Chapter 16

10 5 0
                                    

Barry's Pov :

Heading back from the first day we met, you were frantically crippling when you saw me. Mistakening me as someone that caused you sorrow. And now you are radiant beaming with love and happiness. Looking at me as someone who caused you joy. It seems like only yesterday because there's never enough time. You're waking me up soon.

After a year...

Sa wakas makakabalik na rin kami ni Marie sa bahay nila ngayon. Magkakasama na ulit kami kasama sina tito at tita. Kaarawan na ni Marie bukas kaya nagrequest ako kina tito at tita na maghanda kami para sa 18th birthday ni Marie.

Sa totoo lang hindi ito alam ni Marie na isusurprise namin siya. Ang alam lang niya uuwi na kami kase magaling na siya at magcecelebrate ng birthday niya. Pero ang hindi niya alam magpapaparty kami at iimbitahan ang iba lang naming mga kaibigan katulad nina Marianne at Bon, pati na rin yung mga naging kaibigan namin sa hospital. Konti lang naman ang inimbitahan ko dahil alam kong magugulat si Marie kapag sobrang daming tao. Inimbitahan ko din yung Shejun na first love niya. Nagtataka pa siya bakit ko siya inimbita, malamang mahalaga siya kay Marie. Kahit na ayoko talaga siyang makita dahil baka magselos lang ako. Sabi ko sa kaniya wala akong pake kahit tumakas siya sa kanila basta makapunta siya dito.

Sisiguraduhin kong magiging memorable ang araw na ito para kay Marie. Dahil ngayon lang siya magbibirthday na wala sa hospital. At bukod pa dun magpropropose na ako sa kaniya. Hindi na ako makapaghintay pa! Pwede pa naman kaming magpakasal bago magpasukan ulit. Ilang buwan pa naman dahil February pa lang, August pa ang pasukan. Alam ko din namang papayag sina tito at tita! Dahil no choice naman sila ako ang mahal ng anak nila. Kaya nasakin pa din ang huling halakhak HAHAHAHAHHA!

Palabas na kami ngayon sa hospital ni Marie. Hinihintay na kami nina tito at tita sa sasakyan sa baba. Magkahawak kami ng kamay habang nagpapaalam na sa mga taong nagkakasalubong namin. Masayang kumakaway si Marie sa kanila at nagpapaalam. Sa'kin lang sila nakatingin at nakangiti ng kakaiba. Nakasalubong na naman namin si dok at...

“Hi Barry! Pakisabi na lang kina Mr. and Mrs Lazaro na binabati ko ng Happy Birthday ang anak nila sabihin mo wag na silang malungkot at bumalik na sila sa trabaho. Miss ko na kamo sila at ang anak nila!” sabi niya pa sakin. Hindi ko alam kung paano naging doktor to eh siya ang kailangan ng gamot sa utak.

“Ikaw talaga dok! Katabi ko lang si Marie hindi ka na lang diretsong bumati sa kaniya. Sige po sasabihin ko po sa kanila na miss mo na siya. Pero po bawal niyo pong mamiss ang honeybunch ko! Tsaka hindi pa nga kami nakakaalis miss mo na agad siya! Ako na lang miss mo dok! Pramis babalikan kita yiehhh HAHAHHAHA!” pagbibiro ko kay dok. Napakamot na lang ito sa buhok noyang panot at nagdiredretso ng maglakad. Nagdiredretso na lang din kaming maglakad pababa sa sasakyan.

“Oh anak kamusta na ang kalagayan mo? Okay ka na ba pwede ka na ba talagang lumabas ng hospital?” tanong ni tita kay Marie. Nasa loob na kami ng sasakyan ni Marie. Napatingin naman ako kay Marie pero nakangiti lang siya at hindi siya sumagot. Siguro dahil nagulat siya ba kinakausap na siya ni tita.

“Barry kinakausap ka ng tita mo! Kamusta na daw?” sabi naman sakin ni tito. Hayyy siguro alam na nila na hindi sasagot sa kanila si Marie kaya ako na lang ang tinanong nila.

“Okay lang po si Marie tito at tita. Malaki na po ang pinagbago niya tingnan niyo po nakangiti na po siya ngayon lagi, hindi na po siya mataray. Pati nga po lahat ng mga tao sa hospital nagulat din sa pagbabago niya. Tsaka marami din po kaming mga kalarong bata dun sa hospital!” sagot ko naman kina tito at tita. Hindi maipinta ang mga mukha nila. Siguro dahil nagaalala pa rin sila sa kalagayan ni Marie kaya ganun na lang ang reaksyon nila.

Nakauwi na kami ng bahay. Gabi na rin kaya aakyat na kami sa kwarto pagkatapos magpaalam kina tito at tita na magpapahinga na kami.

“Tita, tito! Una na po kami ni Marie! Magpapahinga na po kami. Goodnight po! See you soon!” pagpapaalam ko sa kanila.

“Sige iho goodnight na din! Ikaw na bahala saan kang kwarto matutulog kung sa kwarto mo o sa kwarto ni Marie. Wala kaming pinabago sa mga kwarto niyo pinapalinisan lang namin pero ganun pa rin naman.” pagpapaalam din sakin ni tita. Sabi ko sa inyo eh boto sila sakin! Okay lang sa kanila na matulog ako sa kwarto ni Marie kasama siya. Alam na dis! rakrakan na HAHAHHAHAA! charot. Yakapan lang pramis.

Nagulat si Marie nang sumama ako sa kaniya papasok ng kwarto niya. At binuhat siya, nagpupumiglas pa siya kaya binaba ko na siya sa kama. Pumatong ako sa kaniya at itinaas ang dalawang kamay niya para hindi na siya makawala ng pinaglapat ko ang labi ko sa labi niya. Hindi siya tumutugon sa halip ay biglang tinulak niya ako patagilid dahilan para mapahiga ako at siya naman ang nakapatong sakin. Ngayon siya na ang humahalik sa'kin. Shet na malagkit sobrang bilis na ng tibok ng puso ko! Feeling ko sasabog na yung ano ko! yung puso ko! Kayo ha ang dumi na naman ng iniisip niyo! Puro tugon lang ang binibigay ko sa kaniya na parang sinasabing WAG KANG TUMIGIL. Pero tumigil ang lahat ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si tito at tita na nakatingin samin. Dali daling umalis si Marie sa ibabaw ko at umayos na ako ng upo.

“Oh iho! Matutulog ka na ba? Pwede bang makausap ka muna namin ng tito mo sa labas?” tanong sakin ni tita. Kinakabahan na ako kung anong paguusapan namin, baka isipin nila minamanyak ko ang anak nila. Nagpaalam lang ako kay Marie at lumabas na para makipagusap kina tito at tita.

“Ano po yun tita tungkol po ba sa kanina pasens...” di ko na natuloy ang sinasabi ko ng biglang sumingit si tito.

“Ano nga palang balak mo para bukas? Bakit pa kailangang magparty? Pwede namang pumunta na lang tayo sa Angel's Hope para icelebrate ang birthday niya. Hindi ka pa nakakapunta dun simula ng nangyari eh. Baka magtampo sayo si Marie niyan!” tanong sakin ni tito. Teka ano yung ano yung angel's hope? yun ba yung kinikwento sakin ni Marie na gusto niyang puntahan pagkalabas namin sa hospital?

“Hindi po magtatampo sakin si Marie. Naisip ko lang po kase unang birthday niya po ito na wala sa hospital kaya kailangan memorable tsaka 18th birthday po niya diba dapat may debut party siya kahit tayo-tayo lang! Inimbitahan ko din po pala si Marianne po yung favorite vlogger ni Marie naging magkaibigan na rin po kase kaming tatlo eh. Madalas din po siyang bumibisita samin ni Marie. Kasama din po yung boyfriend niya. Tsaka yung iba po naming mga naging kaibigan sa hospital at yung first love niya po na pinuntahan niya. Wag po kayong mag-alala nagbilin na po ako sa mga kasambahay natin ng mga ihahanda at mga preparasyon. Pupunta na lang po kami sa Angel's Hope pagkatapos,” paliwanag ko naman sa kanila.

Hindi na sila umimik at pinapasok na ulit ako sa kwarto ni Marie. Sa totoo lang naguguilty ako dahil pinangunahan ko sila tito at tita. Sa kanila namang bahay to pero nagimbita pa ako at nagutos sa mga kasambahay nila. Pero alam ko naman na naiintindihan nila ako at para din naman to kay Marie kaya pumayag sila.

Pagpasok ko sa kwarto ni Marie ay tumalon agad ako sa kama para yakapin siya at natulog na kami.

Marie's Pov :

Good to be back home with my love. Reminiscing brightest and darkest memories that I will forever treasure. From the day I met you to the day I'll say till i meet you again. After all this time I'm gladly contentedly in love with you. Looking into your eyes, I found my world. Our love didn't need to make sense. Our souls understood one another and its all that mattered. As long as you're here with me.

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now