The Prize : We Meet Again

12 6 0
                                    

Sometimes we're tested not to discover our weakness but to discover our strength.

Noong una talaga akala ko pagnawala siya sa'kin yun ang magiging kahinaan ko. Natakot ako na baka mabuhay ko din ako ng puno ng takot gaya noong bago niya ako makilala. Natakot ako na baka katulad niya ay may makilala din akong tao na gagabay sa'kin at maging masaya kahit wala na siya. But then I realised she wasn't my weakness, she became my strength. Pagkatapos ng nangyari I never hide my feelings again. I always cry whenever I think that I'm alone. But then I always here a voice somewhere saying that...

“You're not alone, I may not be there but I'm always with you. Remember you stole my heart and I let you keep it.”

Tuwing naririnig ko yan, lumalakas ako. Kase alam ko na nakikita niya ako, habang nginingitian ako at namimiss niya rin ako. Alam ko na katulad ko siguro ay naghihintay din siya na isang araw magkita ulit kami at hindi na kami maghihiwalay. Kung iniisip niyo na iniisip ko na sana mas dumali ang buhay ko para magkita na ulit kami, tama kayo. Pero napapaisip ulit ako na siguro kaya siya nahiwalay sa'kin para ako naman yung piliin ko. At alam ko na yun din ang gusto niyang mangyari. Pagkatapos niyang piliin ang sarili niya binigyan niya ako ng rason para piliin ko din yung sarili ko.

And now I'm doing that, I always look up and talk to her, my parents and her parents how my day went, what I did, how I'm trying to live my life to fullest. And I know they're all looking down at me saying that they're proud of me. For going on and doing something for myself.

Kase alam nila kung gaano ko laging ginugustong mapasaya ang mga tao sa paligid ko at sabihin sa sarili ko na masaya na ako makitang masaya lang sila. Pero ngayon natuto na rin akong pasayahin ang sarili ko habang nagpapasaya ng iba.

Time flew so fast. And it's been 60 long fucking years since I let go of my greatest love and fear. No, i never had a girlfriend. And more certainly I don't have a wife.

Nandito ako ngayon sa hospital hindi bilang doktor o namamahala ng hospital kundi bilang isang pasyente.
Isang buwan na din ang nakalipas, simula noong nastroke ako dahil sa pagiging workaholic. Wala na din naman kase akong uuwian sa bahay dahil sobrang sakit na sa bawat sulok ng bahay naalala ko sila tito, tito at Marie. At ang mga oras na nagpaalam sila sa'kin. Kaya mas pinili ko na lang na dito lumagi sa hospital at ipagpatuloy ang trabaho na naiwan ni tito. Ito na rin ang nagsilbing pagbabayad ko ng utang na loob sa kanila at pagpapasalamat sa lahat ng nagawa nila para sa'kin. At ngayon handa na ako. Handa na akong makita ulit silang lahat at sabihin sa kanila kung gaano kaunfair na maiwan kang mag-isa.

Nakawheel chair ako ngayon habang tinutulak ako ng nurse na nag-aalaga sa'kin. Lumilibot kami sa hospital habang nginingitian ko ang lahat ng makikita ko at bumabati sila sa'kin. Sila na ang mga natitirang pamilya ko. Kahit pa noong hindi pa ako nagkakasakit ay lagi nila akong binabati at minsan ay pinupuntahan pa sa opisina ko para dalhan ng pagkain o magpapalibre sila sa'kin ng pagkain hahahahahaha. Pero ngayon hindi na nila kailangang gawin yun dahil maggugoodbye earth na din ako.

Nang makabalik kami sa kwarto ni Marie na kwarto ko na ngayon. Hiniga na ako ng nurse sa kama at pinalabas ko na siya. Gusto ko sanang mapag-isa hanggang mawala ako. Gusto ko lang damhin ang natitirang mga oras ko ng inaalala lahat ng alaala namin sa kwarto na to.

Naalala ko nung una kong naramdaman na may kakaiba sa kaniya. Yung mga araw na pinipilit ko ang sarili ko na mali lang ang mga nararamdaman ko. Nagbubulag-bulagan lang ako sa katotohanan. Hanggang napaisip ako paano kaya kung ako yung mawawala noong mga oras na yun, ganoon din ba ang gagawin niya? Lolokohin din ba niya ang sarili niya magstay lang ako sa tabi niya? Hindi ko na mapigilang umiyak ng umiyak. Mas gugustuhin kong malagutan ng hininga dahil sa pag-aalala ko sa kaniya kesa sa sakit ko.

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now