Chapter 17

17 6 0
                                    

Barry's Pov :

I've always been fascinated to honour our moments and make room for new ones. The time we spent together made all the differences in the world. It feels surreal but I believe that what we have is real. Forever isn't the right word rather, I found eternity in each moment with you. If there's one thing that I learned, it's that nobody is here forever. The only forever we have is right here, right now. I'll always choose to look at you as if I'm seeing you for the first or the last time, so your time on Earth will be filled with glory.

The day after yesterday...

Nagising ako kagabi ng saktong 12:00 am sa birthday ni Marie. Pagkagising ko ay gising din siya. Simula nang bumalik kami sa hospital ay hirap na siyang makatulog kaya siguro gising pa siya. Kinulong ko siya sa mga yakap ko at hinalikan sa noo. Bago ko siya bulungan ng isang happy birthday. Sinubukan kong maging lowkey para hindi niya mapansin na may surprise ako sa kaniya pagsikat ng araw.

“Happy Birthday Honeybunch! I love you!” pagbati ko sa kaniya habang nilalaro ang mga buhok niya. Mas lumapit siya sakin at bumulong ng...

“Thank you Honeybunch! I love you too!” pagpapasalamat niya sakin habang pinipisil ang mga pisngi ko.

“Anong regalo mo sakin? Charot okay na sakin na kasama kita sa birthday ko!” pagbibiro niya sakin.

“Hahaha wag kang ganiyan eto na lang regalo ko sayo!” sabay kiss sa mga labi niya. Shet alam na ang kasunod hahaha charot.

“ Barry, thank you so much! You're one of the reasons why I'm happy and why I'm trying to be happier everyday. I will never regret loving you! Feeling ko kung hindi kita nakilala, di ko makikita kung gaani kasya yung buhay. Kase ikaw yung happy go lucky na tao and lagi mo kong minomotivate na maging masaya. Sobrang laking tulong mo sakin para makilala ko yung sarili ko at di magpadala sa mga takot ko. From Marie na tahimik, malungkot, takot at laging nakamukmok. Naging Marie na masiyahin, palatawa at ngumingiti na sa iba. And its all thanks to you! I love you so much!” sabay yakap niya sakin ng mahigpit at tago sa dibdib ko na parang nahihiya siya sa dami ng sinabi niya. Ang kyot talaga ng baby ko parang mahiyaing mapapangasawa ko! Shet, kinakabahan na tuloy ako sa pagpropose ko sa kaniya.

“Thank you din Marie! Simula ng makilala ko ang tunay na Marie na sweet at mabait na maraming kinatatakutan sa mundo, sinabi ko sa sarili ko na di ako titigil na pumasok sa buhay mo at sa puso mo. Para gabayan ka at alalayan na makita ang saya ng buhay. Pero di ko naman alam na ako lang pala ang kasiyahan mo! Ikaw ha! HAHAHHAHAHAHHA!” panlalambing ko pa sa kaniya. Natawa na lang din siya at di ko na namalayan na nakatulog na ako.

At eto na nga, ngayon na nga ang pinakaiintay kong mangyari.

“Saan ka pupunta? Sasama ako sayo!” tanong sakin ni Marie dahil pasimple akong lalabas sana ng kwarto niya pero napansin pa niya ako. Eto talagang baby ko ayaw talagang mahiwalay sakin kahit sandali lang.

“Ah eh sa kwarto ko lang! Maliligo lang ako at mag-aayos! Ikaw din maligo ka na at mag-ayos para naman fresh ka sa birthday mo. Charot lagi ka namang fresh sa paningin ko. Fresh na isda na kakabingwit lang sa dagat! HAHAHAHAHHAHA!” pagbibiro ko sa kaniya.

“Diyan ka lang honeybunch ah wag kang aalis ng kwarto mo hangga't di ako dumadating!” pagbibilin ko sa kaniya at lumabas na ng kwarto niya at pumasok sa kwarto ko.

Ngayon na lang ulot ako nakapasok sa kwarto ko. Tama nga yung sinabi ni tita na wala silang ginalaw at binago sa kwarto ko. Naligo na ako at nagbihis. Suot ko ang puting amerikana at slacks na binigay sakin ni tito. Hindi ko iniexpect na bibigyan ako ni tito ng ganito. Ang plano ko lang kase ay simpleng party at proposal. Nakita ko lang na may box sa kama ko at ng buksan ko ito ay, namangha ako. Siguro minsan na nga lang mangyari ito ay gusto din naman ni tito na maging elegante ako para sa anak nila.

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now