Tulad nang nakagawian ay maaga akong nagising.Ginawa ang aking morning rituals saka bumaba.
Parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Siguro ay dahil nababahala ako sa mangyayari mamaya. Feeling ko talaga ay wala mangyayaring maganda. Hays.
Sinalubong ako ni Mommy ng malapad na ngiti kaya pinilit kong ngumiti na rin.
Natapos ang agahan namin ng tahimik.
" Camilla, sumabay ka na sakin" ngiting sabi ni Mommy, tumango na lamang ako at dali daling kinuha ang mga gamit ko saka tinungo ang kotse.
Tulad ng dati ay tahimik rin ang aming naging biyahe pero pansin ko ang pangiti ngiti ni Mommy at panay pa ang sulyap nito sakin. Ang weird nya ngayon,
Pagkarating sa University ay humalik na ko sa pisngi ni Mommy saka lumabas na ng kotse.
Pagkalabas ko ay kumaway pa sakin si Mommy saka na pinaharurot ang kotse.
Napagpasyahan kong magtungo muna sa aking tambayan dahil siguradong sarado pa naman ang klassroom namin. At nababahala rin ako na baka naroon si Shawn gusto ko na lang umiwas sa kanya.
Nang marating ko ang aking tambayan ay marahan akong naupo rito saka pinagmasdan ang paligid. Wala namang bago.
Sumandal muna ako sa puno at ipinikit ko ang aking mata. Iniisip ko ang mangyayari mamaya.
Makakadate ko ang kababata kong matagal ko ng hindi nakita at di ko na kilala. Di ko na sya maalala, sya kaya? naaalala pa kaya nya ako?
Mabait kaya sya?
Hmm...baka kasi mabait naman si Tita Alice.Ano kayang magiging reaksyon ko pag nakita ko ang kababata ko.
Inalis ko na muna sa isip ko iyon at sandaling pinakinggan ang huni ng ibon.
twit...twit...twit..
"It's you again" napamulat ako ng marinig ko ang boses na iyon. Tama nga ako, siya yong nakabangga sa akin kahapon.
Tiningnan ko lamang sya at kunot noong pinasadahan sya ng tingin. Ba't kaya siya nandito? bibihira lang magawi dito ang mga estudyante.
Hm...
Matagal na rin pala kasi ng huli akong magawi dito kaya baka dito na rin sya tumatambay.
" Can I join you?" mahinahon nyang tanong. Tumango ako kaya marahan syang naupo sa gilid ko.
" Alam mo rin pala ang lugar na ito." aniya pa.
" Matagal na ko rito. Since first year ay dito na ako tumatambay pero ngayong forth year na ako ay madalang na ako rito" tumango tango sya.
" This year ko lang ito na kita at nagustuhan ko rito kasi tahimik. Ok lang ba kung maki-share ako dito?" nahihiya pa nyang usal.
" Hindi naman akin ito, everyone's free to be here. Transferee ka ba?" di ko na napigilang itanong.
Liningon nya ako saka umiling.
" Simula first year ay dito na ako, bakit?"" Di ka kasi pamilyar sakin kaya akala ko'y transferee ka." nahihiya kong sagot, ang awkward na.
" Kilala na kita dati pa."
napalingon ako sa sinabi nya, at nagtataka ko syang tinitigan, napansin nya ata ang nagtatanong kong mga mata kaya ngumiti ito." Sa isang contest last year, nung Festival of Talents. Hindi ba't ikaw yung nanalo doon?" ngiti nyang tanong, napatango tango na lamang ako sakanya saka ngumiti.
Di ko alam na may nakakapansin din pala sakin dito sa University. Madalas akong pambato ng school namin sa mga painting exhibition pero kahit nananalo ako ay iilan lang ang nakapapansin sa akin at karamihan pa doon ay yung mga kapwa ko lang artist.
" I was so amazed when I see your painting. Self Portrait ang title nun diba." ako naman ay namangha sa kanya dahil mukhang alalang alala nya pa iyon.
Di ako kumibo dahil gusto ko pang marinig ang mga sasabihin nya.
" Isang painting ng babaeng nasa kalagitnaan ng maraming mga bulaklak. Alam mo bang matagal na kitang gustong makausap, gusto ko sanang itanong kung bakit Self Portrait ang title nun." nahihiya sya ng pagmasdan ko sya kaya nginitian ko sya para di sya mahiya.
" Tinawag ko yung self portrait dahil...ang babaeng nasa painting na iyon ay ako, tulad ng nasa painting ay para akong nawawala. Not literally---" naputol ang aking sasabihin dahil nag bell na kaya dali dali akong tumayo at nag pagpag ng palda. Inayos ko ang uniform ko na nakusot na ng konti.
Nang maayos na ako ay liningon ko ang lalaking kasama ko.
Sa huling sandali ay nginitian ko sya saka na ako naglakad patungo sa building namin.
Di pa naman ako late ng makarating ako sa room namin. Tinungo ko ang upuan ko saka maingat na naupo.
Nahuhuli kong nakatitig sakin si Shawn at di ako kumportable doon. Mabuti na lamang at nagsimula na ang klase kaya natigil na ang pagtitig nya sa akin.
Normal lang ang lahat at maayos naman ang naging daloy ng aming klase.
Nanatili akong aktibo sa lahat ng subjects at nakikinig ako ng mabuti kahit pa mainggay ang katabi ko.
Mabilis namang lumipas ang oras at uwian na.
Inayos ko ang aking gamit at nagsimula ng maglakad palabas ng University.
Di na muna ako dadaan sa food court dahil nagtext si Mommy na sa bahay na raw ako kumain.
Pag karating ko sa bahay ay naabutan ko si Mommy kasama ang isang babae na tingin ko ay isang make up artist.
Hays, mamaya na nga pala ang party.
" Anak, this is Beves sya ang mag aayos sa atin mamaya" nakangiting pakilala ni Mommy s a kasama .
Ngumiti sa akin si Beves kaya sinuklian ko naman ito ng ngiti.
Inaya naman kami ni Mommy na kumain na para makapag ayos na raw kami.
Matapos ang tanghalian ay umakyat na ako sa kwarto ko upang maligo.
Nagbabad ako sa bathtub at sandaling pumikit. Kung di pa yata ako kinatok ni Mommy ay baka tuluyan na akong nakatulog.
"Anak, wag ka masyado magbabad dyan ha. Malayo ang bahay ng Tita mo kaya dapat ay maaga rin tayong makabiyahe ng di rin tayo maipit sa traffic." aniya ni Mommy
" Ok po. Patapos na rin naman po ako dito Mommy" sagot ko at saka nagsimula na akong sabunin ang aking katawan.
Ilang saglit lang din ay tapos na ako kaya lumabas na ako ng banyo at doon ko naabutan si Mommy na kasalukuyan ng pinaplantsa ng artist ang kanyang buhok
Umupo na lamang ako sa kama ko at saka pinanood ang proseso ng pag aayos kay Mommy.
BINABASA MO ANG
YOUTH AGE
Teen FictionHi my name is Laurhen Grace Samaniego. 17 years of old. Grade 12 STEM student. A youth living a life full of uncertainties. But, I believe that everyone of us has a blissful life. Maybe some can't see it but I think all we have to do is to 'Stop im...