Chapter 31

4 1 0
                                    

Hanggang ngayon ay di pa rin kami tapos sa mga asikasuhin sa school. Papasok na ako ngayon sa cafeteria pero natigil ako dahil biglang tumunog ang cellphone ko.

[ Hello?] aniya ko sa phone.

[ We're already here in the parking Ella, dala ko na ang mga gamit mo at ikaw na lang ang kulang! Hurry up.] 

Hays! Kung kailan kakain pa lang ako ay saka naman na kami aalis. Ibinaba ko na ang tawag saka tumalikod na ako.

Nagulat ako nang makita si Glendale na papasok sa cafeteria. Hindi niya yata ako napansin dahil nakatutok siya sa phone.

" Hi!" aniya ko saka lumapit sakanya. Nagulat naman siya at ng makilala ako ay ngumiti naman siya.

" Hello, you're Psymon's friend right?" tumango ako saka ngumiti ng bahagya.

" Halika na, sabay na tayong pumunta sa kanila. Nandoon na raw sila at hinihintay tayo." aniya kona ikinagulat naman niya.

" Huh?" tanging nasabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Di ba niya alam?

" Hindi mo alam? So hindi ka namin kasama? " nagtatakang tumingin naman siya sakin.

" Ang alin?"

" Mamaya ko na sasabihin. Halika sumama ka na lang sakin!" hinawakan ko na ang wrist niya saka tinahak namin ang parking.

Gulat na gulat si Psymon nang makita si Glendale na kasama ko.

" Uhm....Hi?" alanganing aniya ni Glendale.

" Why is she here Camilla?" pinandilatan ko naman si Psymon saka nginitian si Glendale dahil halatang nalungkot ito sa sinabi ni Psymon.

" Why? Why didn't you tell her that were up on something!" aniya ko dahil sa inis.

" I just don't want to bother her." aniya ni Psymon saka nag iwas ng tingin.

" Woah! Bro naman, kami nga inabala mo tapos itong asawa mo eh hindi mo man lang pinagsabihan ng plano mo?!" natatawang aniya naman ni Shawn.

" You're my friends so I thought I can count on you." nahihiyang aniya ni Psymon.

" Yes. We are your friends and you can count on us. But Psymon! She is your wife and you can always count on her." may diin kong sabi.

" Tara na nga. Gutom lang yan si Ella, daan muna tayo sa drive thru." natuwa ako sa sinabi niya pero pinandilatan ko pa rin siya ng tingin.

Pumasok na kami sa kotse na gagamitin namin. Si Psymon ang magdadrive at nasa tabi niya si Shawn nakaupo habang kami ang nasa backseat. Nasa likod lang ako ni Shawn.

" Anong gusto mong kainin Ella?" nakangiting aniya ni Shawn. Nandito kami ngayon sa tapat ng drive thru at ang bintana lang ang binuksan namin.

" Libre mo ha. Isang large bucket ng fries!" aniya ko saka ngumiti ng malapad.

" Fries lang? Bahala ka nga, ako na lang ang pipili. " aniya pa ni Shawn bago hinarap ang crew.

Si Psymon na ang bumili ng pagkain nila ni Glendale at ako ay libre naman ni Shawn.

Pagkabili nila at nagmaneho na uli si Psymon.

" Here." nakangiting inabot sakin ni Shawn ang isang styrofoam na naglalaman ng rice and chicken, coke float at fries!!

Kinuha ko naman iyon at inilapag ko lang muna ang styro at float. Nilantakan ko agad ang fries.

" Hey ibalik mo nga yan sakin!" sigaw ko ng kuhain ni Shawn ang fries ko.

" Kumain ka muna ng kanin! Mamaya na tong fries. Hindi ko to ibabalik hanggat di ka kumakain ng kanin." nanlaki naman ang mata at sinamaan siya ng tingin.

YOUTH AGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon