Chapter 4

17 7 0
                                    

Barry's Pov :

What doesn't kill you, makes you stronger? Life is unpredictable yet its controllable. Just like the road, you can't predict any accident that will happen. Meanwhile in life, accidents are like challenges. We can't predict any challenges that will come in our life. But we can control how to handle it. Life is a gift wake up everyday and realise that.

Kausap ko lang si tito sa cellphone ng mapatingin ako kay Marie. Tutusukin niya ng pangturok yung nurse dito sa clinic. Napasigaw na lang ako ng pangalan niya at niyakap siya. Sinadya kong yakapin siya para ako ang tusukin niya. Alam kong natrauma na naman ulit siya kaya siya nagkaganiyan. Pag yung babae ang tinusok niya at may nangyaring masama sa babae baka ipademanda sila ng pamilya nung babae. Alam kong mayaman sila pero hindi magagawang perahan ni tito yung pamilya ng babae kung sakali. Pag ako yung tinusok niya pag may nangyaring masama sakin walang magdedemanda sa kaniya.

Wala na akong mga magulang. Hindi ako umaaktong masaya dahil napipilitan ako. Masaya ako kase alam kong kahit nasaan ang mga magulang ko mahal nila ako at gugustuhin nila akong makitang masaya. Kaya lagi akong nakangiti at tumatawa dahil alam kong pinapanuod nila ako kung saan man sila naroon. Ayokong makita nila akong malungkot o umiiyak dahil sa kanila. Kaya kung may mangyari mang masama sakin ngayon. Di ako magagalit kay Marie. Nginitian ko pa siya nung bumalik siya sa sarili niya at sinagot ang papa niya. Narinig ko pa ang sinabi ng papa niya na wala nang magaalaga sakin kapag may nangyaring masama sakin. Alam ko kaya mas pinili ko na lang pumikit at magdasal na sana may mangyaring masama sakin para makasama ko na ulit ang mga magulang ko.

Pero sabi nga nila ang masamang damo ay matagal na nabubuhay...

Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Nung una inisip ko kung patay na ako. Pero nung mas luminaw ang paningin ko nakita ko na nasa ospital lang pala ako, sayang magrereuninion na sana kami ng mga magulang ko eh.

Naalala ko nung bata pa ako nadengue ako kaya tinakbo rin ako sa hospital na to. Pero nung panahong yun nasa tabi ko sa mama at hawak ang kamay ko. Pero ngayon tama si tito wala nang ibang magaalaga sakin kundi sarili ko na lang. Wala na si mama sa tabi ko. Magulat tayong lahat kung nandito pa siya HAHAHHAHAHHA charot. Di pa din ako iiyak kahit anong mangyari. Inisip ko na lang yung mga masasayang araw na kasama ko si mama at di ko napigilang tumawa. Nakakatawa kase si mama pareho kaming joker HAHHAHAHHAHA.

Bigla na lang bumukas ang pinto at nakita ko si Marie, joke si Tito ang nakita ko HHAHAHAHA malamang nakaconfine din si Marie.

Umupo si tito sa tabi ko at hinawakan ako. Naku eto si tito napapansin ko may crush yata to sakin kaya sobrang bait niya sakin HAHAHAHHA joke ulit. Nakangiti pa din ako sa kaniya.

“Barry pasensya ka na kay Marie ha, sabihin mo lang kung ayaw mo na kaming makita, hindi na namin ilalapit si Marie sayo. Alam mong hindi ako nagsusuhol ng pera pero Barry kapag nanatili ka pa sa bahay baka kung ano pang mangyari sayo kaya sabihin mo lang sakin ibibili na lang kita ng sarili mong condo o papadalhan na lang kita buwan buwan ng renta sa apartment kung saan mo gusto dadalawin naman kita dun tsaka ni tita mo kung ayaw mo na din tulungan si Marie sa school okay lang bibigyan na lang kita ng scholarship kahit saang school mo gusto tas paggraduate mo magdoctor ka na lang sa hospital. Wag ka lang magalit kay Marie. ”, pagmamakaawa ni tito sakin habang umiiyak siya. Sa totoo lang proud ako kay tito kase kahit lalaki siya nakakaiyak siya. Ako hindi.

“Tito hindi naman talaga ako galit sa anak niyo eh, pati sa inyo. Bat naman ako magagalit sa inyo. Kayo pa nga ang kusang nagalok sakin na tulungan ako eh. Tsaka hindi naman po kasalanan ni Marie yun. Hindi niya kasalanan yung mga pinagdadaanan niya. Kailangan lang po nating intindihin siya. Sus, wala pa po sa kalingkingan ng sakit na nararamdaman ko ngayon ang sakit na naramdaman niya buong buhay niya. Ako po ang pumiling yakapin si Marie para ako ang tusukin niya. Ayoko pong sarili na naman niya ang masaktan niya o kaya yung babae. Pag yung babae ang nasaktan niya may pamilya po yun na magaalala sa kaniya, baka ipademanda niya po kayo. Alam ko pong kahit mayaman kayo di niyo susuhulan ng pera ang pamilya niya. Kaya kung ako lang po wala kayong problema, wala na kayong pa kakainin, patitirahin at pagaaralin wala na din naman pong magaalaga sakin kaya okay lang po, ” nakangiting sabi ko sa kaniya.

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now