Ang sakit ng ulo ko. Nagising ako at nakita ko si Mommy na mahinbing na natutulog sa upuan na katabi ng kama ko. Dahil sa pag galaw ko ay napamulat si Mommy ng mata." Are you ok honey? How are you feeling now?!" nagulat ako nang biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Mommy pagkatapos niyang sabihin iyon.
" Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may nangyaring masama saiyo. I'm so afraid anak. I'm so afraid na baka mawala pati ikaw sakin." pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay tuluyan ng humagolhol si Mommy kaya bumangon ako at niyakap siya.
Naalala ko na ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. Shit! Pag nakita ko talaga ang gagong yon ay buong pwersa ko siyang sasapakin.
" Buti na lang talaga at naroon si Shawn para iligtas ka. I owe him so much. Kahit na may mataas siyang sakit ay di ka niya pinabayaan." naalala kong nakita ko si Shawn at isanhg lalaki na tumakbo palapit samin non bago ako mawalan ng malay. Kahit di ko pa alam ang buong nangyari ay alam kung walang masamang nangyari sakin dahil niligtas niya ako.
" Gulat na gulat talaga ako nang dumating dito si Shawn na karga ka at humahangos. Wala kang malay kaya nataranta ako. Tumawag ako ng doktor para patingnan ka at nalaman naming pinainom ka pala ng sleeping pills kaya ka nakatulog." Ah. Buti naman pala at hindi drugs ang pinainom ng gagong yon kung hindi!!
" Nag aalala ako sayo nang sobra at mas nadagdagan pa ang pag aalala ko ng mahawakan ko si Shawn na parang kumukulong tubig sa sobrang init. Jusko di ko alam ang gagawin ng sabihin ng doktor na napakataas nang lagnat ng batang iyon. Sinabi ko sakanya na dito na matulog pero nag pumilit siyang umalis dahil may pupuntahan pa raw siya. Di ko na siya napigilan ng umalis siya." nabahala naman ako ng sobra dahil sa mga sinabi ni Mommy. Kamusta na kaya si Shawn?
" Gusto mo bang kumain? Bababa lang ako para magluto ng sopas. Tawagin mo ako kung kailangan mo ako." ngumiti lang ako kay Mommy saka tumango. Naku! Ano na kayang nangyari kay Shawn? Baka napano yun sa daan?!
Tumigil na lang ako sa pag o-overthink dahil sumasakit lang ang ulo ko. Tumingin ako sa orasan at 5 am na pala. Bumangon ako at saka kumuha ng damit sa closet. Naligo ako at pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako.
" Hey! ba't ka bumaba? masama ba ang pakiramdam mo?." I smile at Mommy.
" Ok lang po ako Mommy. Nakatulog lang naman po ako dahil sa sleeping pills kaya don't worry that much. I'm fine." para namang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Mommy saka nagpakawala ng malakas na buntong-hininga.
Kumain kami ng mainit na sopas na niluto niya saka pagkatapos ay nagligpit na si Mommy ng kinainan namin. Nanatili ako sa kusina.
" Mommy? Pupuntahan ko si Shawn sa bahay nila. Nag aalala po kasi ako at gusto ko pong kumustahin ang lagay niya. Ok lang po ba?" nilingon ako ni Mommy at saka ngumiti.
" Basta wala kang masamang nararamdaman payag ako. Ihahatid na lang kita doon. Ipagbabalot ko ng sopas si Shawn." napangiti naman ako sa sinabi ni Mommy saka umakyat uli ako sa kwarto ko para mag suklay at mag ayos ng sarili. Kinuha ko lang ang cellphone at maliit na bag ko saka bumaba.
Naliligo pa si Mommy kaya naupo na lang muna ako sa sala. Saturday ngayon kaya wala ring pasok. Iniisip ko pa lang kung ano ang kalagayan ni Shawn ay sumasakit na ang dibdib ko. Siguradong mas lumala ang sakit niya dahil binuhat at pinagdrive niya pa ako.
Hays!" Let's go." napalingon ako kay Mommy na naka corporate attire na at hawak ang baunan na naglalaman ng sopas. Kinuha ko iyon saka kami umalis ni Mommy.
Pagkarating namin sa bahay nila Shawn ay bumaba agad ako sa kotse. Bumaba rin si Mommy at papasok na sana kami nang may biglang tumawag sakanya.
[ Hello?] aniya ni Mommy sa cellphone. Hindi ko naman marinig ang sinasabi ng nasa kabilang linya dahil hindi naman nakaloud speak.
[ What!? Ngayon na ba yon? Ok..ok.. I'll be there in a minute.] agad na binaba ni Mommy ang tawag saka humarap sakin.
" I'm sorry but I really have to go. Paki kamusta na lang ako kay Shawn ha." tumango na lang ako at hinintay ang pag alis ni Mommy bago ako kumatok sa bahay nila Shawn.
" Sino sila!?" tanong sakin ng kasambahay nila Shawn na halatang galing sa pag lilinis dahil may hawak pa itong duster.
" Kaibigan po ako ni Shawn. Kamusta po siya?!" pinapasok na ako ng katulong sa bahay nila Shawn at pansin kong parang walang tao.
" Nasa kwarto niya. Mataas pa rin ang lagnat ni Sir. Wala rin si Ma'am Alice. Para sakanya ba 'yan?" tinignan niya ang hawak kong baonan. Tumango ako at kinuha niya iyon. Sabi niya ay siya na raw ang maghahanda 'non at umakyat na raw ako sa taas.
Pinuntahan ko naman ang sabi niyang kwarto ni Shawn. Kumatok ako pero wala nasagot kaya pumasok na ako. Nakita ko ang balot na balot na si Shawn at sumisikip ang dibdib ko sa nakikita ko.
Linapitan ko siya at kinapa ang noo niya. Mataas pa nga ang lagnat niya pero di tulad nung nasa party kami.
" I'm sorry." naiusal ko saka humila ng upuan malapit sa kama niya. Naupo ako at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Nagmulat siya ng tingin at nagkatitigan kami.
" How are you feeling? May gusto ka bang kainin o inumin? Tell me ikukuha kita." ngumiti lang siya at saka hinawakan ang kamay ko.
" I'm sorry dahil iniwan kita. Muntik ka na tuloy mapahamak. Ok ka na ba?" namamaos ang boses niyang sabi. Ngumiti ako sakanya. Kahit siya ang may sakit ay ako pa rin ang inaalala niya. How lucky I am to have a friend like him.
" It's not your fault. Ok lang ako. Ikaw ang kamusta?" naubo ito kaya hinagod ko ang likod niya. Nakaupo na siya.
Dumating ang katulong nila dala ang isang tray na naglalaman ng sopas na niluto ni Mommy. Kinuha ko yon sa kamay niya at sinenyasan ko na siyang ako na ang bahala. May gamot at isang basong tubig na nakalagay sa tray.
Tatayo sana si Shawn para kuhain sakin ang tray pero umiling ako at sumenyas na maupo lang siya.
" Pinabibigay to ni Mommy. Sobrang nagpapasalamat siya
dahil niligtas mo ako. Gusto ka nga sana niyang makita kaso may importanteng meeting siya kaya nagmamadali ring umalis pag karating namin dito." lumapit na ako sakanya saka nilapag sa table niya ang tray. Kinuha ko ang bowl na may sopas saka inilapit sakanya.Hinipan ko muna ang sopas na nasa kutsara bago isubo sakanya. Nakatingin lang siya sakin habang sinusubuan ko siya kaya medyo nailang ako.
Matapos ko siyang subuan ay pinainom ko sakanya ang gamot at inabutan siya ng tubig na ininom naman niya.
Tumayo na ako para sana ibalik sa kusina ang tray ngunit hinawakan niya ako sa wrist ko kaya natigil ako.
" Don't leave me. Can you stay here with me.. please? " nakita ko ang pagsumamo niya kaya ngumiti ako.
Naupo ako uli saka kinapa uli ang noo niya. Medyo bumaba na yata? Ewan feeling ko lang. Hinawakan niya ang kamay kong nasa noo niya.
" Pwede mo ba akong tabihan sa pagtulog? " kahit nagulat ako ay nagawa kong ngumiti at saka tumango ng marahan. Para pala siyang bata pag may sakit. Ang daming demands haha.
Nahiga ako sa kama niya at di naman ako nakaramdam ng ilang dahil tumalikod siya sakin. Inaantok din siguro ako kaya nakatulog ako.
Nagising ako dahil sa marahang pagtapik sakin. Minulat ko ang aking mata at nakita ko ang nakangiting mukha nila Mommy at Tita Alice. Napatingin naman ako sa brasong nakayakap sakin. Kaya pala mabigat ay dahil yakap ako ni Shawn. Dahan dahan kong inalis ang kamay niya at saka tumayo.
" Thank you so much hija. Thank you for taking care of my son." sinuklian ko naman ng ngiti si Tita saka tumango na lang. Gabi na pala. Ginising pala ako nila para ayaing kumain. Sabi nila'y wag ko na raw gisingin si Shawn dahil baka di ako pauwiin non.
Kumain kami nila Mommy at Tita saka nag usap tungkol sa mga nangyari noong gabing yon.
Sabi ni Tita ay pinigilan nga raw niya si Shawn na umatttend ng party ng gabing yon dahil mataas na talaga ang lagnat niya kaso ay matigas ang ulo kaya ayun.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami ni Mommy sa bahay. Dumiretso lang ako sa kwarto ko saka ibinagsak ang katawan para matulog uli.
BINABASA MO ANG
YOUTH AGE
Teen FictionHi my name is Laurhen Grace Samaniego. 17 years of old. Grade 12 STEM student. A youth living a life full of uncertainties. But, I believe that everyone of us has a blissful life. Maybe some can't see it but I think all we have to do is to 'Stop im...