Nagtitigan lang kami at pag nagkakailangan ay umiiwas ng tingin sa isa't isa.Tumagal din iyon ng ilang minuto at sa wakas binasag niya na rin ang awkward na scenario'ng iyon.
"Hey let's stop this, it's awkward." putol nya sa katahimikan at doon na ako naka kuha ng lakas para mag salita.
" Ba't di mo sinabi?" kunot noong tanong ko sa kanya tiningnan nya ako at saka pilit na ngumiti.
" I tried but I failed." makahulugan nyang sagot.
" Galit ka ba sakin?"
" Why would I?" at saka nya ako hinarap na animo'y hinihintay kung ano man ang isasagot ko.
Napa buntong-hininga na lamang ako.
" I'm sorry" sincere kong sabi.
" Don't be sorry. Ok lang naman" ngumiti sya kaya mas lalo akong naguilty.
" Feeling ko anlaki ng kasalanan ko sayo, pano ba ako makakabawi?"
Nang marinig nya ang sinabi ko ay biglang umaliwalas ang kanyang mukha.
" Besides It's my birthday. Can you sing for me?" ngingiting tanong nya.
Napangiwi naman ako sa request nyang iyon,
" Kantahan kita?! pwedeng iba na lang?"
Kumunot ang kanyang noo at bigla nya akong tinitigan.
" Akala ko ba gusto mong makabawi? Alam kong wala kang regalo para sa akin kaya hiniling kong kantahan mo na lang ako pero mukhang ayaw mo naman yata. Forget it, wag ka ng bumawi" nagtatampo naman niyang saad kaya mas lalo akong nakaramdam ng guilt.
Akmang tatayo na sya kaya wala na akong choice.
Oh, oh
When the visions around you
Bring tears to your eyes
And all that surrounds you
Are secrets and lies
I'll be your strength
I'll give you hope
Keeping your faith when it's gone
The one you should call
Was standing there all alongAnd I will take you in my arms
And hold you right where you belong
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise youMatapos kong kumanta ay ibinaling ko na ang aking tingin kay Shawn.
Nagulat naman ako dahil napakalawak ng pagkakangiti nya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.
" Hanggang ngayon ay maganda pa rin ang boses mo. Naalala ko nung mga bata pa tayo, madalas kang kumakanta habang naglalaro." natigilan ako sa sinabi nya at ngumiti na lang rin.
" Pasensya na talaga kung wala akong maalala. Siguro dahil bata pa ako that time, sabi ni Mommy nasa 4 yrs. old pa lang daw ako nun at 6 yrs. old ka naman daw non kaya siguro ikaw lang yung maka-alala dahil mas matanda ka sakin." seryoso kong paliwanag.
Bigla naman syang natawa sa sinabi ko.
" May nakakatawa ba?" aniya ko
Umiling sya.
" Let's eat?" alok nya sakin sabay abot ng plato sa akin, tinanggap ko naman iyon at tahimik kaming kumain." Birthday ko naman ngayon kaya siguro'y sapat na iyong dahilan para di mo ako tanggihan diba, Renie?" aniya kaya nilingon ko sya
"Renie?" naguguluhan kong tanong.
" Yes, Renie. yan ang tawag ko sayo noong mga bata pa tayo. Binigyan mo nga rin ako noon ng nickname kasi hirap kang banggitin ang pangalan ko" natatawa nyang sabi.
" Anong tawag ko sayo noon?" puno ng kuryusidad kong tanong.
Ngumiti sya ng nakakaloko,
" You'll know if you agreed to my simple request, Renie" aniya pa.
" Request? Sige ano ba yon?"
" Can you hang out with me tomorrow afternoon after our class? I just want to spend some time with you my friend." natigilan naman ako sa sinabi nya at tinitigan ko naman sya sa mata para malaman ko kung jinojoke ba nya ako pero hindi pala.
" Magpapaalam muna ako kay Mommy." aniya ko pero umiling sya saka ngumiti ng malapad.
" No need, ipinaalam ko na ito kay Tita at tanging approval mo na lang ang kailangan. So ano, payag ka na ba?" mukhang wala na rin naman akong choice kaya tumango na lang ako.
" Now tell me, anong tawag ko sayo dati?" curious kong tanong.
Umiling iling sya na nakapagpakunot ng noo ko.
" Not now Renie, bukas mo pa malalaman. Kaya nga inaaya kitang makipag hangout para makapag usap na tayo about our past." napangiti naman ako sa sinabi nya, that means mas magkaka-idea na ako tungkol sa nakaraan ko.
Wala rin kasi masyadong time si Mommy para ikwento sa akin ang lahat. Well yeah naikwento nya sa akin ang ilan pero hindi pa rin ako satisfied don kaya masaya talaga ako na may magkukwento na saakin.
" Ok, sinabi mo yan ah. I'm really excited to know myself more when I was a little kaya tuparin mo yang sinabi mo!" tinawanan nya lang ako.At doon nag simula na kaming unti-unting magkasundo. Nag uusap kami tungkol sa mga bagay at di naman kami nahirapan sa pag unawa sa isa't isa dahil marami naman kaming pag kakapareho.
Naging maayos ang usapan namin at napuno lang ng tawanan.
Hindi ko akalaing ang kaklase kong si Shawn na kilala sa buong University ay childhood best friend ko pala.
Nakakatuwa sya kasi panay ang joke nya at kwento ng mga nakakatawang pangyayari kaya ayon. Halos sumakit na ang aking tiyan sa kakatawa at nangawit na ang aking panga. I didn't expect this to happen.
Masarap pala sa pakiramdam ang magkaroon ng kaibigan.
" Thank you" out of nowhere kong naiusal.
" For what?" nakangiting aniya.
" For making me happy today, ikaw yung may birthday pero ako yung inientertain mo." nahihiya tuloy ako sa kanya.
" Seeing you happy makes me feel happy too. At isa pa, sapat na sakin na kinantahan mo ako ngayong birthday ko." napangiti naman ako sakanya.
Nagpatuloy pa kami sa pagkukwentuhan at di rin nagtagal ay nag aya na si Mommy na umuwi dahil tapos na pala yung party.
On our way home, halos di magkamayaw sa kakatanong sakin tungkol sa mga pinag usapan namin ni Shawn.
Panay din ang panunukso nya sakin na ikinatawa ko na lang.
" Mommy, inaya po ako ni Shawn na mag hangout with him tomorrow after class. Sabi po nya ay ipinaalam nya na raw po ito sa sainyo?" ngingiting tumango naman si Mommy.
Ilang sandali pa ay nakauwi na rin kami. Dahil sa pagod ay di na kami nag usap pa ni Mommy.
Umakyat na ako sa kwarto ko at matapos magpalit ay nahiga na ako.
BINABASA MO ANG
YOUTH AGE
Novela JuvenilHi my name is Laurhen Grace Samaniego. 17 years of old. Grade 12 STEM student. A youth living a life full of uncertainties. But, I believe that everyone of us has a blissful life. Maybe some can't see it but I think all we have to do is to 'Stop im...