Bonus Chapter : Life After Years

8 6 0
                                    

Barry's Pov :

After 5 years...

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Marie habang nagtitingin ng mga litrato namin sa phone ko, yung mga litrato habang nasa hospital kami. Limang taon ko nang tinititigan ang mga ito bago matulog. At hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala kung paano ito nakuhanan ng phone ko. Matutulog na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Marie charot nakita ko si tito at si tita. Mukhang makikitulog din sila dito sa kwarto ni Marie.

“Oh iho, nandito ka din pala dito sana kami matutulog ng tito mo eh pero okay lang nauna ka naman.” sabi ni tita sa'kin.

“Okay lang po tito, tita kayo na lang po muna dito, isang linggo na rin po ako natutulog dito eh! sabi ko naman sa kanila.

“Ano bang pinagtatalunan niyo eh pwede naman tayong matulog ditong tatlo!” sabi naman ni tito.

“Ikaw tito ha gusto mo talaga akong kasama matulog no? Charot tito dun na lang ako sa sofa bed. Kayo na lang po sa kama!” pagsabi ko sa kanila at tumayo na sa kama habang patungo sa sofa bed.

“Iho, phone mo ba ito? Tsaka ano tong mga litrato niyo ni Marie sa hospital? Kailan ito?” sabi ni tita habang tinuturo ang phone ko na naiwan ko sa kama ni Marie. Lumapit ako at kinuha iyon.

“Ah opo tita, tito, di nga rin po ako makapaniwa noong nakuhanan siya ng phone ko. Tapos hanggang nagyon wala pa rin pong nagbabago diyan. Hindi katulad sa mga napapanuod ko na teleserye na hindi nakukuhanan ng litrato ang ispiritu at kung nakuhanan man nagbabago ang itsura nito!” namamanghang pagpapaliwanag ko kay tito at tita

“Ang daya naman bakit hindi kami naniwala sa'yo na nakikita mo siya. At nagpadala pa talaga kami ng psycologist lagi sa'yo dahil akala namin ay may schizophrenia ka. Sayang naman kung naniwala kami baka nagpakita din siya sa'min!” naiiyak na sabi ni tita. Nilapitan naman agad siya ni tito akala ko ay icocomfort siya nito pero sabay lang silang nag-iyakan. Madalas ay ganito talaga kami sa bahay kapag may umiyak na isa ay maiiyak na kaming lahat.

“Tito, tita wag na kayong umiyak nasa tabi niyo naman si Marie ngayon, hanggang ngayon po ay nakikita ko pa din siya. Nandiyan po siya sa tabi niyo nakakikiyakap sa inyo!” pananakot ko naman sa kanila. Dali-dali silang tumayo at tumakbo papunta sa'kin.

“Anak, joke lang naman wag mo naman kaming tatakutin!” sabi ni tita ng takot na takot.

“Joke lang din po tita HAHAHAHAHA! Paano na lang po kung nagpakita din talaga sa inyo si Marie noong mga oras na yun edi baka nahimatay na kayo sa takot!” pagbibiro ko sa kanila.

Bumalik na sila sa kama ni Marie. At natulog na kaming lahat.

After 10 years...

“Barry Art Gardoce! Suma Cum Laude!” tawag sa'kin ng speaker.

Graduation Ceremony na namin ngayon. Umakyat na ako sa stage habang tinatanggap ang aking diploma at certificate. Kasabay ko ding umakyat si Tito para magsabit sa'kin ng mga medalya ng aking mga academic awards.

“Proud ako sayo. Sigurado akong proud din si tita mo, mama mo, papa mo, lalong lalo na si Marie habang sabay sabay ka nilang pinapanuod ngayon.” sabi sa'kin ni tito habang pigil ang pagiyak niya. Iniwan na din kami ni tita noong isang linggo. Hindi pa sana pupunta si tito dahil ngayon ang libing ni tita. Kaya lang nagpumilit siya na bukas na lang ituloy ang libing ni tita. Dahil hindi siya papayag na walang aakyat sa'kin sa stage.

“Salamat tito, proud din po sila sa inyo. Dahil ikaw ang nagpaaral sa'kin at ikaw na lang ang nanatili sa'kin.” sabi ko din kay tito habang pinipigil ang pagpatak ng luha ko.

Pagkatapos nun ay bumalik na si tito sa upuan niya. At ako naman ay dumiretso sa pulpit para sa sa aking graduation speech.

“Bago ako magsimula sa speech ko. Gusto ko munang sabihin sa inyo na inaaalay ko ang lahat ng mga sertipikasyon at medalyang nakasabit sa'kin ngayon sa babaeng pinakamamahal ko, sa mama ko, sa papa ko at sa pangalawa kong ina na nagpapahinga na habang pinapanuod ako ngayon. At pati na rin sa aking pangalawang ama na nagiisang taong nanatili sa tabi ko.”

“I have a lover, she's now resting somewhere I don't know about. But one thing that she taught me is to face my fears. Before I don't really know the meaning of fear because I was fearless. Until I learned that fear can only mean two things, it's either FACE EVERYTHING AND RUN OR FACE EVERYTHING AND RISE. I chose to rise even if my greatest fear was letting her go. But nevertheless what ever your fears are choose to rise and face it. Don't ever live your life with fears because one day you'll realise that you shouldn't be afraid because it's not scary at all. Some of you might be scared to finally get out of school and work. Some of you might be scared to leave something behind here at school, those memories of friends, studying, cheating and all that fun stuffs. Some of you might be scared to change, mature and have a family. But when you start overcoming your fear and don't let it eat you alive. You'll see the greatest worth of life. HAPPINESS.”

Pagkatapos kong magspeech nagpalakpakan naman ang mga estudyante at mga guro at panauhin. Habang tumitingin ako sa taas at sa audience kung paano kaya kung nandito talaga silang lahat para panuorin ako. Alam kong proud sila sa'kin pero mas magiging proud ako sa sarili ko kung nandito sila mismo at pinapalakpakan din ako.

After 20 years...

Isa na akong ganap na doktor sa hospital nila tito at tita. At hulaan niyo kung sino ang pasyente ko ngayon, si TITO. Dala na rin ng katandaan, isang araw noong pumasok ako sa opisina niya para yayain siyang kumain, nadatnan ko siyang nakaratay sa sahig at wala ng malay. Magiisang linggo na rin si TITO na pasyente ko. Nasa tabi niya ako ngayon hindi bilang doktor niya, kundi bilang pamilya niya.

“Barry, anak wag mong iisipin na kapag umalis na ako ay iniwan ka na naming lahat. Lagi mong tatandaan na hindi ka mag-isa.” sabi sa'kin ni tito habang pinipigilang umiyak sa sakit.

“Tito, huwag po kayong matakot na magpahinga dahil lang natatakot kayo na maging mag-isa ako. Mahal ko po kayo bilang pangalawang ama ko at bilang huling taong nanatili sa tabi ko.” sabi ko kay tito habang hawak ang kamay niya at pinapagaan ang loob niya.

“Magpakatatag ka lagi para saming lahat. Lagi ka naming tatanawin at proud kaming lahat sa'yo. Ikaw na din  ang bahala sa mansion at sa hospital. Alam kong magiging maayos ang hospital sa kamay mo dahil lagi mo akong pinapanuod kung paano magpatakbo at manang mana ka sa'kin sa pagiging workaholic. Wag ka lang masyadong magpapakaoagod, intindihin mo lagi ang sarili mo dahil wala ng ibang gagawa niyan kundi ikaw. Pero wag mo ding isarado ang puso mo na magmahal ng iba. Kailangan mo ng asawa at mga anak na magmamahal sa'yo. Alam kong maiintindihan ng anak ko at magiging masaya siyang makitang may nag-aalaga sa'yo.” huling bilin nito sa'kin.

“Pakisabi po kay Mama Papa at Tita na mahal na mahal ko po sila. Lalo na po kay Marie. Wag po kayong mag-alala sa'kin ako po ang bahala sa hospital, sa bahay at sa sarili ko. Hindi ko po kayang magmahal ng iba habang mahal ko pa ang anak niyo. Kung dadating ang panahon, gusto ko din pong magkapamilya. Pero kay Marie ko lang po gustong maikasal.” huling sabi ko naman kay Tito bago siya pumikit at nagpaalam.

After 30 years...

Nandito ako ngayon sa harap ng mga taong tinawatag kong pamilya. Ginawan ko ng paraan na magkakatabi ang mga puntod nila dito sa Angel's Hope at ginawan na din sila ng munting bahay. Nagiwan na din ako ng space sa dulo para sa'kin. Handa naman ako kahit kailan na sumama sa kanila.

“Ang daya niyo namang lahat, siguro tinatawanan niyo ko habang nakatingin sa'kin. Dahil hanggang ngayon hindi man lang ako nag-asawa at nagkaroon ng bagong pamilya. Marie, kung naririnig mo man ako hindi ko kayang magpakasal ng hindi ikaw ang papakasalan ko. Kung pwede nga lang pakasalan ang bangkay mo gagawin ko HAHAHHAHAHAHAHAHA. Charot lang honeybunch baka bigla mo kong batukan at tarayan sabihin mo pa na ang korni ko. Hintayin miyo lang akong lahat diyan. Marami na din akong nagawa para maging proud kayong lahat sa'kin. Yun lang naman ang gusto ko. Kahit anong oras niyo ako sunduin sasama ako. Basta wag naman yung naliligo ako HAHHAHAHAHAHHA!” pagbibiro ko pa sa kanila habang nagmumukhang baliw sa pagtawa mag-isa.

I was left but I lived with memories of them till the chain of memories breaks.

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now