Chapter 30

3 1 0
                                    

" Camilla! Bumangon ka na d'yan! Maaga ang kasal kaya maligo ko na. Nandito na rin ang mag aayos satin." napabalikwas ako mula sa pagkakahiga dahil sa sigaw ni Mommy na nakapamewang pa sa gilid ng kama ko.

Tumingin ako sa wall clock ko at nagkusot ng mata, tama ba ang nakikita ko? Wah!!

" Mommy ba't ngayon mo lang ako ginising. Di'ba alas nuebe ang kasal? 8 am na and it will took me a one and a half our on preparing myself." Ghad. Tuluyan na akong bumangon at nagdiretso sa closet para kumuha ng undies and towel.

After I take a bath, kung ligo pa nga ba ang tawag don dahil parang ten minutes lang HAHA. Kinuha ko na ang floral long dress na isusuot ko. Ngayon lang ako magsusuot ng kulay yellow dahil sa lahat ng kulay ay ayaw na ayaw ko ang yellow pero anong magagawa ko? Ito ang ipinadalang damit samin nila Psymon dahil sila ang nagprovide. Bale beach wedding kasi ang magaganap.

Saktong nakabihis na ako nang pumasok si Mommy kasama si Paris---yung nag ayos din sakin noon. Nakangiti silang pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Gladiator sandals ang suot ko dahil ito rin ang kasama sa damit. Para tuloy kaming mga diyosa nito HAHA. Pansin kong pareho din kami ni Mommy na nakafloral dresa pero iba ang style ng kanya.

" Maganda ka na as usual. Ayusan na kita ha." Tumango ako saka naupo na sa harap ng salamin. Nilagyan ako ng mascara at eye liner. Lipstick na kulay bloody red at konting foundation na nilagyan din ng cheeks brightener. At inayos din niya ang buhok ko, French braid at saka ipinangtali ang sunflower na panali.

Ngumiti sila ni Mommy saka hinila na ako sa labas. Naabutan namin doon sila Tita Alice, Tito Samuel at Shawn. Naka short shorts at floral polo sila Shawn at Tito samantalang tulad namin ni Mommy ay nakadress din si Tita.

" Ang ganda mo talaga hija! Bagay na bagay sayo ang floral dress na iyan. Di'ba Daisy favorite ni Pia ang floral at kulay dilaw? Siguro siya ang nag decide para sa kasal no'? " nagkibit balikat na lang si Mommy saka nag aya ng umalis.

Kay Shawn ako sumabay dahil sa iisang van lang sumakay sila Mommy, Paris, Tita at Tito. Si Shawn daw kasi ang partner ko kaya dapat ay siya ang mag drive para sakin.

" Kilala mo ba ang pakakasalan ni Psymon?" Nakasulat naman ang pangalan ng babae sa invitation card pero di ko siya kilala at curious ako.

" Nope. Wala nga akong nababalitaan na may girlfriend yang si Psymon." tumango tango na lang ako saka tumingin sa labas.

" Kumain ka na ba?" napangiti ako sa tanong niya. Wah! Finally, dahil kasi sa pagmamadali namin ni Mommy ay hindi man lang niya naalala na di pa ako kumain. Kumain sila ni Paris habang natutulog pa ako at nalimutan nya na ako huhu.

Nang sabihin kong hindi pa ay dumaan muna kami ni Shawn sa isang café at bumili ng choco expresso at isang box ng cup cakes. Pagkapasok namin sa kotse ay agad na akong kumuha ng cup cakes saka maganang kumain.

" Mukhang gutom na gutom ka na nga. Buti na lang at natanong ko HAHA. Matagal ang wedding ceremony kaya siguradong tanghali na matatapos iyon at kung di ka kakain ng breakfast ay baka mahimatay ka sa gutom at gumawa pa ng eksena." humalakhak si Shawn at namumula na sa katatawa pero dahil sa gutom ako ay dinedma ko lang siya.

" Ang konti lang pala ng bisita no?! Parang hindi lalagpas sa sandaan ang narito." aniya ni Shawn na nagpatango sakin

Pagkarating namin sa beach na pag gaganapan ng wedding ay kokonti lang ang tao. Hm...baka exclusive kaya hindi nag imbita ng marami.

Nakita namin sila Mommy na nakaupo na sa mga upuan malapit sa beach kaya lumapit na kami ni Shawn doon. Hinawalay pala ang matatanda at teenagers kaya lumipat kami ni Shawn sa kabilang side. Iilan lang din ang nakatabi namin dito may isang groupo ng kalalakihan na parang anim o walo ang miyembro, siguro sila ang kaibigan ni Psymon. Nakatabi ko ang babaeng nakaupo lang ng tahimik dito at parang di mapakali.

" Hey Are you ok Miss?" puna ko dahil kanina pa siya lingon ng lingon. Nahihiya naman siyang tumingin sakin saka ngumiti ng bahagya.

" Yeah. I just can't wait to see my best friend. " aniya pa.

" Kaibigan ka ng bride?" ngumiti naman siya saka tumango. Ah ok.

Ilang saglit lang din ay dumating na ang groom kasabay lang ng bride. Nagsimula na ang kasal at ngayo'y nagpapalitan na sila ng wedding vows.

" Kanina ka pa nakatitig sakanila. Are you envious?" umiling ako saka hinarap si Shawn.

" I'm curious not envious. I wonder what they feel, what does it feel to be married. " I heard him chuckled.

" Gusto mong malaman kung ano ang feeling na ikasal? I can help you." ngumiwi ako ng makita ang mapang asar niyang tingin, binatukan ko siya kaya natawa siya. Naka agaw rin kami ng atensyon kaya yumuko ako dahil sa kahihiyan samantalang si Shawn ay tumatawa pa rin.

Andito na kami sa reception at nakaupo na. Abala sa pag kukwentuhan sila Mommy, Tita Alice at Tita Pia. Mabuti naman pala at ayos na sila. Tumayo ako dahil naiihi na ako. Nagtanong ako kung saan ang cr at nang ituro iyon ng staff nitong resort ay agad na akong umalis at naglakad papunta sa cr.

Pabalik na sana ako sa baba kung nasan ang kainan nang makita ko si Psymon sa may veranda. Nakatanaw lang siya sa baba kung saan naroroon ang mga bisita.

" Hey!" napalingon naman siya sakin kaya nginitian ko siya, tumango lang siya saka tumingin uli sa baba.

" Congrats!" masiglang bati ko pero nagulat ako ng nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.

" May problema ba? Kanina ka pa mukhang malungkot, is there something wrong?" kahit naman di na kami close ay nag aalala pa rin ako sakanya.

" I don't love her..." pabulong na aniya ni Psymon. Gulat naman akong napatingin sakanya.

" What? Then why did you marry her? Nabuntis mo ba siya?" napatawa siya sa sinabi ko pero halatang peke yon.

" Nope. Hindi ko siya nabuntis. I marry her because of the one I love."  nagtaka ako lalo sa sinabi niya. Ang gulo niya!

" Ba't mo naman siya pinakasalan dahil sa mahal mo? Ang gulo mo naman." humarap siya sakin at don mas kita ko ang lungkot sa kanyang mukha.

" The one I love, she's dying" nagsitayo ang balahibo ko sa buong katawan.

" I marry Glendale to make the one I love happy. She wants to see me get married before she dies so I did."

" Siguradong masasaktan lang ang girlfriend mo dahil nagpakasal ka, Oo siguro hiniling niya na makasal ka bago siya mamatay pero sinabi niya yon para ilayo ka na sakanya." tumawa siya na ikinagulat ko. May nakakatawa ba don?

" She won't be sad. She's not my girlfriend anyway. She my Mom" kung kanina ay nagtaasan lang ang balahibo ko, ngayon ay nanlalamig na ako at nanlalambot ang tuhod. Kumapit ako sa railing para hindi matumba.

" T-ti-ta P-Pia is d-dying?" hindi ko napigilang magkanda utal utal.

" What? What are you two talking about?" gulat kaming napalingon sa likod kung saan naroon si Shawn na gulat na gulat din.

Inaya kaming maupo ni Psymon at saka niya samin sinabi ang lahat. May sakit pala si Tita Pia, pneumonia at malala na iyon.

" I'm planning something but I can't do it by myself, can you guys help me?" aniya ni Psymon.

" What plan?" aniya ko.

" I want to surprise Mom. Gusto ko sanang idala siya sa isang beach resort at mag organize ng parang Reunion para sakanya. Iimbitahin ko lahat ng kaibigan , kamag-anak at kakilala ni Mommy. Kaso ay hindi ko ito kayang gawin mag-isa sa madaling panahon lamang. Are you up?" I nodded and so Shawn is.

Nagpasalamat samin si Psymon at sinabi kung kailan kami pupunta sa beach resort na balak niyang ganapan ng event. Bumalik na kami sa baba at doon ay nakita ko sila Mommy na nagtatawanan.

" It's sad to think that when they finally got along with each other again, It's already late." aniya ni Shawn na nasa tabi ko pala. Napabuntong hininga na lang ako. That's life.

YOUTH AGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon