Are you, are you coming to the tree
Where dead man call out for his love to flee
Strange things may happen here no strangers would it be
If we met at midnight in the hanging treeNapakasarap ng simoy ng hangin. Napakatahimik at nag dudulot ng ginhawa sa pakiramdam.
Tanging agos lamang ng tubig mula sa lawa ang gumagawa ng ingay sa buong lugar.
Sa t'wing nalulungkot ako ay dito ako parati. Hindi ko mawari kung bakit mas gusto kong mapag-isa at damhin ang bawat haplos ng hangin.
Pakikinig sa agos ng tubig mula sa lawa ang aking naging libangan.
Pakiramdam ko'y hindi ako nag iisa kapag narito ako.
Animo'y karamay ko ang hangin na laging yumayakap sakinHindi ako malungkot pero di ko naman masasabing masaya ako, normal lang.
Mag gagabi na pala.
Bumangon na ako mula sa aking pagkaka-upo at nag simula nang maglakad.Sa bawat hakbang ko ng aking mga paa , isang malutong na tunog mula sa tuyong dahon ang nalilikha.
Di ko alintana ang layo ng aking nilalakad dahil sanay na ako.
Malayo ang lawa mula saming bahay pero kailanman ay hindi ako napagod sa pagdalaw roon dahil sa napakaganda nitong ambiance. Stress reliever ko ang nature mapa tubig,lupa o kaya langit man.
Naglalakad ako patungo sa aming bahay, nadadaanan ko ang samut-saring makukulay na bulaklak na nagtataglay ng mabangong halimuyak.
Pag dating ko sa garden ng aming bahay ay natatanaw ko na ang aking ina.
She's silently drinking her tea while roaming her eyes around.
Dahan dahan ang aking pag hakbang hanggang sa marating ko ang kanyang kinaroroonan. Nang mapansin nya ang aking presensya ay nag angat sya ng tingin at sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
"Grace, natagalan ka ata. Kamusta ang lawa?" nakangiting usal ni Mommy.
" Nalibang lang ho ako masyado kaya di ko na namalayan ang oras. Ganun pa rin naman po ang lawa, mabuti po sana kung sa susunod kong punta ron ay samahan nyo ako. Maaari ho ba?"
" Gustuhin ko man sanang pumunta ron ngunit kailangan ko tutukan ang ating negosyo ngayon ,anak. Hindi maayos ang kalagayan ng ating kompanya sa ngayon kaya baka maging abala na ako" nakangiti sya subalit batid kong pilit iyon. Mukhang di nga talaga maayos ang kalagayan ng aming kompanya.
I let go a deep sigh.
Muli kong sinulyapan ang mukha ni Mommy at masasabi kong malungkot talaga sya.
Simula nang mamatay si Daddy ay sya na ang umako sa lahat ng mga trabahong naiwan ni Daddy.
Sabi ni Mommy ay 4 yrs. old ako ng mamatay si Daddy due to car accident. Kasama ako ni Daddy during the accident kaya nawala ang memories ko.
Sabi ng doctors ay imposible ng marecover ang memories ko dahil sa malalang pagkabagok ng ulo ko. Sabi pa nila ay maswerte nga raw ako kasi kaunti pa lang naman yung nawala kong memories kasi nga 4 yrs. old pa lang ako.
Pero hindi. Marami man o kaunti, memories will always be memories and beside ang nawala kong memorya ang nagtataglay ng mga panahong kasama ko pa si Daddy.
Kaya naman napakalaking kawalan non para sa akin.
Mula sa pagiging isang simpleng may bahay at pag papaganda ng hardin ay nauwi sa pagiging isang CEO ng kompanya si Mommy.
Batid kong hindi nya gusto ang kanyang ginagawa dahil hindi naman iyon ang kanyang nakasanayan. Nalulungkot ako sa pag-iisip na hindi ko man lang matulungan si Mommy sa pag salo ng mabibigat na obligasyon.
Isa lamang akong simpleng estudyante na nag aaral sa isang kilalang eskwelahan. Nasa fourth year pa lamang ako at balak kung kumuha ng Law sa college dahil wala talaga akong hilig sa negosyo, alam naman ni Mommy ang mga plano ko after HS at di naman sya tumutol doon.
Alam nyang mailap ako sa mga tao kaya nga wala akong kaibigan.
Mabait si Mommy, di nya ako pinipilit sa mga bagay na ayaw ko. Hinahayaan nya lang ako na gawin ang aking gusto. Sinosuportahan nya ako sa lahat ng aking desisyon kaya ganon na lang ako kaswerte na siya ang Mommy ko.
I want to be like her in the future. She's a woman with a pleasing personality and no man can refuse her.
Matagal na rin nang mamatay si Daddy pero never nyang pinalitan si Daddy, when I once ask her ang sabi nya'y
" Your Dad is to great that's why it's really hard to find the one who can replaced him. Wala akong ibang lalaki na nakikita kundi sya lang. He's my life kahit pa patay na sya ay lagi syang nandito" tinuro nya ang kanyang puso saka tingnan ako sa mata. " He'll always be in my heart anak"
napangiti ako nang maalala ko ang mga sinabi sakin noon ni Mommy.
Sandali pa kaming nag usap at napag pasyahan na rin ni Mommy na mag luto kaya naiwan ako sa veranda.Pinagmasdan ko ang mga bulaklak at napangiti ako dahil ang mga bulaklak na ito ang syang kaagaw ko sa aking Mommy dahil parang anak kung alagaan niya ang mga bulaklak.
Pero kahit ganoon ay hindi ako nag tampo. Masaya akong nakikita si Mommy na nakangiting sinusubaybayan ang bawat pamumulaklak ng iba't ibang bulaklak sa garden na ito.
Ang makitang masaya sya ay nakapag papasaya na rin saakin.
Pagkaraan ang ilan pang minuto ay tinawag na ako ni Mommy dahil handa na ang dinner.
Tahimik lamang kaming kumain at kapag nagku-kwento naman ako ay tanging ngiti lamang ang kanyang sinasagot.
Matapos kung kumain ay pinaakyat na ako ni Mommy sa kwarto ko upang makapag pahinga na raw ako dahil may pasok na bukas.
Nahiga ako sa aking malambot na kama. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aking silid.
Napako ang aking mga mata sa obrang aking ginawa.
Isang painting ng kulay asul na bulaklak, madami na akong nakitang bulaklak subalit natatangi ito.
Hindi ko alam ang pangalan ng bulaklak na ito dahil sa magulong panaginip ko lamang ito madalas makita. Wala rin kaming ganitong uri ng bulaklak sa aming garden.
Basta ko na lamang itong ipininta at sa t'wing pinagmamasdan ko iyon ay nakararamdam ako ng kakaibang pakiramdam sa aking puso.
Iniwas ko na lamang ang aking paningin at dahan dahan ko nang ipinikit ang aking mga mata.
At ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang unti-unting pagbigat ng aking mga talukap.
BINABASA MO ANG
YOUTH AGE
Teen FictionHi my name is Laurhen Grace Samaniego. 17 years of old. Grade 12 STEM student. A youth living a life full of uncertainties. But, I believe that everyone of us has a blissful life. Maybe some can't see it but I think all we have to do is to 'Stop im...