Chapter 6

18 6 0
                                    

Marie's Pov :

Burn me down, till I'm nothing but memories. Head in the clouds. How do you admit that you're falling apart. Cause I don't wanna feel like I'm not me. And to be honest I don't even know why I let myself get down in the first place.

Isang linggo na rin akong nakatira dito sa bahay. Noong una akala ko ay magiging tahimik at malungkot din ang magiging buhay ko dito parang sa hospital. Pero unti-unti ko nang nababawi lahat ng mga sandaling sinayang ko sa pagiyak at pagmukmok. Hindi ko pa din masasabing masaya na ako pero may saya na sa mga labi ko. Malaking tulong para sa akin ang paglipat dito sa bahay. Ang pagleave nina mama at papa sa trabaho para makabonding ako. At ang pagpapapasok ko kay Harry sa buhay ko. Naguusap da din kami araw-araw ni Shejun. At masaya siya para sa'kin na unti unti na akong kumakawala sa nakaraan ko.

Nasa hapagkainan kami ngayon habang iniisip ko kung paano kaya kung matagal na akong pinalaya nina mama at papa sa hospital? Siguro matagal na akong naghilom at nakalimot sa nakaraan. Pero hindi ko sila masisisi dahil pagkatapos ng nangyari mas natakot sila na makita ko ang labas at ang kapahamakan na maaaring maidulot nito sakin.

“Siya nga pala tumawag yung University may Orientation daw mamaya lahat ng mga senior high na transferees, ” aniya ni papa. Hindi ko alam na natuloy pala ang pagenroll samin pagkatapos ng nangyari.

“Pa? Sigurado ka ba, papapasukin niyo pa din ako? Baka kase may masaktan na naman dahil sakin tsaka sigurado ako ma, mamumukhaan ako ng mga studyante dun pagpasok ko. Kase ang daming nakakita ng nangyari, may mga posts pa sa twitter tungkol sakin, ” pagaalinlangan kong tanong.

“Anak, kaya nga nandyan si Barry para tulungan ka. Tsaka nakikita na namin na unti-unti ka nang nagiging komportable sa kaniya. Matututunan mo din maging komportable sa ibang tao. Tsaka pwede ka naman naming padalhan ng body guard kung gusto mo. Eto na lang kase talaga ang naiisip naming paraan ng mama mo para maging normal ang buhay mo, ” pagpapaliwanag ni papa.

“Tito, ako na po tatayong bodyguard ni Marie. Wag kang magalala Marie, hindi ko hahayaan na masaktan ka o makasakit ka ng iba, ” aniya ni Harry.

“Baliw ka ba? Muntik ka ng mamatay dahil sakin!, ” di ko pagsangayon kay Harry

“Wala ka namang kasalanan dun! Tsaka hindi na din naman ako papayag na masaktan mo ako. Pramis! hindi ko na ibubuwis ang buhay ko. Magtiwala ka lang sakin at sa powers ko,” pagpipilit pa niya at kinindatan pa ako ng timang na to. Akala yata marupok ako sige na nga.

“Sige na nga, wala naman akong laban sa inyo! Lagi niyo na lang akong pinagtutulungan!” pagdadabog kong tinapos ang pagkain ko at umakyat na ng kwarto ko.

Nakakainis talaga yung Harry na yun. Masyadong feeling close, pinapasok ko lang naman siya sa buhay ko. Di ko sinabing tumambay siya!

Naligo na ako at nagbihis. Noong unang punta namin sa University, nakita ko na halos lahat ng babae dun ay fashionista. Kaya naman di ako magpapatalo, nagmana ako kay JUSMEYO MARIMAR VLOGS ng style sa pananamit. Ootd ulit, nakapuff sleeves ako na top at tinernohan ko ng mini skirt na medyo mahaba at nagflat shoes na lang ako para di ako pagewang gewang. Suot ko din yung necklace ko na may pangalang Marie, katulad to nung necklace na Marimar ni JUSMEYO MARIMAR VLOGS. Nasabi ko kase dati kay mama na gusto ko ng ganun. Uso din ngayon yung mga hair clips kaya naglagay din ako, maikli kase ang buhok ko kaya tanging yun na lang ang nagsisilbing style ng buhok ko.

Nagmirror shot muna ako at inupload ko sa story sa instagram. Ieexit ko na sana ang instagram sa phone ko ng may nagreply sa story ko.

@insta_marimar.yt
Omg! same necklace tayo malapit lang din pangalan natin #twinning

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now