Hello Saturday!
Sa lunes na ang graduation namin kaya mag sho-shopping kami ngayon kasama sila Tita Alice at Shawn.
I just take a bath and wear my clothes. Simple small size blue half sleeve shirt and ripped jeans paired with white rubber shoes is my outfit for today.
Humarap ako sa salamin at ngumiti. Naglagay lang ako ng konting foundation at nagliptint. Itinali ko ang buhok ko at, tapos!
Kinuha ko na ang black sling bag ko na naglalaman ng wallet, phone, at iba pang importanteng gamit ko.
Pagkababa ko ay nakita kong nakatayo si Mommy sa salas habang may kausap sa phone. Naupo na lang muna ako sa sofa saka kinuha ang phone ko. Nagbukas ako ng social media account ko at napakaraming notifications, well hindi naman kasi ako nagbubukas parati. Siguro ay once every three months ako mag open kaya malamang ay natambak na ito.
Tiningnan ko isa-isa ang notifications.
Felicity Madrigal sent you a friend request.
Jaspher Gonzalez sent you a friend request.
Gia Funtabella sent you a friend request.
Wew. Dalawang taon na kaming magkakaklase pero hindi pa rin kami magkakaibigan sa social media. Well kasalanan ko naman, siguro ay ilag sakin sila noon dahil mailap din ako sa tao. Nakakalungkot nga lang din isipin na kung kailangan tapos na ang klase ay saka pa lang kami naging magka-close.
Inaccept ko lahat ng friend requests at natigil ako sa isang request.
Pia Morfell sent you a friend request.
2 years ago na pala ito. Agad ko yung inaccept, wala naman sigurong masama kung iaccept ko iyon.
" Let's go. Nasa mall na raw sila." tumayo na ako saka in-off ang phone ko.
" There! Maganda ang mga dresses dito Daisy. Marami ring accessories." hinila kami ni Tita Alice sa isang boutique dito sa loob ng mall.
I roamed my eyes as we enter the boutique. There are so many beautiful dresses here but there's only one who caught my attention. Nilapitan ko iyon saka hinawakan, malambot ang tela nito and wait....may libre siyang ribbon sa buhok na kakulay niya. Minsan lang ako mahumaling sa isang damit kaya kinuha ko na ito.
Busy sila Tita sa pagpapasukat sakin ng iba't ibang dresses at natatawa na lang ako dahil hirap na hirap silang makapili ng isusuot ko sa graduation namin.
" Ano ba yan! Lahat naman bagay sayo hija. Miss, may paki labas nga ng mga mamahalin at magaganda niyong dress. Bibilhin na namin lahat para maraming choices." nanlaki naman ang mata ng sales lady sa sinabi ni Tita Alice. Geez.
Kami lang tatlo ngayon nila Mommy dito sa parlor dahil pumunta sa men's apparel si Shawn para bumili ng damit na isusuot niya rin sa graduation.
" Anong gusto mong ayos honey sa graduation mo?" napalingon naman ako kay Mommy.
" Simple lang po sana." maikling sagot ko.
" Oh no...no...no hija, ikaw ang valedictorian kaya dapat ikaw ang pinakamaganda don! Ay...maganda ka na nga pero dapat ay matalbugan mo ang lahat ng babae don. Di'ba Daisy?" natatawang tumango si Mommy sa sinabi ni Tita Alice kaya nailing na lamang ako.
Pina-relax nila ang mahaba kong buhok at nagpa-manicure at pedicure kaming tatlo.
Pagkalabas namin sa parlor na iyon ay nasa labas na rin pala si Shawn habang hawak ang mga pinamili niya.
" Nasa kotse niyo na po Tita yung mga pinamili niyo. Mom, ba't ang dami ng binili mong damit para sayo? Isang araw lang naman po ang graduation Mom." nakangiwing aniya ni Shawn.
Dumiretso kami dito sa Italian restaurant dahil tanghali na. Kumain lang kami ng tahimik at pagkatapos ay lumabas na ng Mall.
Natapos ang araw ng sabado na puro paghahanda lang para sa graduation ang ginawa namin.
Kinaumagahan, Sunday na! bukas ay Monday na.
Nagising ako dahil sa pag tunog ng phone ko, kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng study table na katabi lang ng kama ko.
[ Hello? ] aniya ko pagkasagot ko ng tawag.
[ Good morning!? Nagising yata kita, sorry.] si Shawn pala.
[ Ang aga pa ah. Morning, may kailangan ka ba? ] narinig ko naman ang pag tawa niya.
[ Gusto sana kitang ayaing magsimba. Can you come with me? ] hmm...ok lang naman.
[ Ok. Yan lang ba? ] inaantok pa ako.
[ I'll be there. Nakabihis na kasi ako, mag ayos ka na rin sana kasi malapit nang magsimula ang first mass. ] nataranta naman ako sa sinabi niya saka pinatay ang tawag niya ng hindi nag papaalam. Ghad!
Nagmamadali akong naligo kahit pa nilalamig ako. Agad din akong nagbihis ng puting dress at maong na jacket na tinirnohan ko lang ng puting sapatos. Sinuklay ko ang buhok ko at hindi na tinali pa.
Pagkababa ko ay nandoon na si Shawn kausap si Mommy.
" You look so pretty honey. Uwi kayo pag lunch ha." tumango na lang kami saka lumabas na ng bahay.
" What's with that look?" puna ni Shawn sa nakabusangot kong mukha.
" YOU! Ginising mo ako ng pag aga-aga tapos nakabihis ka na pala at sasabihin mo pa saking ' i'll be there ' at nakabihis ka na, magsisimula na ang misa! Like!? Argh! Di mo ba alam kung gaano ako halos magkanda-dapa dahil sa pagmamadaling mag ayos!?" I mocked up. He can't blame me, naiinis ako.
" I'm sorry, kahapon ko pa kasi dapat sasabihin sayo kaso nalimutan ko pala. at napa-aga rin ako ng gising kaya tinawagan na kita agad. I'm really sorry. " Hays!
After I release a deep sigh , I faced him. " I'm sorry rin. Naiinis lang talaga ako. Basta sa susunod magsabi ka na agad kung may balak ka pa lang mag aya hindi yung ganito na bigla-bigla. " he smiled and nodded. I smile back.
Naabutan namin ang misa at naupo na kami ni Shawn sa harapan kung saan kakaonti lang ang tao samantalang halos mapuno na ang likuran dahil sa mga nakatayong nagsi-simba.
Minsan talaga ay tayo na rin ang nagpapahirap sa mga sarili natin, May choice naman tayong mapa-ayos pero minsan talaga ay mas pinipili nating magpakatanga.
Natapos ang misa at lumabas na kami. Alas diyes na rin pala.
" Tara kain tayong street food. " kumislap ang mata ko sa sinabi ni Shawn at saka ako na ang naghila sakanya patakbo sa park.
BINABASA MO ANG
YOUTH AGE
Novela JuvenilHi my name is Laurhen Grace Samaniego. 17 years of old. Grade 12 STEM student. A youth living a life full of uncertainties. But, I believe that everyone of us has a blissful life. Maybe some can't see it but I think all we have to do is to 'Stop im...