Chapter 5

7 6 0
                                    


"Napakaganda mo talaga Anak, manang mana ka sakin." nakangiting usal ni Mommy.

Kasalukuyang nakaharap ako sa salamin at mariin kong pinagmasdan ang aking kabuuan.

Suot ko na ang simpleng blue gown at nakalugay ang aking mahabang buhok na pinaalon alon pa ang dulo. Simpleng make up lang din ang ipinalagay ni Mommy kase maganda na raw ako kahit simple pa ang aking ayos.

"Parang may kulang anak" napakunot ang aking noo sa sinabi Mommy. Pinagmasdan nya ako at sandali syang natigil saka napangiti at dali daling may kinuha sa drawer.

Pag balik nya ay may hawak na syang maliit na kahon,

" Tingin ko ay ito na lang ang kulang. Bigay to sa akin ng Daddy mo noong sinagot ko sya" natigil sya at napangiti sa akin.

" Tingin ko'y oras na para ibigay ko naman ito sayo Grace" dahan dahan nyang hinawi ang aking buhok saka isinuot ang isang golden necklace na may flower pendant.

Napangiti ako nang makita ko iyon.

"Napakaganda po nito, sigurado po ba kayong ibibigay nyo to sakin?" tango lamang ang kanyang isinagot sa akin saka ngumiti ng malapad.

"Tama nga ako, bagay nga ito sayo. Siguro kung nabubuhay ang Daddy mo ay matutuwa sya. Dalagang dalaga ka na Anak." ngumiti ako ng malapad bilang sagot.

Naluluha na si Mommy kaya niyakap ko na sya,

" Siguradong masaya  na si Daddy, Mommy. Wag ka na pong umiyak baka masira ang make up nyo." pag bibiro ko nang mapawi ang kanyang lungkot.

Narinig ko na nga ang maliliit na tawa ni Mommy saka niyakap din ako ng mahigpit.

" Shall we go?" tanong ni Mommy. Tango na lang ang aking naisagot dahil nakaramdam na ako ng kaba.

This is it!

Medyo matagal din ang aming naging biyahe. Paminsan-minsan kinakausap ko si Mommy at nag tanong tanong ako tungkol sa business kaya di ko napansing nandito na pala kami.

Ngumiti si Mommy saka tingnan ako.

" Let's get inside." aya ni Mommy.

Alanganin akong napatango saka maingat na lumabas ng kotse. Tanaw na tanaw dito sa labas ang napakaraming tao sa loob kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba.

Hinawakan ako ni Mommy sa braso saka inalalayang pumasok.

Inilibot ko ang aking tingin at namangha ako sa magandang pagkaka-ayos. Talaga nga namang napakayaman ni Tita Alice.

Sandali pa kaming nag lakad at natigil din ng makita kami ni Tita Alice.

" Oh God! Laurhen?" manghang tanong nya. Bumeso ako sa kanya at duon na sya natauhan.

" You've really grown up! Dalagang dalaga ka na hija, bagay na bagay kayo ng anak ko."  todo ngiti sya ng binanggit nya ang kanyang anak.

Di na lang ako kumibo.

Tinggay ni Tita Alice si Mommy kaya naiwan akong mag-isa.

Naglakad lakad ako at napagpad ako sa isang garden at doon ay nakakita ako ng dalawang swing. Naupo ako doon at marahang iyong itinulak.

Nalibang ako sa pag sakay sa swing habang nag mamasid sa paligid. Para bang pamilyar sa akin ang ganitong tagpo.

Nagpatuloy ako sa pag swing ng bigla itong matigil dahil may humawak dito upang matigil.

Binitawan nya ito at dahan dahang pumunta sa harapan ko. Nagulat ako ng makita ko sya.

Ngumiti ito sa akin.

" Di ka pa rin nagbabago." aniya at batid kong nakangiti sya.

Nagtatakang tiningnan ko sya at natawa sya sa naging reaction ko.

" Invited ka rin pala dito, Shawn." aniya ko at natigil naman sya.

Bumalik rin ang nakakalokong ngiti nya at naupo sya sa kabilang swing.

" Kilala mo ba ang celebrant?" makahulugan niyang tanong, natigil ako at nagpa kawala ng buntong-hininga.

" Kilala ko dati dahil kalaro ko daw sya no'n, pero ngayon hindi. Ni hindi ko nga alam ang pangalan nya."

nakita ko namang napatango-tango sya.

" May regalo ka ba para sa kanya?" doon ko na sya nilingon at nagtataka ko syang tinitigan.

" Ba't ang dami mong tanong?" kunot noong sabi ko.

Ngumiti sya ng pilit at nagbaba ng tingin.

" Ba't di mo na lang sagutin?" aniya pa.

" Ikaw, meron ka bang gift para sakanya?" balik tanong ko sakanya.

Tinitigan lang  nya ako at para namang ako di makahinga dahil sa mga titig nya.

" Oh, There you are!" sabay kaming napalingon sa may ari ng boses at doon nakahinga ako ng makita si Mommy.

Tiningnan ni Mommy si Shawn saka gumuhit nanaman ang malapad na ngiti sa kanya labi. Baka kilala nya si Shawn kaya ganon na lang ang ngiti nya.

"Magsisimula na ang party, halina kayo!" aya ni Mommy saka tinulungan na akong tumayo at inalalayang bumalik sa kumpulan ng mga tao.

Nang makarating kami doon ay nagsasalita na nga ang emcee nitong party.

Panay ang greetings para sa mga special guest at nag introductory speech. Matapos noon ay tinawag na nya si Tita Alice to
introduce the Celebrant.

" I would like to formally introduce you our birthday celebrant, my unico hijo. Shawn Charles Suarez everyone."

natigilan ako ng marinig ang pangalang nabanggit. n
Naianggat ko ang aking paningin sa stage at doon nakita ko syang  nakangiti sa akin.

Gulat na gulat ako sa aking nalaman. Kaya pala panay ang tanong nya.

" And now, let me ask for the presence of my son's date. Camilla, can you join us here?" nakangiting baling sa akin ni tita.

Napako ako sa aking kinatatayuan at di ko namalayan nasa harapan ko na sya at inooffer na nya ang kanyang braso.

" Shall we, Ella." aniya at doon na ako tuluyang natauhan at pansin kong lahat na pala ay saamin nakatingin kaya marahan ko ng isinabit ang aking kamay sa kanyang braso.

Napuno ng bulong bulongan ang lugar at rinig kong puro papuri lamang saamin ang kanilang sinasabi kesyo bagay na bagay daw kami.

Inalalayan nya ako hanggang sa makarating kami sa stage at doon ay nakita ko nanaman ang nakakalokong ngiti ni Tita Alice.

Maraming sinabi si Tita tungkol sa amin ni Shawn at ng matapos ay sinenyasan nya kaming bumaba.

" Are you ok? Natahimik ka ata masyado" di ko alam kung feeling ko lang ito pero parang nahimigan ko sa boses nya ang pag aalala.

Di ako kumibo hanggang sa dinala nya ako sa isang veranda. May pagkain na rin doon kaya di na namin kailangan bumalik para kumuha ng food.

YOUTH AGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon