Marami kaming napag-usapan ni Shawn tungkol sa mga naging samahan namin noon and I can't believe that napaka maldita ko pala no'n.Palalubog na ang araw kaya natahimik kami ni Shawn habang pinagmamasdan ang view.
" Buti pa ang mga ibon no' malayang lumilipad at nagagawa ang mga gusto nila.Ang saya siguro nila I wonder kung anong feeling ng maging malaya." aniya ni Shawn kaya napalingon ako sa kanya.
" Alam mo, ganyan din ako dati" napalingon naman sakin si Shawn saka natawa.
" Naging ibon ka dati?!" natatawang usal ni Shawn. Ghad!
"Sira! ang ibig kong sabihin, tulad mo dati ay panay rin ang pag iisip ko kung anong feeling ng iba sa mga buhay nila. Palagi kong iniisip kung gaano kaganda ang buhay ng ibang tao until suddenly i realize something." napatingin naman sakin si Shawn.
" Realize what?" aniya pa, napangiti naman ako.
" I just realize that instead of imagining how much better everyone else's life is, I should just focus on how to make my life better than it was." i give him a smile na sinuklian naman nya.
" Why don't you try, You should stop imagining how much better everyone else's life is," aniya ko pa.
" I'll try but i think it would be really hard." sagot nya saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga kaya nilingon ko uli sya.
" May problema ka ba?" di ko na napigilang itanong liningon nya naman ako.
" Wala. maliit na problema lang naman to."
" Walang malaki o maliit na problema. Ang problema ay problema so tell me, ano bang problema mo? You know kahit ilang araw pa lang tayo uli nagkasama ay feeling ko connektado na agad tayo so wag ka nang mahiyang mga share sakin ng problema mo." nag aalalang saad ko.
" Maliit nga lang ang problema ko kaya wag na!" natatawang aniya pa.
" Tell me. Baka makatulong pa ko e." pangungulit ko pa.
Naiiling naman syang tumingin sakin.
" Ang kulit mo talaga e no. O sige ishishare ko sayo ang problema ko"
Hinintay ko naman ang sasabihin nya.
" Pinoproblema ko ang love life ko, 19 na ako pero wala pa akong girlfriend. O ayan, sige nga pano mo ko matutulungan." natatawang aniya pa.
" Seriously!? niloloko mo ba ako?." umiling naman sya at mukhang yon nga talaga ang problema nya. Hays akala ko naman kung ano.
" Ang maipapayo ko lang ay wag muna lang yan isipin masyado. Kumain ka na lang ng marami at tigilan mo na ang pamomoblema sa love life mo, tss." natawa naman sya sa sinabi ko.
" Tara na nga at baka gabihin pa tayo. Dadaan muna tayo sa Mall bago umuwi. May bibilhin lang ako." tumango na lang ako saka tumayo na.
Inalalayan nya uli ako sa pagsakay sa speed boat but this time ay hindi na ako takot.
Mabilis naman kaming nakarating sa pinanggalingan namin at dumiretso na kami sa kotse.
Tahimik kaming bumiyahe at makaraan rin ang 15 minuto ay nakarating na kami sa Mall.
Pumasok kami doon at umakyat kami sa 2nd floor.
" Pupunta muna ako don sa All males Stall baka matagalan ako don, gusto mo bang sumama?" umiling naman ako.
" Dito na lang muna ako at magtitingin tingin ng pwedeng bilhin. Pumunta ka na ron wag kang mag alala ok lang ako dito" aniya ko ngumiti naman sya at saka naglakad papunta doon sa stall na tinutukoy nya.
Naglakad lakad naman ako at natigil ako s labas ng stall na maraming stuff toys. Pumasok ako doon at nag tingin tingin.
Natigil ako sa isang blue bear na may regular size. Pinanggigilan ko naman ito at laking gulat ko naman ng may magsalita sa bandang tiyan nito.
' Good day ' yan ang sabi ng stuff toy.
" Ma'am how may I help you?" napunta ang paningin ko sa sales lady na lumapit sakin.
Tiningnan naman niya ang hawak kong stuff toy saka ngumiti.
" Maganda pong panregalo iyan ma'am kasi you can record your voice and save it within that stuff." paliwanag nito tumango naman ako saka napangiti, kaya pala.
" Ilan ba ang duration nito, miss?"
" 3minutes po ma'am." nakangiting aniya pa.
3 minutes? hm..pwede na akong makarecord ng kanta gamit ito. May bigla naman akong naisip.
" I'll take it Miss." nakangiting ani ko na nasa stuff toy pa rin ang tingin.
Pag kabili ko nung stuff toy ay naglakad ako papuntang lady's room at pumasok sa isang cubicle. Nilabas ko iyong stuff to at sinunod yung instructions na sinabi sakin nung sales lady. Kumanta ako at nirecord ko iyon don sa stuff toy.
Naisip ko kasing wala akong gift na naibigay kay Shawn kahapon kaya siguro ok na rin ito and besides natuwa naman sya ng kumanta ako kaya baka magustuhan nya ito.
Ibinalik ko na sa paper bag yung stuff toy at tinungo ko na yung pinanggalingan ko kanina. Sakto namang lumabas si Shawn at nakangiti itong lumapit sakin.
" Tara kain muna tayo don sa café." tumingin muna ako sa relos ko at nang makitang 6:30 pa lang naman ay tumango na ako.
Naupo na kami ni Shawn dito sa café at agad naman kaming nilapitan ng crew.
" Good Day Ma'am, Sir. What's your order?" nakangiting tanong nito.
Tinanong naman ako ni Shawn kung anong gusto kong kainin. Frappe at chocolate cake lang ang pinili ko at pansin kong yun din ang pinili ni Shawn.
" And one whole mocha cake for take out." habol pa ni Shawn.
" Mahilig ka rin pala sa Mocha cake? Favorite din yon ni Mommy e." aniya ko.
" It's not for me, kay Tita Daisy talaga yon alam kong favorite nya yon. Pasalubong natin yan para sakanya." nakangiting aniya pa kaya napangiti naman ako.
Mabilis naming tinapos ang kinakain namin kasi gabi na.
Pagkarating namin sa bahay ay nakita kong nagtatsaa si Mommy sa sala habang nakatutok sa laptop. Nang mapansin nya kami ay nag angat sya ng tingin samin saka malapad na ngumiti.
" Andyan na pala kayo, kumusta ang date nyo?." panunukso ni Mommy samin.
" Hindi naman po yon date Mommy, nagbonding lang po kami." iiling kong sabi, nakita ko namang lihim na tumawa si Shawn kaya nangunot ang noo ko. Isa pa to e.
" As you say so, Anak." nakangiting aniya pa.
" Tita for you po, pasalubong namin sainyo." napangiti naman si Mommy ng malawak nang iabot sakanya ni Shawn ang isang box ng Mocha cake na binili nya kanina.
" Thank you hijo. Nag abala ka pa." ngingiting aniya ni Mommy.
" Sige po Tita, Ren, uwi na po ako." paalam ni Shawn.
" Grace anak, hatid mo na si Shawn sa labas." tumango na lang ako at sinaman na palabas si Shawn.
Nang nasa labas na sya ng gate ay iniabot ko na sakanya ang paper bag na naglalaman ng blue stuff toy na binili ko kanina.
Kinuha naman niya ito at kunot noong tumingin sakin.
" Binili ko yan kanina dun sa Mall. Naisip ko kasi wala man lang akong regalo sayo kahapon sa party kaya ng makita ko yang binili ko na. Sana magustuhan mo." nahihiyang usal ko.
" Di ko ineexpect na bibigyan mo pa ako ng gift. Thank you." nakangiting ani nito.
Umiling ako. " No. thank you, thanks for today." nakangiting ani ko at sinuklian naman nya iyon ng ngiti bago tuluyang sumakay sa kotse.
Kumaway pa sya sakin bago tuluyang pinaharurot ang kotse. Nang di ko na matanaw ang kotse nya ay pumasok na ako sa loob at naabutan ko naman si Mommy na naghahanda na ng hapunan sa dining area.
Matapos namin kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Nang ok na ang lahat ay nahiga na ako at inantay dalawin ng antok.
BINABASA MO ANG
YOUTH AGE
Teen FictionHi my name is Laurhen Grace Samaniego. 17 years of old. Grade 12 STEM student. A youth living a life full of uncertainties. But, I believe that everyone of us has a blissful life. Maybe some can't see it but I think all we have to do is to 'Stop im...