Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na ako.Binuksan ko ang malaking bintana sa aking kwarto upang makapasok ang napakalamig na simoy ng hangin.
Dinama ko ang bawat pag tama nito sa aking balat at saglit pang nagpahangin.
Mabilis ang aking pagkilos kaya bago pa man ako bumaba ay handa na ako para sa klase.
Nagtungo ako sa kusina at di pa man ako tuluyang nakalalapit ay naamoy ko na ang mabangong aroma na nanggagaling sa mainit na tsaa'ng inihanda ni Mommy.
"Nakabihis ka na pala" aniya ni Mommy habang abala sa pag aayos ng mga pinggang pagkakainan namin.
Lumapit na ako at tinulungan na syang mag ayos.
" Mommy, pwede ho ba akong sumabay sainyo papuntang school?" nahihiya kong usal. Bihira lamang akong sumabay kay Mommy dahil minsa'y nauuna sya sa pag alis at minsan nama'y nahuhuli.
"Oo naman, Anak. Anytime" nakangiti nyang sagot at napatango na lamang ako.
Kumain na kami at mabilis iyong natapos
Nakahanda na rin naman si Mommy kaya agad na kaming lumisan.
Tahimik ang aming naging biyahe at mabilis din naming narating ang University na aking pinapasukan.
Bago ako bumaba ay humalik muna ako kay Mommy saka nag paalam.
Mabagal lamang ang aking pag lakad pa tungo saking klassroom dahil maaga pa naman, 6:30 am pa lang kaya kaka-unti pa lamang ang estudyante rito.
Pinagmasdan ko mula rito ang aking tambayan na isang matandang puno ng akasya. Bibihira lang magawi ang estudyante doon kaya tahimik sa lugar na iyon at pabor yon sakin.
"Aray!" daing ko ng may biglang sumagi saakin. Nawala ang aking balanse at kamuntikan na akong matumba
Buti na lamang ay nahawakan ako sa magkabilaan kong balikat nitong lalaking nakasagi saakin.Nagkatitigan kami at para akong malulunod sa mga kulay brown nyang mata na para bang nangungusap. Tumagal ang aming titigan at ako na ang sumuko.
Ibinaling ko ang aking mata sa ibang direksyon. Ramdam ko ang malakas na pag kabog sa aking dibdib at nahihirapan akong huminga ng maayos.
"Excuse me, I'm sorry." paumanhin niya at binitawan na niya ang pagkakahawak saking balikat.
"It's ok. Thanks" pilit ngiti ko na lang sagot. Tumango sya at nauna nang lumakad. Pinagmasdan ko pa ang kanyang pag alis. At nang makita kong malayo na sya ay malaya na akong nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
Pagkaraan pa at nagpasya na rin akong magtungo sa aming building.
Gaya ng aking inaasahan ay sarado pa nga ang aming klassroom kaya naupo muna ako sa pathway. Kinuha ko ang aking selpon at nagbasa na muna ng novel sa Offline App na ReadersHub Inc. kung saan mababasa mo ang iba't ibang novels na isinulat ng mga kilalang writer.
Nakai-ilang scroll pa lamang ako nang may marinig na akong mga yabag at rinig ko rin ang kanilang usapan.
Mula sa pag kakaupo ay tumayo na ako at marahang pinag pagan ang aking palda.
Sumandal na ako sa gilid ng pinto at hinintay ang mga may ari ng yabag.
Di na kami nagkagulatan ni Yaz nang magtama ang aming mga mata, Si Yaz ang keyholder namin na may pag ka suplada.
Tiningnan lang nila ako at binuksan ang pinto ng klassroom, bale apat silang magkakasama si Yaz, Christine, Jean at Eve.
Nang makapasok na sila ay saka pa lang ako pumasok ramdam ko ang mga titig nila sa akin at di ko naman iyon alintana.
Nagtungo na ako sa aking upuan sa bandang likuran malapit sa bintana.
Inilapag ko ang aking gamit. Tinungo ko ang broom box at kumuha ng gamit panlinis.
" Tara punta muna tayo sa caf." aya ni Eve sa mga kasama.
"Treat mo kami Eve?" ngingiting tanong naman ni Yaz. Tumawa lamang si Eve at hinila na palabas ang mga kaibigan.
Nagsimula na akong magwalis at marahang inayos ang mga upuan ng hindi ito makagawa ng ingay.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis nang makarinig ako ng yabag.
Nagtungo ito sa upuan malapit din sa bintana na salungat saking inuupuan at doon pabagsak na itinapon ang kanyang bag.
"Hey, Laurhen right?" paninigurado ni Shawn--- Si Shawn ay isa sa mga kilalang estudyante dito sa University dahil sya ay miyembro ng Dance Troupe at kilala rin sya dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Di ko ito kinibo at nagpatuloy na lang ako sa paglilinis.
Ramdam kong tinititigan ako nito mula saking likuran kaya unti-unti ay nailang na ako. Mas binilisan ko na lang ang aking paglilinis.
Nagulat na lamang ako ng bigla syang humarang sa aking paglilinis at marahan nyang itanaas ang nakayuko kong ulo. Geez.
"Maganda ka." isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Dahil sa ginawa nya ay nakaramdam ako ng labis na takot kaya nanginig ang aking buong katawan.
Napansin nya yata iyon kaya mas lumapad ang kanyang ngiti.
"Are you scared of me?" natatawa nyang tanong. Hindi ko sya kinibo at pilit akong lumayo sa kanya.
"Don't be, sa gwapo kong to ay dapat kang humanga kesa matakot. Tigilan mo na ang paglinis dahil marurumihan lang naman yan mamaya Haha." aniya pa.
Nagpatuloy lang ako sa paglinis ay sakto namang nagsidatingan ang mga kaklase namin nang matapos ako.
Nang dumating ang prof namin ay natahimik na ang buong klase. Lahat ay takot na gumawa ng ingay dahil sa presensya ni Mr. Palayar-- General Science teacher namin na kilala bilang isa sa mga terror teacher sa buong University.
Matapos ang klase ni Mr. Palayar ay saka pa lamang kami nakahinga ng maluwag. Hindi ako takot kay Sir dahil panay ang pamimiga nya ng estudyante sa katunayan nga ay ako lang yata ang may lakas na sumagot t'wing recitation. Takot ako sa kanya dahil kakaiba kasi ang presensya niya at para bang sinuman ang makaharap nya ay talaga nga namang kikilabutan.
Maayos ang naging daloy ng aming klase sa mga sumunod na subjects.
Karamihan sa mga teachers namin ay nagbibigay lang ng mga take home act. at panay lang ang sermon sa mga patay patay sa klase.
Di rin nagtagal ay uwian na.
12:30 ang tapos ng klase namin kaya nakagawian ko ng kumain sa isang food court bago umuwi sa bahay.
BINABASA MO ANG
YOUTH AGE
Teen FictionHi my name is Laurhen Grace Samaniego. 17 years of old. Grade 12 STEM student. A youth living a life full of uncertainties. But, I believe that everyone of us has a blissful life. Maybe some can't see it but I think all we have to do is to 'Stop im...