Chapter 29

9 1 0
                                    

Kailangan niyang aminin na nakaramdam siya ng kakaibang tuwa at hindi maipaliwanag na kaba nang iabot sa kanya ni Echizen ang isang bouquet ng napakagandang bulaklak. At ngayon ay hirap siyang pigilan ang kanyang ngiti.

"What for?" Tanong niya dito ukol sa binigay nitong bulaklak.

"Don't ask." Dire-diretso ito sa sofa at naupo.

Niluwagan nito ang suot nitong polo sa pamamagitan ng pagtanggal ng ilang pagkakabutones niyon sa may bandang itaas. He was sweating.

Tinabihan niya ang lalaki. "Magbibigay ka ng flowers tapos magsusungit ka. Ano kaya yun?"

He took an exasperated sigh. "Dumaan ako sa flower shop kanina para bilhan sila Mommy at Mommy Ella ng flowers. Mother's Day, remember?"

Tumango siya.

"It just crossed my mind to bring you flowers too. Don't ask for any explanations. Naisip ko lang talaga na bigyan ka. It's plain and simple."

"Okay, okay. Nagtatanong lang naman eh. Anyways, I love it. Thanks." Ngumiti siya nang ubod ng tamis.

Tinitigan lang siya nito. And to her horror her heart made some stupid beats as his dark brown eyes were intently locked on her face. Bigla siyang nailang.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

Tumayo ito. "Wala," sabi nito habang tonong iritado.

Napakunot-noo siya. Naka drugs ba ito? Di yata't napakawirdo nito ngayon. But then she should give him a break. Marahil ay may topak ito.

"Echizen?"

Hinarap siya nito, mukha pa ring iritado.

"I know may topak ka ngayon. But can I ask you a favor?"

"What favor?"

"You see, Mother's Day ngayon. And since naka-freeze ang accounts natin ay wala akong pambili ng gifts... wait, saan ka kumuha ng pambili ng flowers?"

"Nangutang ako kay Dad."

"Ah. Hindi ako pwedeng mangutang sa Daddy ko. Ayoko."

Muli itong naupo sa tabi niya. "How can I help you?"

Her heart smiled for his thoughtfulness.

"Drive me home. Babatiin ko lang si Mommy nang personal at si Mommy Maica, of course."

"Yun lang?"

"Uhummm."

"Sure. Tutal hindi ko pa rin naman sila nababati nang personal. Pina-deliver ko lang yung mga bulaklak."

"Then, let's go." Nauna siyang tumayo. "Hintayin mo na lang ako sa labas, ilalagay ko lang tong flowers ko sa vase."

Ganoon na nga ang ginawa nito. Nang matapos naman siya ay inabutan niya ito sa labas na may kausap sa cellphone nito.

"Yes, hindi ko po nakakalimutan. Opo. Bye." Ibinaba nito ang cellphone at saka binuksan ang pinto ng kotse para sa kanya.

"Who's that?" Tanong niya.

"Si Dad. Nire-remind ako para sa pupuntahan kong business summit sa Baguio next week."

Nabitin ang pagpasok niya sa kotse. "Did you just say Baguio?"

Tumango ito.

Na-excite siya. "Sama!"

Noong hindi pa siya naipapatapon sa Amerika, madalas silang mag-out of town ng Mommy niya. At ang Baguio ang pinakapaborito niyang lugar sa Pilipinas.

"Ang sabi ko, business summit, hindi field trip."

"You'll have the summit, I'll have the field trip. Please isama mo na ako. You see, it's been eight years since I got there."

Hindi ito sumagot.

"Please?" She begged, almost teary eyed.

Ilang sandali pa bago ito nagsalita. "Just promise to behave."

"Yes!" Sa sobrang tuwa niya ay nagtatalon siya at saka niya ito niyakap. Matunog niya itong hinagkan sa pisngi. "You're the best!"

At huli na para pagsisihan niya ang kanyang ginawa. Ngunit bakit niya naman gagawin iyon? Kissing him felt somewhat fantastic. So she just smiled at his shocked face.

"Let's go." Inunahan niya na ito sa pagpasok sa kotse.

Ang bango niya talaga.

Enemy Turn Into LoverWhere stories live. Discover now