Chapter 13

3 1 0
                                    


Disappointed

that's how I feel after what I've heard. I can't believe that Mommy can do it, like? Argh.

I sigh.

I can't blame her maybe she's really in pain that time kaya nakagawa siya ng ganoong desisyon.

Since saturday naman ngayon, I decided to go to the forest. I need fresh air to breathe. Feeling ko anytime ay mababaliw na ako.

Mommy left our house very early at nagluto na siya ng breakfast for me. Pagkatapos kong magbreakfast ay mabilis akong nag ayos saka tinungo ang tambayan ko t'wing nalulunkot ako.

Walang nagbago. Tulad ng dati ay maganda pa rin dito. Umaalingawngaw sa buong kagubatan ang patuloy na agos ng tubig mula sa lawa.

Sariwang hangin ang sumalubong sakin kaya napawi ang kalungkutan ko. Unti-unting napangiti ako. Nature is my stress reliever.

Naupo ako sa gilid ng lawa at saka ibinabad ko ang akong mga paa sa preskong tubig.

Nagpakawala ako ng napakalalim na buntong-hininga para tuluyan na akong maging ok.

" Ang lalim naman no'n." nabigla ako ng may biglang magsalita sa likuran ko. Hinarap ko siya at kita ko ang alanganin niyang ngiti at kumakamot pa siya sa batok.

" Sabi ko na nga ba't nandito ka Ella." aniya pa ni Shawn.

Ngumiti ako ng pilit saka marahang tinapik ang gilid ko.

" Halika maupo ka, may kailangan ka ba?"

Naupo naman siya saka ngingiting umiling.

" Alam kong nahihirapan ka kaya gusto kitang samahan para naman may makausap ka." puno ng pag aalalang sabi niya.

Kahit nag lihim sila sakin ay di ko magawang magalit kasi alam kung ginawa nila iyon para rin naman sakin.

Ngumiti ako uli ng pilit.

" Ok na ako. Sa t'wing may problema ako, pumunta lang ako dito ay gumagaan na ang pakiramdam ko." nakangiting aniya ko.

Nakita kong tumayo si Shawn at laking gulat ko ng bigla syang mahulog sa lawa.

" Ella! tulong di ako marunong lumangoy!" nataranta naman ako dahil kahit ako ay hindi rin marunong lumangoy. Ano ng gagawin ko?

" Abutin mo itong kamay ko dali!" hinawakan nya naman ito at mas nagulat ako ng ngumiti siya ng nakakaloko saka hinila ako.

" Shawn! Ano ba di ako marunong lumangoy!!! Wah!" sigaw ako ng sigaw pero tinawanan niya lang ako hawak niya naman ako pero natatakot pa rin ako.

" Loko ka talaga Shawn! Pinagtitripan mo pa ako akala ko ba pumunta ka rito para pagaanin ang loob ko? Ba't parang balak mo pa akong lunurin!" tawa naman sya ng tawa.

" Wag ka ng matakot, di naman kita binitawan. Nandito naman na tayo kaya maligo na lang tayo dito, ang linis ng tubig saka presko. Turuan na lang kaya kitang lumangoy!" excited na sabi niya pero umiling ako. Pano kung malunod ako? wag na!

" Ang kj mo! sige na para makapaglaro tayo dito sa tubig. Pag marunong ka ng lumangoy maglalaro tayo ng sisid para sa barya! sige na masaya yon!" pag eengganyo pa niya pero ayoko talaga kaya umiling ako.

" Sige ka, di kita tutulungan umahon kapag di ka pumayag. At kapag nabagot ako, iiwan kita dito sa tubig." ngumiti pa siya ng nakakaloko kaya napalunok ako ng ilang beses.

" Sige na nga! Payag na ako, pero pag nalunod ako at namatay sisiguraduhin kong isusunod kita!" natawa naman siya sa sinabi saka malapad na ngumiti.

Tinuruan niya akong lumangoy at mabilis naman akong natuto. Tuwang tuwa ako dahil sa wakas ay kaya ko nang lumangoy.

" At dahil marunong ka ng lumangoy. Tara laro na tayo!" masayang aniya ni Shawn at nakangiti akong tumango na parang bata.

Naghagis siya ng barya at sinisid naman namin iyon.

Laging si Shawn ang nakakasisid ng barya kaya naiinis ako.

" Ang daya mo naman! Lagi na lang ikaw ang nakakasisid, pagbigyan mo naman ako." natawa naman siya sa sinabi at pati ako ay natawa na rin.

Ang dating tahimik na kagubatang ito ay napuno na ng tawanan. Nakakatuwa kasi akala ko ay masaya na sa lugar na ito pero hindi dahil may mas isasaya pa pala ito.

Ilang saglit lang din ay nakaramdam na ako ng ginaw, napansin naman yata iyon ni Shawn kasi tinitigan niya ako.

" Giniginaw ka na Ella, tara uwi na tayo." nag aalalang aniya ni Shawn, ngumiti ako at saka tumango.

May dalang kotse si Shawn kaya mabilis naming narating ang bahay.

Pagkarating namin doon ay nakita ko ang kotse ni Mommy kaya nagtaka ako.

" Kotse to ni Mommy." naiusal ko kaya tiningnan naman ako ni Shawn saka sabay kaming pumasok sa loob.

" Anak, Shawn hijo? Ba't basang basa kayo?." nag aalalang aniya ni Mommy.

Ngumiti lang ako at hinayaang si Shawn ang magsalita.

" Naligo po kasi kami sa lawa Tita." ngingiting aniya ni Shawn kaya natuwa naman si Mommy.

" Ganon ba? O sya magbihis na muna kayo at baka lagnatin kayo." nakangiting aniya ni Mommy kaya ngumiti na lang kami ni Shawn saka umakyat na ako sa kwarto ko.

May dala namang mga damit na pamalit si Shawn kaya walang problema. Tingin ko nga ay plinano niya talaga ito lahat kaya natawa naman ako saking isipan.

Pagkababa ko ay nakita kong nagtatawanan sila Mommy at Shawn. Rinig ko rin na ako ang pinaguusapan nila kaya tumikhim ako ng malakas.

Natawa silang pareho saka ngumiti ng malapad.

" Marunong ka na raw lumangoy Anak, nakakatuwa naman." ngingiting aniya ni Mommy.

" Opo thanks to Shawn, kung hindi ba naman po siraulo yan at umarteng nalulunod yun pala may maitim lang na binabalak." iiling kong saad.

Nagtawanan uli sila at ilang saglit lang din ay inaya na kami ni Mommy na mananghalian.

" Mommy ba't di ka nga po pala pumasok? Masama po ba ang pakiramdam mo?" nag aalalang aniya ko.

" Ok lang ako anak, hindi ako pumasok kasi nag aalala ako sayo. After what you've heard yesterday, siguradong hindi ka ok kaya sobra akong nag aalala. Buti na nga lang pala at pumunta si Shawn." nakangiting aniya ni Mommy, ngumiti na lang rin ako saka nag tuloy sa pagkain.

After naming kumain ay nagkwentuhan pa kami nila Shawn at saka masayang nagtawanan.

" Ingat ka Hijo sa pagmamaneho." nakangiting aniya ni Mommy, kumaway lang ako saka pinagmasdan namin ni Mommy ang papalayong kotse ni Shawn.

" Ang bait talaga ng batang iyon anak, kaya nga gustong gusto ko siya para sayo." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Mommy.

" Mommy magkaibigan po kami ni Shawn." natawa naman si Mommy sa sinabi ko.

" Bakit? kami nga ng Daddy mo nagsimula lang sa pagkakaibigan noon eh but look, we have you." ngingiting aniya ni Mommy saka iiling na lang akong naglakad papasok sa bahay.

Hays si Mommy talaga!

YOUTH AGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon