Chapter 9

15 8 0
                                    

Marie's Pov :

For the first time I felt genuinely happy. For the first time someone dared me to get out of my comfort zone and face my fears. All my life I've been living in fear. The fear of letting people in my life and leave them behind in the end. The fear of not being there for them, like they were there for me. I justified myself that it's better to die with fear, than die with people crying for me. But now I'd rather fight and live with people with smile in our faces. He's one of the people I want to live with. I want him to remember me as a happy and cheerful girl that my parents told him about. Not the girl with trauma. Or the girl that is dying. Nor the girl who fears to love. But the girl who's fearless when it comes to love.

Buo na ang loob ko na papasukin siya ng tuluyan sa buhay ko at sa puso ko. Siyempre hindi ko pa din ipagpapalit si bebe Shejun ko. Pero sabi nga din sakin ni Shejun balewala kung nakalaya nga ako sa hospital, pero nakakulong naman ako sa puso niya charot. Hindi ko daw pwedeng ikulong yung sarili ko sa kaniya lang, gayong maraming taong gustong pumasok din sa buhay ko. Sabi niya sakin mas gugustuhin ng mga tao sa paligid ko na makilala ako at makita akong masaya, kesa lumayo sila dahil lang nalaman nila na mawawala din ako.

Akala ko pinagtutulakan lang niya ako sa iba dahil sawa na siya sakin. Pero narealise ko na katulad nina mama at papa gusto niya din akong sumaya. Alam niya lagi kong sinasabi sa kaniya na masaya ako kapag kausap siya, na kuntento na ako sa kaniya. Sabi niya sinasabi ko lang daw yun dahil siya lang ang meron ako, ngayong may iba nang gustong pumasok sa buhay ko narealise ko na tama siya. Kaya simula ngayon susubukan ko ng maging masaya at magkaroon ng mga kaibigan. Kalimutan na mawawala din ako, at isipin lang yung mawawala sakin kapag hindi ko sinubukan. Gagawin ko to para sa sarili ko at mga taong gusto akong makitang masaya.

Barry's Pov :

Bukas na ang first day of school namin ni Marie. Ibang iba na si Marie simula nung gabi na nagyakapan kami yieeehhh harot. Kumpara dati masasabi ko na mas gumanda siya ngayon, dahil lagi na siyang nakangiti. Pagnagkakasalubong kami dito sa bahay di na niya ako tinatarayan. Mas naging maaliwalas at glowing siya lalo na pagtumatawa siya. Pinakilala ko din siya sa mga kasambahay at guard namin dito sa bahay. Nung unang araw ko kase dito, pinakilala ako nina tito at tita sa mga kasama namin dito sa bahay. Naging close ko agad sila dahil lagi ko silang tinutulungan. Wala kase lagi si tito at tita, wala pa din dito si Marie nun kaya wala akong magawa. Katulad ko naging close na din si Marie sa kanila. Natutuwa nga sila dahil nginingitian na sila ni Marie pagnakikita sila at tinutulungan minsan kapag wala siyang ginagawa. Dati kase ay dinadaan lang niya ang mga ito at hindi kinakausap.

Pati ang asong nakatali sa guard house ay naging close na din niya. Matapang ang aso na yun, mukha lagi siyang mangangagat. Pero pag nakikita niya si Marie na palapit sa kaniya para pakainin siya hindi mapakali ang buntot niya at nagiging maamo ang mukha niya na parang nginingitian si Marie. Lagi rin itong nagpapalambing at nagpapabuhat kahit ang bigat niya. Natatawa na lang ako pagnakikita kong buhat ni Marie yung aso na yun dahil mukhang mas malaki pa sa kaniya HAHAHAHHAHA.

Bukod don lagi ko din siyang nakikitang nagdidilig ng mga halaman sa garden. Katulad ngayon kanina ko pa siya gustong lapitan at kausapin kaso baka yakapin ko lang siya kase tuwing nakikita ko siya naaalala ko yung magkayakapan kami at gusto ko ulit maulit yieeehhh. Nahihiya nga din ako kase baka naramdaman niya yung bukol ko nun sa ano hahahahahah charot hindi ako manyak at hindi spg ang story na ito kaya manigas kayo.

“Ang creepy mo kanina mo pa ko sinusundan ng tingin. Crush mo ba ako?” nagulat ako ng bigla siyang naglakad papunta sakin. Shet baka eto na yun spg na to charot.

“Ang ganda mo kase. Char sis sabi ko sayo diba di tayo talo! Bawal kang mafall sis!” pagbibiro ko sa kaniya. Nagulat ako ng bigla niyang tinapat sakin yung hose na pinandidilig niya sa mga bulaklak.

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now