Chapter 14

6 1 0
                                    

Monday na kaya as usual, nagising ako ng maaga at nagprepare na para sa klase ko.

Pagkababa ko ay nakita ko si Mommy na nagmamadaling nag aayos ng kanyang gamit sa office.

" Mommy? Are you alright, your panicking what's the matter?" nag aalalang tanong ko. Napatingin naman siya sakin saka ngumiti ng pilit.

" I have an important appointment today, Anak. I'm sorry I can't drive you to school, I have to go." napatango na lang ako saka kunot noong pinagmasdan siyang umalis.

Hays!

After I ate breakfast I immediately go to school. At dahil hindi ako hinatid ni Mommy ay nag commute na lang ako.

Pagkarating ko sa University ay nag madali akong pumunta sa classroom dahil ilang minuto na lang ay late na ako.

Pagkarating ko ay sakto namang kadarating lang ni Sir. Umupo ako sa silya ko at inayos ang sarili.

" Good morning class! Today we have no classes since Seniors Week is coming and you have to make a plan for your booth right!?" tumango tango naman ang lahat at nag abang sa susunod na sasabihin ni Sir.

" Alam naman siguro ninyo na ang Booth na isasagawa ninyo ay napakaimportante dahil sa napakalaking premyo na makukuha ng buong klase hindi ba!?" ngingiting aniya ni Sir.

" Kaya naman kailangan ninyong magkaisa sa mga oras na ito. Good luck! show us what you've got kiddos." aniya pa ni Sir bago tuluyang umalis.

" Narinig nyo naman ang sinabi ni Sir hindi ba? Kailangan nating magkaisa at gawin ang lahat ng ating makakaya. Kaya ako bilang inyong class president, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para tayo'y magkaisa at makagawa ng booth na sinuman ay mapapahanga! We can do it!" mahabang litanya ng class president naming si Felicity.

Sabay sabay namang tumango ang lahat at saka gumuhit ng malapad na ngiti.

Napakahalaga talaga ng booth competition na ito dahil sa napakalaking  premyo na makukuha ng section na mananalo. A full vacation package at a very well-known resort with special accommodations, yan lang naman ang premyo kaya nga motivated talaga ang lahat na manalo.

Nagsimula na kaming mag usap usap at kanya kanya kami ng lapag. Maraming suggestions ang nagsilabasan kaya medyo nahirapan kami kung ano nga ba talaga ang dapat naming piliin pero lumipas din ang ilang sandali at nagkaisa na rin kami sa wakas!

Pinag-hati-hati  namin ang mga gagawin kaya di kami ganoong nahirapan. Marami pa kaming napag usapan at ilang sandali lang din ay natapos na kami.

" We can do it! Fighting." aniya ni Felicity at saka na tinapos ang meeting.

Kanya kanya na kami ng ayos ng gamit saka nagsilabasan.

Naglakad na ako palabas ng University ng may tumawag sa pangalan. Nilingon ko ito at di nga ako nagkakamali.

" Oh Shawn!" aniya ko lumapit naman si sakin saka nahihiyang ngumiti.

" Ella pwede ka ba ngayon? Magpapasama sana ako sayo e." napangiti naman ako at saka tumango.

" Oo naman, saan ba?" napaisip naman ito saka napakamot sa batok.

" Hindi ko alam e, malapit na kasi ang birthday ni Mommy at gusto ko sana syang bilhan ng regalo. Alam mo bang ilang araw na rin akong nagiisip kung anong dapat kong bilhin? Kaso hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano nga ba ang dapat." aniya ni Shawn saka bumuntong hininga. Malapit na nga pala ang birthday ni Tita, hmm makabili nga rin ng regalo. Napangiti naman ako.

" I got you! Alam ko na kung san tayo dapat pumunta." ngingiting aniya ko. Napangiti naman siya saka inaya na akong sumakay sa kotse niya.

" Kain muna tayo. San mo gusto?" aniya ni Shawn.

YOUTH AGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon