Chapter 7

15 8 0
                                    

Barry's Pov :

You can break down a woman temporarily. But a real woman will always pick up the pieces, rebuild herself, and comeback stronger than ever. A shy girl with grace is like a loaded gun with scope. Paint me a picture with your true colors.

Pagkatapos ng Orientation ay napatahimik ako. Iniisip ko pa din yung TAKOT na tinutukoy ni JUSMEYO MARIMAR VLOGS sa talk niya. Kitang kita ko din sa mata niya habang nagsasalita siya yung mata ni Marie na puno ng takot. Hindi ko pa din alam yung buong nangyari kay Marie kung bakit siya nagkaroon ng trauma o kung bakit siya bigla bigla na lang maiiyak, ano yung kinatatakutan niya bakit siya takot? Hindi ko alam kung bakit masyado akong naging curious sa kaniya simula kanina nung inabutan ko siya ng panyo. May something sa kaniya na tinatago niya sa lahat at gusto kong malaman yun.

Gusto ko siyang makilala ng lubusan. Kaya mas pinipili kong tingnan siya ng malalim kesa sa kung ano lang yung pinapakita niya sakin. Alam ko tinatarayan niya lang ako para pagtakpan yung tunay na siya. O baka di niya din kilala yung sarili niya. Kaya siya nagpapanggap na iba. Ewan ko mababaliw na ako pwede ko naman siyang tanungin na lang pero ayaw kong biglain na magopen siya sakin. Ayaw ko ding itanong kina tito at tita dahil gusto kong ako mismo ang makaalam. Gusto kong makilala ko siya dahil gusto niyang magpakilala sakin. Hindi dahil pinilit ko siya o tinapakan ko yung privacy niya.

Pero hindi ko rin maiwasang isipin ako kaya? Ano yung kinatatakutan ko? Nakikita din ba ng iba sa mata ko pagnatatakot ako? Wala pa akong naaalala na natakot ako. Hindi ako natakot nung nawala sakin si mama at papa. Hindi dahil hindi ko sila mahal kundi dahil hindi nila ako pinalaki sa takot. Pinalaki nila akong kasama nilang nakikipagsapalaran sa kalupitan ng mundo. Siguro kaya wala akong takot o hindi ko pa alam kung ano yung kinakatakutan ko? O baka di pa ito nadating?

Nasa gitna ako ng pagiisip ng may biglang kumatok sa pinto ko. Tumayo ako agad para buksan ito at nakita ko si Marie na parang nagsisisi kung bakit siya kumatok sa pinto ko. Pinakiramdaman ko muna kung magsasalita siya pero hindi. Nakatingin lang siya sa baba na parang nahihiya.

“Oh, ikaw pala Marie miss mo na agad ako noh? HAHAHHAHAHAHHAHHAHAHHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHHA!” pagbibiro ko sa kaniya para mawala naman yung awkwardness sa paligid.

“Kapal mo! May kailangan lang ako sayo! yung picture namin ni JUSMEYO MARIMAR VLOGS!” pagtataray na naman niya.

“Ah, wait kukunin ko lang yung phone ko” medyo nadisappoint ako sa sinabi niya kase akala ko magpapasalamat siya sa pagabot ko ng panyo sa kaniya kanina.

“Pwede bang pumasok?” nahihiya niya pang tanong sus! sabi na eh pakipot lang to charot.

“Sige pasok ka hindi naman ako nangangagat pwera na lang kung gusto mong kagatin kita HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHA!” pagbibiro ko sa kaniya. Sinamaan lang niya ako ng tingin tas inabot sakin yung cellphone niya. Nagulat ako pagkuha ko may nalalaglag yun yung panyo na pinahiram ko sa kaniya. Sabi na eh pumunta siya dito para magpasalamat sakin. O assuming lang ako.

“Napakalalay mo naman! Ayan na nga yung panyo mo! Kung naghihintay ka ng Thank You narinig mo na!” pagtataray niya pa. Ang cute niya pagnagkukunwaring galit siya. Di ko mapigilan mapangiti.

“Walang anuman love!” sabi ko sa kaniya sabay abot na din ng cellphone niya dahil tapos ko na maipasa yung mga picture. Ay shit! Naisama ko yung kami lang dalawa! Aabotin na sana niya yung cellphone niya ng bigla kong hinigit ulit yun. Pero nakalock na, may password pa!

“Akin na nga yang cellphone ko ano bang ginagawa mo?” kinuha na niya yung cellphone niya at lumabas na ng kwarto ko.

Shet paano na yun baka isipin niya sinadya kong ipasa yun sa kaniya!

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now