo eh, I can sweep all of those investors off their feet."
Humalakhak ito at muling nilagyan ng wine ang kanyang wine glass. They toast in such a way of gladness. Kagagaling lang nila sa conference room at ngayon ay sigurado na naman ang pagpasok ng malalaking investors sa Primus Hotels, ang kompanyang minana pa ng Daddy niya sa Lolo niya. At nakatakda niya rin iyong manahin.
He would take it wholeheartedly. Sa loob ng mga taon ay nakita niya ang dedikasyon ng kanyang ama sa Primus Hotels. Gusto niyang ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang lolo at ng kanyang ama.
Perhaps, being a businessman runs in his blood. Alam niyang natural sa kanya ang kagustuhang maging susunod na tagapamahala ng Primus Hotels. Hindi iyon ipinilit sa kanya. He's in love in the world of business, he could see a lot of movements, challenge and life.
Subalit kailangan niya pa ring mag-umpisa sa simula. Hindi ganoon kadali ang magpatakbo ng isang malaki at kilalang kompanya. Pagka-graduate niya ay tumayo siyang manager sa isa sa mga branch ng Primus Hotels. Nagpalipat lipat siya ng branches hanggang sa napatunayan niya sa Daddy niya na kahit saan siya ilagay nito, kaya niyang mag-adapt. He's a flexible manager.
In no time he was promoted as the company's general manager. Hindi kuwestyonable iyon dahil nakikita naman ng lahat ang dedikasyon niya sa kanilang kompanya.
He was often referred to as the young Richard Clemente, kaya nga proud na proud ang kanyang ama sa kanya. Hindi pa man ay marami na siyang naipapamalas. Gaya nga ng mga investors na nalambat niya kanina. Supposedly ay Daddy niya dapat ang magko-close ng deals at mangungumbinsi sa mga ito. Subalit ibinigay nito sa kanya ang tungkuling iyon. Ganoon kalaki ang tiwala nito sa kanya. It was a big risk, malaking pera ang mawawala sa kompanya kung hindi niya nakumbinsi ang mga investors na iyon. But then, he succeeded.
And rumor has it, he could be the youngest CEO in the history of business. Ngunit mas gusto niya pa rin na mag umpisa sa mababa at matutunan ultimo ang mga kaliit-liitang detalye. Mapapamahalaan niya ang kanilang kompanya kahit hindi siya kumuha ng MBA. Subalit binabalak niya pa ring kumuha niyon. Now that's dedication.
"Oo nga pala, hijo, tonight, we'll be having our dinner sa bahay ng Mommy Ella at Daddy Carl mo. It's a little dinner get-together to welcome Zein." Kakaibang tingin ang ibinigay nito sa kanya kasunod ng isang makahulugang ngiti.
He wanted to snort upon hearing Zein's name. That nasty brat, kahit pa siguro matagal itong nawala ay pupusta siyang hindi pa rin ito nagbago. Her attitude was classic. And he hated her.
"Your mom missed her and I bet that she grew up as fine lady."
Muli ay gusto niyang mapasimangot sa sinabi ng Daddy niya. Ngunit sa halip ay idinaan niya na lang iyon sa pagsimsim ng wine. How could a nasty brat turn into a fine lady? Ewan niya ba kung bakit gustong-gusto ng parents niya si Zein. Palibhasa, hindi alam ng mga ito kung gaano ka-maldita ang babaeng iyon. They even refused to believe that it was all Zein's fault why she was sent away to Amerika.
Truth is, she was a disappointment and a source of frustration. Noong high school sila ay marami itong kinasangkutang eskandalo at kahihiyan. Hinding-hindi niya malilimutan ang sex video na ipinakalat nito dahil lang sa pagiging immature nito. She ruined Lauren's life.
Ah yes, Lauren... the girl with angelic face. Ito rin ang babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso. Kaya nga sobrang galit ang naramdaman niya kay Zein dahil sa mga ginawa nito.
"Make sure to look great mamaya sa dinner, hijo. Sweep Zein off her feet just like what you did to the investors." Muli ay isang makahulugang ngiti ang ibinigay sa kanya ng ama.
He shouldn't be intrigued. Probably that meant nothing. His Dad could be kind of weird sometimes.
At kinaiinisan niya man si Zein, siguro naman ay kaya niya itong pakiharapan nang maayos mamaya. Perhaps, it would take him so much effort.
YOU ARE READING
Enemy Turn Into Lover
FanfictionMutual hatred ang meron sila. Since time immemorial, para nang aso't pusa sina Zein at Echizen na di magkasundo. But destiny played a little game at nalaman na nilang ipinagkasundo sila sa isang arranged marriage ng kanilang mga magulang na solid fa...