Chapter 20

13 6 0
                                    

Barry's Pov :

Tears dried. Pain diminished. Memories never faded. I'm no perfect. But stories are much better with a hint of imperfection. Single and living my best life. You're such a dream to me. Table turns, bridges burn ya live and ya learn. There's a hole in my heart where you used to be. And it will never be filled up until you come back.

August 5, 2021...

Nagising ulit ako sa kwarto ko. Hindi ako makapaniwala dahil parang nauulit lang ang mga nangyayari. Tumingin ulit ako sa phone ko at nakita ko ang petsa. August 5 pa din ngayon pero 2021 na. Dalawang taon pagkatapos mawala ni Marie. Pero ngayon sigurado na ako na hindi panaginip ang lahat. Kinapa ko ang kwintas sa leeg ko at suot ko pa din yun. Tumingin ako sa gilid ng kama ko at nandun pa rin ang box ng kwintas at ng buksan ko yun nandun pa rin ang sulat.

Totoo ang lahat ng nangyari. Totoo ang mga ala-ala ko. Totoo na nagkasama kami ni Marie ng isang taon pero kaluluwa na lang siya. Totoo na nagpropose ako sa birthday niya at hindi niya yun tinanggap. Totoo na nagbulag-bulagan ako sa katotohanan na wala na siya, kaya pilit kong tinatatak sa isip ko na totoo siya. Totoo rin yung nangyari nung umagang nawala siya. Naaalala ko na ang lahat ng totoong nangyari nung gabi na hinalikan niya ako ng ng punong ouno ng pagmamahal hanggang maubusan siya ng hangin.

Hindi totoong sumunod sa pagsugod sa kaniya sa hospital. Nagpaiwan ako dahil ayaw ko at natatakot akong malaman na hindi na niya kinaya. Na hindi na siya umabot pa. Kaya nagkulong ako sa kwarto ko habang inuubos ang luha ko hanggang makatulog na ako. At yun na nga paggising ko inisip ko na nananaginip lang ako. Ayaw kong tanggapin ang lahat at pagpasok ko sa kwarto niya nakita ko ang box na may laman ng kwintas at sulat. Dali-dali akong pumunta sa hospital at dun ay nakita ko siya ng buhay pero wala ding ilang minuto ay nagpaalam na siya.

Pero hindi ko pa rin tinanggap kinabukasan nun bumabalik at bumabalik pa din ako sa hospital at dun ko nakikita ang kaluluwa ni Marie. Noong una ay hindi rin ako makapaniwala na nakikita ko siya. Akala ko nagdedelusyon lang ako. Maging si tito at tita ay hindi naniniwala na nakakasama ko si Marie kaya lagi silang nagpapadala ng doktor sa kwarto ko. Nadiagnosed pa ako ng schizophrenia. Kaya isang taon din ako sa hospital kasama si Marie.

Hindi ako hinahayaang makauwi nina tito at tita hanggang hindi daw ako gumagaling. Nakiusap lang ako sa kanila nung birthday ni Marie. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong sakit. Matino ang pag-iisip ko. Talagang totoo lang talaga ang mga nakikita ko at nararamdaman ko.

Patunay dun ang mga batang nakakalaro namin sa playground. Katulad ni Marie ay kaluluwa na lang din sila. Sila yung mga iilang bata na namatay sa hospital, hindi pa sila makaalis dahil hindi pa sila nakakapagpasalamat kina tito at tita sa palaging pagbisita sa puntod nila. At sa pagsisisi sa kanilang mga sarili na kung mas lalo pa nilang ginawa lahat ng makakaya nila ay baka nabuhay pa ang mga ito. Yun ang dahilan kung bakit sila lang ang pumapansin kay Marie sa hospital dahil pare-pareho na silang mga kaluluwa na lang. Pero nung araw na hindi na namin sila nakita sa playground yun ang araw na tuluyan na silang umalis. Dahil dun natakot ako na baka tuluyan na talagang umalis si Marie.

Kaya kahit alam ko na ang lahat, ayaw ko pa ring tanggapin dahil pagnalaman niya na alam ko na ang rason kung bakit hindi pa siya umaalis, aalis na siya. Dahil hindi na siya pwedeng manatili pa rito. Alam kong naging makasarili ako. Dinepende ko yung sarili ko sa kaniya kahit alam kong aalis na siya. Paulit ulit ko siyang pinigilang lumaya at magpahinga. Pero nakita ko rin kung gaano siya kasaya at kabuhay nung isang taon na yun.

Kaya wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari at alam kong wala din siyang pinagsisisihan sa mga nangyari. Nahirapan kaming harapin ang mga takot namin pero dahil magkasama naming hinarap yun. Mas naging worth it yung mga paghihirap namin.

At ngayon pinagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko dahil yun ang pareho naming pangarap ang mabuhay ng normal kahit na maraming pagsubok ang dumaan sa amin.

Nasa Angel's Hope ako ngayon at nakatapat sa pangalan ni Marie. Kasama ko ang may suot ng susi sa padlock na binigay sa'kin ni Marie. Nagulat din kami pareho ng malaman namin na pareho kaming binigyan ni Marie ng kwintas at ng sulat.

“Pre! baka tayo talaga ang nakatadhana para sa isa't - isa! HAHAHAHAHHAHAHAHA!” pagbibiro ko kay Shejun.

“Sira! hindi tayo talo HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA! Straight ako no!” pagbibiro din naman niya sa'kin.

Nagtawanan lang kami ng nagtawanan habang walang sawang nagkwekwentuhan tungkol kay Marie. Nagpapagalingan pa kami kung sinong mas nakakakilala kay Marie.

“Pre, talo ka na! Mas kilala ko si Marie, lahat kinikwento niya sa'kin pati pagtae niya! HAHAHAHHAHA!” pagbibiro ulit niya.

“Hindi ako magpapatalo kase ako kahit wala siyang kinwento sa'kin kilala ko na siya. Sa mga mata pa lang niya kilala ko na siya! Madaya ka kase kinikwento yung sa'yo akin kinikilala ko talaga siya!” hindi ako nagpatalo sa kaniya.

“Inggit ka lang pre kase sa'kin lang siya nagkwekwento hindi sayo! HAHAHHAHAHAHAHAHA!” pambibwisit naman niya sa'kin.

“Bakit naman ako maiinggit eh ako ang pinili niya? HAHAHAHHAHA!” pambibwisit ko din sa kaniya.

“Weh? Pareho lang niya tayong hindi pinili! Sarili niya ang pinili niya! Alam mo kung bakit? Kase kung pinili ka niya kakalimutan na niya ang kasiyahan at kalayaan na nagiintay sa kaniya dun. Kilala ko magmahal yan si Marie, pagnagmahal siya mas mahal niya pa sa sarili niya. Kaya proud nga ako sa kaniya na pinili niya yung sarili niya!” sigaw naman niya sa'kin habang pinag-iigitan ang punto niya.

“Oo nga! Tama ka! Hindi na dapat natin to pinagtatalunan kase masaya na siya at malaya na siya. Ang mahalaga lang naman masaya din tayong dalawa yiehhhh char lang pre ah baka mafall ka!” pagbibiro ko naman sa kaniya.

“Sus! Baka ikaw mafall sa'kin mas minahal kaya ako ni Marie kesa sayo! Joke lang pre baka ako ang isunod mo sa kaniya! HAHAHAHAHHAHA!” pambibwisit niya ulit part 2.

“Ano naman? Minahal ka lang naman niya ako mahal niya pa din ako! Diba honeybunch? Mahal mo pa din ako? Kahit saan ka magpunta? Dito ka pa din naman nakatira sa puso ko diba? HAHAHAHHAHAHAHA!” parang sira kong kinakausap yung puntod niya habang tinuturo ko ang puso ko.

Bigla kaming nagulantang ng biglang humangin ng malakas at nadala ako papunta kay Shejun! Lintek na yan si Marie, tinutulak ako sa first love niya! Siguro may iba na siya dun! HAHAHHAHAHAHHAHA charot lang pero may nararamdaman akong kakaiba ng maglapat ang katawan namin ni Shejun! Shet charot lang hindi ito BL SERIES! Mga hangal! HAHAHHAHAHAHHAHAHA!

Those we love and lose are connected in a heart string of infinity. You may be gone from my sight, but you're never gone from my heart. Gone, is the face loved so dear. Too far away to sight or reach. But never too far to thought and reach. Lift up a smile cause she's already in paradise. When you lose someone you love, you gain an angel you know.

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now