The cold wind touched my skin. The waters into the lake keeps flowing and it makes a sound seems like a song in my ears. I opened my eyes and there I saw this beautiful view.
I will miss this!
This is my comfort zone and my stress remedy for my whole life.
I'm currently sitting right in front of the lake. Today is my flight so I decided to take a glimpse in here for the last time.
Nakabihis na ako ng isang dress na binili ko nung nakaraan . Ito yung dress na nagustuhan ko sa boutique nang magshopping kami para sa graduation.
It's a simple pink floral dress and I also have this pink ribbon that was with this dress.
I closed my eyes again to avoid the bright light that hurts my eyes. I feel every wind that touches my skin.
I remained like this for a while and then I decided to go.
" Here." nagulat ako nang may kamay na nakalahad na sa gilid ko. It's Shawn.
Tinanggap ko iyon saka niya ako hinila patayo.
" Nasa kotse ko na ang mga gamit mo tulad nang bilin mo. Talaga bang ayaw mong isama si Tita Daisy papuntang airport?" ngumiti ako ng bahagya.
" Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makitang umiyak na naman si Mommy. Atsaka baka himatayin pa siya don HAHA. Mas ok ng hindi niya makita ang pag alis ko. Nandon na ba sila Tita Alice at Tita Pia sa bahay?"
" Yeah. Sumabay sila sakin papunta don. At tulad ng request mo ay isinama na nila si Tita papuntang Mall HAHA. Baka nga nakalimutan na niyang paalis ka na dahil sa sobrang excited sa pag shopping." natawa rin ako sa sinabi ni Shawn. Well. Ok na rin kung ganon.
" Let's go?" aniya ni Shawn. I still have 3 hours pa naman bago ang flight kaya aayain ko na muna siya somewhere.
" Punta muna tayo sa park bago dumiretso sa airport. Gusto kong kumain ng maraming Street foods dahil mamimiss ko yon. Wala pa naman non sa USA." he chuckled and nodded.
Pagpasok ko sa kotse ay agad na nahagip ng mata ko ang isang pirasong white rose at isang maliit na kahon na nakapatong sa front seat na uupuan ko.
" Para sakin ba 'to?" I asked smiling as Shawn enter the car.
" Yeah." he said and get the little black box in my hands.
He opened it and pulled out the silver necklace with a cresent moon pendant. It's beautiful!
" Maaari ko bang isuot ito sayo? " nakangiting aniya ni Shawn saka itinaas ang necklace.
Tumango ako nang may malapad na ngiti sa labi.
He slowly wear in my neck the beautiful necklace and he faced me when he's done.
" Do you like it?" he asked shyly.
" No." he was so nervous when he look at me so I laughed.
" I don't like it because I badly love it Shawn. Thanks for this." nakangiting aniya ko. Ngumiti naman siya.
" Dapat lang. Alam mo bang ilang gabi akong napuyat sa kakaisip kung anong pwede kong iregalo sayo. Buti na lang at inistalk kita sa social media at don nakita kong nilike mo yung picture nito sa isang page kaya agad kong hinanap ang jewelry shop na mayroon nito." umawang ang bibig ko sa sinabi niya.
" Kanina ko nga lang yan nakuha. Always wear that. Gusto ko pag uwi mo dito ay makita ko yang suot mo dahil kung hindi....."
" Kung hindi?" nakangising tanong ko.
" Hindi ko na ibibigay sayo ang pasalubong kong street foods at fries!" nang-aasar na aniya ni Shawn kaya binatukan ko siya.
Nandito na kami sa park at nang maipark na ni Shawn ang sasakyan ay lumabas na ako agad.
Tinakbo ko ang kinaroroonan ng cart ng street foods at hingal na hingal kami ni Shawn nang marating namin iyon.
" Oh. Ba't ba kayo nagtatatakbo? Hindi naman ako aalis dito." natatawang aniya ni Ale.
I gasped for air at nang makabawi na ay ngumiti ako sakanya.
" Nagmamadali po kasi kami dahil paalis na po ako." kumunot naman ang noo ng Ale.
" Aalis ka hija? San ka naman pupunta kung ganon?"
" Sa USA po, doon na po kasi ako mag aaral. " nagulat naman siya sa sinabi ko saka saglit na tumigil sa ginagawa.
" Dahil aalis ka na, libre na ang lahat ng kakainin niyo. Libre na kayo para naman may maibigay ako sa suki ko na mangingibang bansa na." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya saka nakangiting tumango at mabilis nang nagtuhog.
Matapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa Ale at paulit ulit na nagpasalamat.
Sumakay na kami sa kotse at nagsimula nang istart ito ni Shawn .
" Kailan pala ang alis mo Shawn?" I ask to break the silence.
" Next week pa. Sabay kasi kaming aalis ni Dad."
" Hindi sainyo sasama si Tita?" nakakapagtaka.
" Hindi. May mga inaasikaso kasi si Mom dito at hindi naman niya iyon pwedeng basta iwan." napatango naman ako.
" M-Mag-ingat k-ka" ghad! why am I stuttering?!
He smiled and gently nod.
We arrive at the airport at exactly 4pm. Mamaya pang 4:30 ang flight namin.
" Uuwi ka na ba?" I asked Shawn.
" Nope. I want to see you first enter that plane." aniya ni Shawn saka tinuro ang plane na sasakyan ko.
" Thank you. Thank you for everything you've done for me." I paused and look straight in his eyes.
" I will treasure every memories that we shared. T-take c-care always." luh? ba't nautal pa ako sa last part! Huhu I've been practicing this line then I'll just stutter!?
" Your always welcome and yeah, I will take care ayoko namang baldado na ako pagbalik mo baka mas lalo na akong mawalan ng pag asa niyan sayo." he chuckled and also look at me in the eyes. " I love you, I hope someday the feeling is already mutual. Sige na, pumasok ka na don at baka malate ka pa." nginitian niya ako at wala sa sariling tumango at tumalikod na ako.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang may maalala ako. I turn my back and faced him. Naglakad ako ng mabilis at sinunggaban siya ng mahigpit na yakap.
" I love you too...And I hope your love for me won't fade. You promised me that when I get back here, you're the one who will fetch me so.... I'm looking forward for your promise Shony."
Tulala lang si Shawn hanggang sa makalas ko na ang yakap ko. Tinalikuran ko na siya saka naglakad na patungo sa entrance hila hila ang maleta ko.
Nang nasa entrance na ako ay narinig kong sumigaw si Shawn kaya natigil ako at marahang liningon siya.
" I love you so much Camilla! My love for you won't fade even decades will pass. I'll wait for your comeback. I will do everything for you to feel the blissful life that everyone ask for but I can only do that when you come back so please.... come back my love!" we met each other's eyes and we smiled.
I already feel and enjoy the blissful life because of Mommy and everyone around me including you but, I will look into your promises.
As I come back, let's enjoy the Blissful Life together.
End
BINABASA MO ANG
YOUTH AGE
Teen FictionHi my name is Laurhen Grace Samaniego. 17 years of old. Grade 12 STEM student. A youth living a life full of uncertainties. But, I believe that everyone of us has a blissful life. Maybe some can't see it but I think all we have to do is to 'Stop im...