Chapter 11

12 7 0
                                    

Marie's Pov :

Kagabi ko pa pinagiisipan na puntahan si Shejun. Alam ko na malayo yun at kailangan ko munang sumakay ng bus papuntang pier at sumakay ng barko para makita siya. Pero wala akong pake! Ngayon lang ang naiisip kong panahon para makita siya. Walang kasiguraduhan na buhay pa ako bukas o sa isang araw, isang buwan at isang taon. Wala ding kasiguraduhan na paguwi ko buhay pa ako o makakauwi pa ba ako.

I'd rather die because I met him than die not meeting him at all.

I love him not just because he's there for me. But because he saved me at times that I don't want to fight anymore. He doesn't even know that through the little things he's doing for me, listening to my whole life story over and over again, giving me advices, caring for me, supporting me, appreciate me and just by simply talking to me everyday when I have no one to talk to, he saved my life.

He knows everything about me especially the things I've been through. He knew how weak I am. How I can't handle my emotions and blame myself everytime something bad happens. I feel like if I haven't met him, I'm no longer here, I had already gave up and let myself die.

Kaya buo na ang isip ko na puntahan siya. Hindi ko plinano to na ngayon ko gagawin. Ang sabi ko lang sa sarili ko pagmay nakita akong pagkakataon di ako magdadalawang isip. Ginamit ko ang opurtinidad na wala si Barry sa tabi ko at natapunan ako ng juice. Ginawa ko yung excuse para kunware makalabas ng school para bumili ng damit na pamalit. Nagsinungaling ako kay Bon na malapit lang ang bahay namin para di na niya ako sundan. Muntik na akong hindi makatyempo makasakay ng bus dahil sinusundan ako ni Bon kaya niligaw ko siya. Pumasok ako sa isang fast food para makapagpalit ng damit. May dala akong pang-alis incase na mangyari nga ang binabalak ko. Tsaka ako bumalik sa bus stop, buti na lang may napatigil na bus papuntang pier.

Nagsearch na ako matagal na kung paano makapunta sa probinsya nila. Nasa hospital pa lang ako nagiisip na akong tumakas para puntahan siya. Pero di ko magawa dahil simula nung naaksidente ako mas pinaghigpitan na nina papa ang seguridad sa hospital. Kilala ako ng lahat ng nurse, doktor, gwardya sa hospital kaya di ako makalabas. Dun ko nalaman paano sumakay ng bus, nasan ang bus stop, paano makapunta sa pier, paano sumakay ng barko, saan kumukuha ng ticket, basta lahat inalam ko pati magkano magagastos ko.

Matagal na akong nagiipon ng pera para dito kahit nasa hospital ako dati, binibigyan din ako minsan ng pera ni mama at papa. Malaki din ang baon ko ngayon sapat na papunta at pabalik. Nagtext ako kay Barry na wag magsumbong kina mama at papa, babalik din ako bago kami sunduin ni mama. Pinatay ko na din ang phone ko para walang makahanap sakin. Hindi ko magawang mapigilang maiyak habang iniisip kung malalaman kaya nina mama at papa. Nasasaktan ako para sa kanila pag nalaman nila. Sisisihin na naman nila ang sarili nila at iisipin na baka iniwan ko na sila. Pero alam kong maiintindihan nila ako. Kailangan ko lang talagang magsinungaling dahil alam kong hindi nila ako papayagan pag sinabi ko na luluwas ako ng barko para makita ang taong nakilala ko lang sa internet.

Binuksan ko muna ang Instagram ko bago ko patayin ang phone ko dinelete ko yung picture ko kanina na nakauniform. Chinat ko muna si Shejun na papunta ako sa kanila. Nagsinungaling ako na hindi na ako pinapasok nina mama at papa, dahil pinilit ko silang sumama ako sa medical mission nila sa lugar nila. Alam kong magtataka siya kung bakit biglaan di ko agad sinabi kahapon, alam kong magdududa siya pero wala na akong ibang alam na excuse. Siguradong sisisihin niya ang sarili niya pagnalaman niyang tumakas ako sa school para makita siya. Buti na lang sa isang linggo pa ang ang pasukan nila at alam ko ang address niya. Dahil dati tinanong ko sa kaniya ang address niya para kung himalang makapunta ako sa kanila magkikita kami.

Nakasakay na ako ngayon sa bus. 9:30 pa lang naman. Kalkulado ko na 10:00 nasa pier na ako may biyahe naman ng 10:00 tiningnan ko kanina sa website ng fast cat. 11:30 nakababa na ako ng barko. Sabi kase dun 1h and 30 minutes ang biyahe. Tapos sasakay ako ulit ako ng bus papunta sa lungsod nila 12:00 nandun na ako. Tas sasakay ako ng jeep papunta sa subdivision nila 12:30 nandun na ako meron lang kaming 1 hour para magkasama. 1:30 aalis na ulit ako same ng papunta dun 3 hours ulit pabalik 4:30 or 5:00 sana nakabalik na ako sa school bago kami sunduin ni mama.

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now