Ayaw niya nang maging mas kumplikado pa ang sitwasyon kaya't kinagabihan ay napagdesisyunan niyang kausapin si Echizen. Wala sa balak niyang ungkatin pa ang nangyari nang nagdaang gabi, sasabihin niya lang dito na kailangan na nilang tapusin ang kabaliwan ng kanilang mga magulang. Pati na rin ang sarili niyang kabaliwan.
Two long months had got to be enough to give way to their parent's whim. Napagbigyan na nila ang mga ito, isa pa ay tiyak niyang hindi niya na kakayanin pang makasama si Echizen sa iisang bahay. It would be a total torture.
Habang hinihintay ito ay samu't saring emosyon ang nararamdaman niya. Inis, kaba, lungkot, subalit mayroon pa ring parte niya na ganoon na lang ang pagnanais na makita itong muli. She really hated him yet she's still missing him. That is, to think that she hadn't seen him only for a day.
Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ay parang tinambol ang kanyang puso. She smelled his particular scent and that brought her an unexpected delight, but she had to shut it up.
"Thank goodness you're already here." Jerk.
Nagtama ang kanilang mga mata subalit siya na ang unang umiwas dahil hindi niya nagugustuhan na hindi niya mabasa ang ekspresyon nito. And he seemed somewhat restless.
"Kumain ka na ba?" Tanong nito.
Tumango siya kahit ang totoo ay hindi pa. Ayaw niyang buksan ang ref at makita ang mga hotdog, itlog at bacon na nakakapagpaalala sa kanya sa nagdaang gabi.
"Hinihintay kita dahil may sasabihin ako sayo."
Matagal na tinitigan muna siya nito. "May sasabihin din ako sa iyo."
She composed herself and tried to look as dignified as the Statue of Liberty.
"It's been two months since this mess started. But the best part is we became friends." She smiled. "And maybe this is the time where we should tell our parents the truth. That we're only better off as friends and not as romantically as involved as they wanted. Napagbigyan na natin sila, siguro naman hindi na nila tayo ipipilit sa isa't isa kung sasabihin nating hindi talaga pwede."
"Look, if it's about the kiss-"
"No, it's not about that kiss, Echizen. Matagal ko nang naisip na sabihin sa kanila ang totoo," pagsisinungaling niya. "Don't worry, everything is well arranged. Nakapag-set na ako ng dinner with them tomorrow sa bahay namin. I told them that we have something to announce."
Pinilit niyang magmukhang kaswal sa harap nito kahit pa nahihirapan na siya.
Hindi ito nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa kanya.
"I'm sure Dad will be okay with this. Lalo pa ngayon na good image na ako sa kanya." Matipid siyang ngumiti. "Don't be late for dinner tomorrow, okay?"
Sa halio na hintayin ang sagot nito ay tumalikod ba siya at dumiretsi sa kwarto. Tahimik niyang isinara ang pinto. Het heart was aching as tears began to fall on her cheeks.
YOU ARE READING
Enemy Turn Into Lover
FanfictionMutual hatred ang meron sila. Since time immemorial, para nang aso't pusa sina Zein at Echizen na di magkasundo. But destiny played a little game at nalaman na nilang ipinagkasundo sila sa isang arranged marriage ng kanilang mga magulang na solid fa...