Sa kalagitnaan ng gabi, isang maliliit na hikbi mula sa babaeng nagtatangis ang umaalingawngaw sa kagubatanDi nya alintana ang lamig ng simoy ng hanging dumadampi sa kanyang porselanang balat
Mga kaluskos sa kung saan ang tangi nyang kakumpetensya sa pag gawa ng inggay
Unti-unting pumapatak ang ulan na animo'y nakikiramay sa pag tangis ng babae
Nagsisimula ng lumakas ang inggay mula sa mga palakang nangungusap
Sa kagubatang kinaroroonan
Sa napakadilim na kagubatan ay may isang nakasisilaw na liwanag ang naghariSandaling nahinto sa pag iyak ang babae at hinahanap ang kinaroroonan ng liwanag
Ihinakbang nya ang kanyang mga mumunting paa saka dahan dahang tinungo ang kinaroroonan ng liwanag
Unti unti ng napawi ang kanyang kalungkutan at napalitan iyon ng kuryusidad, kuryusidad sa kung saan nagmumula ang mahiwagang liwanag
Ang liwanag na nakapag patigil sa lahat ng inggay
Marahan pa syang humakbang, sa wakas ay natunton nya na ang mahiwagang liwanag at sa di inaasahan ay unti unti ng nababawasan ang liwanag at sumilay na ang isang napakagandang babae sa likod ng liwanag
Gumuhit ang malapad nitong ngiti, ang ngiting tuluyang pumawi ng kanyang kalungkutan
"Halika, lumapit ka" malumanay nyang usal sa babaeng kanina
lang ay nagtatangisLumapit ang babae at kasabay niyon ang dahan dahang pag bulong ng babaeng nakasisilaw
Sa sandaling narinig niya ang boses ng babaeng nakasisilaw ay unti-unting nabuhayan ang kanyang puso kasabay ng dahan dahan nyang pag hakbang palabas sa kagubatang matanglaw.
BINABASA MO ANG
YOUTH AGE
Teen FictionHi my name is Laurhen Grace Samaniego. 17 years of old. Grade 12 STEM student. A youth living a life full of uncertainties. But, I believe that everyone of us has a blissful life. Maybe some can't see it but I think all we have to do is to 'Stop im...