Dahil wala naman na kaming pasok at announcement lang naman ang meron ay nagpahuli na lang akong pumasok.Naabutan ko ang mga kaklase kong nakaupo at ang teacher namin na nasa unahan. Nagtinginan naman sakin ang lahat nang pumasok ako.
" Good morning sir, I'm sorry I'm late." aniya ko saka yumuko.
" Congratulations Ms. Samaniego!" huh!? nagtataka ko namang tiningnan si Sir pero naka ngiti lang siya.
" Congrats Camilla!! Ikaw ang batch valedictorian!" tili ni Felicity saka niyakap ako. Wait... what?
Naistatwa naman ako habang sila ay patuloy lang sa pagbati sakin. I didn't expect it. I'm so happy. I'm sure Mommy will be so happy too.
Nang makaalis na si Sir ay kumalas na sa pagkakayakap si Felicity at hinarap ako.
" Hindi pwedeng palagpasin to Camilla! Let's celebrate. Party party woah!!" naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ni Felicity pero ako ay umiling lang. Party? huh saan naman?
" Ok lang yan Ella, let's celebrate. Samahan kitang magpaalam kay Tita." nakangiting aniya ni Shawn. Tatanggi pa sana ako kaso ay masyadong mapilit ang mga kaklase namin kaya um-oo na lang ako.
Tulad ng sabi ni Shawn ay sinamahan niya ako papunta sa kompanya namin para puntahan si Mommy. Ngayon na raw kasi kami agad magpa-party sabi nila Felicity.
Pagpasok namin sa kompanya ay dumiretso kami sa office ni Mommy. Nakaupo si Mommy sa swivel chair niya at tutok sa laptop kaya di agad kami napansin.
" Mommy?" gulat namang napatayo si Mommy at lumapit samin.
" Oh anak, what are you doing here?" tukoy niya samin ni Shawn. Ngumiti naman si Shawn.
" Tita we have a good news! Guess what is it!?" ngumiti naman ng nakakaloko si Mommy.
" Kayo na? Good news nga yan!" todo ngiting aniya ni Mommy. Napanguso naman ako.
" Sad to say but no Tita. Hindi pa kami. The good news is,..... Camilla is our batch valedictorian." ngingiting aniya ni Shawn.
Nanlaki ang mata ni Mommy saka niyakap ako ng mahigpit. " I'm so happy for you anak. Congratulations this need a celebration." aniya pa ni Mommy.
" That's why where also here Tita. Ipagpapa- alam ko po sana si Camilla na sumama samin sa party na inihanda ng buo naming klase para sakanya. Ok lang po ba Tita?" medyo lumungot naman ang mukha ni Mommy pero ngumiti din ito.
" Balak ko pa naman sanang mag celebrate tayo kasama sila Alice kaso may celebration din pala kayong magkakaklase. Yeah ok lang naman basta bukas, mag cecelebrate tayo ha." napangiti naman ako sa sinabi ni Mommy.
Nagpaalam na kami kay Mommy matapos non at saka hinatid ako ni Shawn sa bahay para makapag palit ng damit. Umuwi rin muna si Shawn at babalik na lang.
Simpleng red sleeveless crop top paired with ripped jeans and white rubber shoes lang ang suot ko. Naglagay din ako ng konting foundation sa mukha ko at naglipstick.
Pagkababa ko ay saktong kararating lang din ni Shawn. Ang bilis naman niya.
" Woah! Marunong ka rin naman pa lang magbihis ng ganyan." tukso sakin ni Shawn kaya automatic na nabatukan ko siya na ikinatawa lang niya.
Nakasuot lang din siya ng white shirt covered by his leather black jacket paired with black slightly ripped jeans. Ang cool nyang tingnan lalo na't naka taas ang buhok niya.
Tinungo namin ang karaoke bar na gaganapan ng party. Actually sa private room lang naman kami don dahil minor pa ang iba samin. Yes iinom kami ng alak pero yung may low alcoholic rate lang naman daw.
BINABASA MO ANG
YOUTH AGE
Teen FictionHi my name is Laurhen Grace Samaniego. 17 years of old. Grade 12 STEM student. A youth living a life full of uncertainties. But, I believe that everyone of us has a blissful life. Maybe some can't see it but I think all we have to do is to 'Stop im...