Chapter 3

19 10 0
                                    

Marie's Pov :

Now that I realized it the more I think of how many years I wasted on staying lonely and unhappy. It was never fine being lonely. I can't even imagine how I survived it. I thought it's better alone than surrounded with people when you know you're gonna leave them soon.

Narinig kong may kumakatok sa labas kaya binuksan ko ito. Paglabas ko si mama pala pero sa kabilang kwarto siya nakatok dun sa kwarto ng lalaki. Ano nga ulit pangalan nun? Harry? Magkatapat lang kase ang kwarto namin. Sinara ko na ulit ang pinto at humiga. Naririnig ko silang naguusap pero di ko alam ang pinaguusapan nila. Sino kaya siya? Curious lang ako kung kamaganak ba siya nina mama o may anak din kayang iba sina mama? Pero tinawag niyang Sir si papa. Tsaka sabi ni papa tito na lang itawag sa kaniya. Di kaya pinsan ko siya? Hindi naman siguro siya kasambahay dito kase kasing edad ko lang yata siya sa tingin ko. Ah ewan ko bat ko ba siya iniisip. Di ko naman siya kilala. Pero mukha naman siyang mabait. Ang amo ng mukha niya parang nakita ko na siya dati. Imposible di naman ako nalabas ng hospital.

Sa totoo lang gusto kong himingi ng pasensya sa nangyari kanina kaso di ko alam kung paano sasabihin sa kaniya na di ko alam kung bakit bigla bigla na lang akong naiiyak ng ganun. Alam ko natrauma ako sa nangyari sakin. Pero ang tagal na nun di ko talaga alam kung bakit hanggang ngayon nagkakaganun pa din ako kapag nilalapitan ako ng ibang tao na di ko kilala. Siguro iniisip niya na baliw ako bigla na lang akong umiyak at sinabihan ko pa siya ng sinungaling at pinagbintangan na sasaksakin niya ako. Ah ewan hindi ko rin naman siya pwedeng maging kaibigan kase ayokong mafall siya sakin. Alam kong maganda ako charot. Ayokong magtiwala ulit sa taong di ko kilala tas sa huli masaktan ako o masaktan sila.

Matutulog na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto ko. Sure ako pinto ko na yun. Kinakabahan pa ako buksan kase baka siya yun. Baka nakutuban niya na iniisip ko siya. Tumayo na ako para buksan ang pinto. Nakita ko si mama at ngumiti siya sakin. Pinapasok ko siya sa kwarto.

“Ma, tamang tama pwede ka ba dito matulog sa tabi ko? Nakakapanibago kasi ma, nasanay na ako sa amoy ng hospital bago ako matulog, ” palusot ko kay mama gusto ko lang talaga siyang makatabi matulog.

“Sige anak tabi na lang tayo matulog ngayon, hayaan mo na yung papa mo magisa dun. Hahaha kanina nagyakapan kayo di niyo ko sinali. Makapaghiganti naman ako sa kaniya hahahhaha, ” pagbibiro ni mama.

“Ma, pwede din naman si papa dito oh sa sahig nga lang siya hahahahah, ” panggagatong ko kay mama.

“Ah nak diba gusto mo pumasok ng school as in yung tunay na kaya napansin mo ba yung uniform sa walk in closet mo? Ieenroll kita sa university bukas, sana maging masaya ka anak. Mahal ka namin ng papa mo pero kailangan mo ring makakakilala ng ibang tao, magkaroon ng kaibigan at maging masaya yun ang sabi mo sakin dati diba?” sabi ni mama na ikinagulat ko.

“Talaga po ma? Papayagan niyo na ako pumasok? Mahal ko din po kayo ni papa ma, pero natatakot pa rin po akong magtiwala sa ibang tao na di ko kilala, baka masaktan lang nila ako o masaktan ko sila ma, gusto kong pumasok pero di ko alam kung kaya kong magkaroon ng mga kaibigan, ” paliwanag ko naman.

“Alam ko anak na mahihirapan ka, pero kailangan mo din yan para maging masaya ka na at tuluyang maghilom ang mga sugat sa puso mo. Magtiwala ka sakin nak, mama mo ako wala akong ibang gusto kundi ang maging masaya ka. Alam ko may posibilidad na makasakit ka o masaktan ka ulit pero di ka makakabangon kung habang buhay ka na lang natatakot. Nandito kami ng papa mo para protektahan ka,” sabi ni mama sakin na parang pinapagaan ang loob ko .

“Alam ko ma na lagi kayong nandiyan ni papa para sakin. Pero paano pagnasa school na ako ma? sinong magproprotekta sakin dun? Hindi naman pwedeng bantayan niyo ako maya't-maya dun diba ma?” pagtatanong ko kay mama.

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now