Prologue

27 7 4
                                    


Sa kalagitnaan ng gabi, isang maliliit na hikbi mula sa babaeng nagtatangis ang umaalingawngaw sa kagubatan

Di nya alintana ang lamig ng simoy ng hanging dumadampi sa kanyang porselanang balat

Mga kaluskos sa kung saan ang tangi nyang kakumpetensya sa pag gawa ng inggay

Unti-unting pumapatak ang ulan na animo'y nakikiramay sa pag tangis ng babae

Nagsisimula ng lumakas ang inggay mula sa mga palakang nangungusap

Sa kagubatang  kinaroroonan
Sa napakadilim na kagubatan ay may isang nakasisilaw na liwanag ang naghari

Sandaling nahinto sa pag iyak ang babae at hinahanap ang kinaroroonan ng liwanag

Ihinakbang nya ang kanyang mga mumunting paa saka dahan dahang tinungo ang kinaroroonan ng liwanag

Unti unti ng napawi ang kanyang kalungkutan at napalitan iyon ng kuryusidad, kuryusidad sa kung saan nagmumula ang mahiwagang liwanag

Ang liwanag na nakapag patigil sa lahat ng inggay

Marahan pa syang humakbang, sa wakas ay natunton nya na ang mahiwagang liwanag at sa di inaasahan ay unti unti ng nababawasan ang liwanag at sumilay na ang isang napakagandang babae sa likod ng liwanag

Gumuhit ang malapad nitong ngiti, ang ngiting tuluyang pumawi ng kanyang kalungkutan

"Halika, lumapit ka" malumanay nyang usal sa babaeng kanina
lang ay nagtatangis

Lumapit ang babae at kasabay niyon ang dahan dahang pag bulong ng babaeng nakasisilaw

Sa sandaling narinig niya ang boses ng babaeng nakasisilaw ay unti-unting nabuhayan ang kanyang puso kasabay ng dahan dahan nyang pag hakbang  palabas sa kagubatang matanglaw.

YOUTH AGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon