Chapter 10

14 8 0
                                    

Barry's Pov :

Don't talk just act, Don't say just show. Don't promise, just prove. Love can be unselfish, in the sense of being benovelent and generous without being selfless. Forever is composed of nows. Don't wish for forever when you're not trying now. Don't waste your time or time will waste you.

Pagkalabas ni Marie sa kwarto ko ay nilabasan na din ako charot. Natulog na ako dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na pasukin siya sa kwarto niya at anuhin. Pramis yakap lang naman eh! Pagkagising ko ko nakita ko na uploaded na ang first video niya. Masaya akong pinindot ang video niya at nakita ko na 10k subscribers na agad siya. Namangha ako kanina lang nung nagsubscribe ako sa kaniya 5k pa lang yun. Pero mas namangha ako ng nakita ko na tinapat pala niya sakin yung camera. Kileg ako shet guys ang kyot niya parang masiyahing asawa ko. Magcocomment na sana ako ng may nabasa akong isang comment na nilike niya. Comment yung ng isang lalaki tapos nagreply din siya dun. Ang daming naglike ng comment na yun tapos may mga iba ding nagreply.

“Siya po ba yung tinuro mo sa video?”
“Awww, may nagmamayari na pala sa crush ko. 😭”
“Kinikilig ako ang sweet niyo!”
“Lowkey pero rak!”

Magrereply na din sana ako na ako yung tinuro niya sa video at hindi yung Shejun na yun! Sino ba yun? Ang alam ko wala siyang mga kaibigan sabi ni tito at tita. Imposible namang kamaganak niya yun. Hay! di ako nagseselos curious lang ako!Bat naman ako magseselos wala namang kami!

Makatulog na nga ulit, gabi na din naman wala na akong ganang maghapunan!

Kinabukasan...

First day of school na pero di ako masaya! Napanaginipan ko kagabi na nakikipagkita si Marie dun sa Shejun na yun! Babangon na ako ng biglang may kumatok sa pinto. Tatlong sunod sunod na katok yun ibigsabihin si tita yun.

“Pasok na po kayo tita, ” sabi ko pero nagulat ako ng si Marie ang pumasok.

“Bumangon ka na daw! Sabay na daw tayo bumaba para magumagahan, di ka pa daw naghapunan kagabi! Kinatok din kita kagabi pero di ka sumasagot kaya pumasok na ako. Pagtingin ko tulog ka na kaya di na kita ginising.” sabi niya naman nung una tinatarayan niya ako pero ngumiti din naman siya nung nakitang nakangiti ako sa kaniya. Di ko kase maiwasang mapangiti na kinatok pa niya ako kagabi para sabay kami kumain yieehhh. Alam ko naman na inutusan siya nina tito at tita na gawin yun pero nakakakilig pa din.

“Ah, thank you. Sana ginising mo ako okay lang naman sakin basta ikaw gigising sakin 😉.” kinindatan ko pa siya. Napangiti naman siya tapos nauna na siyang lumabas. Kikiligin na sana ako sa sarili kong banat ng naalala ko na naman yung Shejun na yun. Kailangan ba english tas maikli lang yung line ko para tumugon siya sa banat ko author. Tsk.

Marie's Pov :

Sa totoo lang hindi ako inutusan ni mama na katokin si Barry sa pinto niya para sabay kami bumaba. Kagabi kase habang kumakain kami. Nagtataka ako bakit di pa siya nababa. Sabi ni mama tatawagin na lang daw niya si Barry para sumabay samin kumain. Pero sabi ko ako na lang. Walang sumasagot nung kumakatok ako kaya pumasok na ako nung nakita ko siyang tulog na di ko na siya ginising. Sinabi ko na lang kina mama na tulog na siya baka pagod na kase nagpatulong ako sa kaniya. Kaya naisip kong katokin ulit siya ngayon para sabay na kaming bumaba dahil nagaalala ako baka nagugutom na siya dahil di pa siya naghapunan.

“Oh, nandiyan na pala kayong dalawa! Nakakatuwa naman na parang magkasundo na kayo. Buti naman sumabay ka na samin ngayon Barry, malungkot kagabi ang hapunan. Pupuntahan na sana kita sa kwarto mo, sabi ni Marie siya na lang daw. Kain ka na mukhang napahaba ang tulog mo.” sabi naman ni mama. Halatang nagtataka si Barry, dahil akala niya inutusan ako ni mama na puntahan siya kagabi. Eto naman si mama agang aga ang daldal.

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now