Chapter 12

15 9 0
                                    

Barry's Pov :

I'd rather be unconscious than wake up without you anymore. You are my fear. I'm afraid that you'll leave me and never come back.  I'm afraid you'll go. I'm afraid something bad will happen to you. I'm afraid that you'll face your fear of dying without leaving someone behind. Because it's impossible. I'd rather come with you than be left behind.

Di ako mapakali. Pagkatapos kong matanggap ang text niya, hindi ko na tinuloy na tawagan sina tito at tita. Ayaw ko din naman silang mag-alala sa kaniya at sisihin ang sarili nila pag may mangyaring masama sa kaniya. Walang ibang dapat sisihin sa nangyari kundi ko. Lagi kong sinasabing ako ang bahala sa kaniya pero iniwan ko siya. Putangina dapat di na lang ako umalis. Dapat di na lang ako nagselos dahil lang may katawanan siyang iba, hindi sana siya umalis. Pero sana bumalik siya.

Bumalik na din ako sa classroom pagkatapos matanggap yung text niya. Sabi niya okay lang daw siya, wag daw akong mag-alala babalik din daw siya bago kami sunduin ni tita. Kaya bumalik ako umaasang babalik din siya. Hindi ko maiwasang isipin na ito na ba yung kinatatakutan niyang mangyari ang umalis at iwan sina tito at tita at ako na rin. Mababaliw na ako kakaisip, bakit siya aalis? Bakit siya tatakas? May tinatakasan ba siya? O may gusto siyang puntahan?

Tangina! di ko na alam ang gagawin ko. Ilang oras na ang nakalipas. Kanina pa din tingin ng tingin sa'kin si Marianne na parang nagtataka na din siya kung anong nangyari. Tangina kase ng boyfriend boyfriendan niya! Sinama sama pa si Marie palabas. Malapit na madismiss ang buong klase wala pa din siya. Tangina talaga mababaliw na ako. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko pagmay nangyaring masama sa kaniya. Pati na rin sina tito at tita, di ko alam kung mapapatawad nila ako.

“Class dismissed you may now go home!” announcement ng adviser namin.

Leche tangina dismissed na wala pa din siya.

“Barry! Anong nangyayari sayo kanina ka pa balisa diyan. San ba nagpunta si Marie? Bakit di ka mapakali?” sunod na sunod na tanong sakin ni Marianne.

“Tanungin mo yang magaling mong boyfriend na di ka naman girlfriend!” nabigla akong nasigawan siya. Di ko na kase talaga alam. Napaiyak na naman ako. Kanina pa ako naiiyak ayoko lang ipakita dahil baka magtaka din sila at tanungin ako. Nangako ako kay Marie na di ako magsusumbong pero ngayon di ko na talaga kayang pigilan ang mga luha ko. Ngayong araw lang may lumabas na mga luha sa mga mata ko. Kaya siguro hindi ito maubos - ubos.

Hindi na ako makatayo sa tindi ng sakit sa damdamin na nararanasan ko ngayon. Namamanhid na ang katawan ko pero yung puso ko sobrang sakit. Feeling ko ganitong ganito din ang nararamdaman ni Marie tuwing natatakot siya. At eto na nga ang sagot sa tanong ko kung may kinatatakutan din ba ako. Ngayon alam ko na ang kinatatakutan ko. Ang umalis siya ng wala akong nagagawa para sa kaniya. Hindi ako takot na maiwan. Ilang beses na akong naiwan pero kailanman hindi ako umiyak ng ganito. Lagi kong tinatatak sa isip ko na PEOPLE COME AND GO. Pero hindi ko alam bat ngayon natatakot ako na umalis siya.

Gusto kong saktan yung sarili ko, suntokin yung sarili ko, o iuntog yung sarili ko sa pader pero di ako makagalaw. Unti unti na akong napapapikit sa sakit ng nararamdaman ko sa loob. Totoo pala na pwede kang mawala ng malay dahil sa takot.

Tuluyan na sana akong mawawalan ng malay ng nakita kong may pumasok sa classroom namin. Nagsitabihan ang mga kaklase kong tsismoso. Nang makita kong palapit siya sakin.

Marie's Pov :

Sa pagpaalam ko kay Shejun unti-unting bumalik yung isip ko sa totoong mundo. Hindi ko alam kung napansin niyang tumulo yung luha ko bago ako tumalikod at naglakad palayo. Gusto kong bumalik at yakapin siya. Gusto kong sabihin sa kaniya na ayokong umuwi. Pero dun na natatapos ang pagiging selfish ko. Oo! selfish ako para pumunta dito at iwan yung mga magulang ko. Magsinungaling sa kanila. Magsinungaling kay Shejun. At utusang magsinungaling si Barry para sakin.

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now