Chapter 32

12 1 0
                                    

"Maybe it was just my imagination... or maybe not. Oh gosh!"

Sa tingin niya ay nababaliw na siya. Paano ba namang hindi gayong nagsasalita siyang mag-isa at mayamaya ay napapangiti. It was all because of Echizen. See, she's trying to get rid of her crazy idea that she had fallen for him. Iyon nga lang ay palagi niya naman itong nahuhuling nakatitig sa kanya kaya't sa halip ay nahihirapan siyang itanggi sa kanyang sarili ang nararamdaman niya kapag ganoong pinapabilis nito ang tibok ng puso niya.

"Fine, fine. I'm in love with him." Pabagsak siyang nahiga sa kama.

Mag-isa lang siya ngayon sa apartment kaya't walang makakarinig sa kanya.

There's just no sense denying what is obvious. But then, is the feeling mutual? Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga titig nito sa kanya, gayunpaman ay mas masarap isipin na may kahulugan ang mga iyon.

Maybe they could make a perfect couple.

"Ahh! I'm crazy!" Bumangon siya at nagpalakad-lakad.

Funny how things turned out. Noon ay inis na inis siya dito ngunit ngayon... ngayon ay pinapangarap niya na ito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.

Nasa kalagitnaan pa rin siya ng pag-iisip nang may mag-doorbell sa labas. Mabilis niyang tinungo ang pinto at nasorpresa siya nang makita ang kanyang Mommy at Daddy.

"Princess..."

Sa loob ng walong taon ay ngayon lang ulit siya tinawag ng Daddy niya sa ganoong endearment. Her heart swelled.

"What a surprise." Ngumiti siya at pinapasok ang mga ito.

Makalat sa loob kaya't bigla ay gusto niyang palabasin muna ang mga ito. Subalit huli na para doon.

"So what's up?" Sabi niya habang pasimpleng dinadampot ang ilang kalat.

"We missed you, princess," sabi ng Mommy niya. "And your Dad has something to tell you."

Hindi niya inaasahan nang bigla siyang yakapin ng Daddy niya. "I'm sorry, hija... for not trusting you and for sending you out to Amerika. Sorry for everything, my princess."

"Dad..." habang nakatingin dito ay nagsimulang mangilid ang kanyang mga luha. She missed him so much. Para bang pagkatapos ng walong taon ay ngayon lang sila muling nagkita.

"Echizen told us everything..."

"Correction, Daddy, dati ko pang alam na walang kasalanan ang princess ko about those high school scandals," sabi ng Mommy niya.

Apolegetic na muling bumaling sa kanya ang Daddy niya. "I'm really, really sorry."

She's been secretly yearning for this moment. And now it's here. Alam na ng Daddy niya ang totoo at sa paghingi nito ng tawad, nakikita niyang hindi talaga nito ginusto ang ipatapon siya. Echizen brought her Dad back to her.

Yumakap siya dito nang mahigpit at hindi niya na pinigilan pa ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"I missed being your princess..."

"But you've always been my fancy princess," sabi nito ng nakangiti.

"Hey, I'm also here!"

Lumapit ang Mommy niya sa kanila at nakisali sa yakapan. Her heart danced in gladness.

"But Dad," sandali siyang humiwalay sa mga ito, "I have a very important question. When will I ever get my accounts back?"

Tumawa ito. "We'll talk about that some other time."

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now