Chapter 1

42 18 0
                                    

Marie's Pov :

To wake up every day knowing you might die tomorrow is torture. But to wake up every day knowing you will live tomorrow is more of a torture. Sometimes living is more suffering than dying. Especially when you're living it in fear. Fear of something that happened in the past will come haunt you again everyday. And trust me it was a fiery pit I won't live.

Nakamukmok lang ako dito sa kwarto ko sa hospital habang pinapalipas ang oras. Wala akong karapatan magreklamo kase choice kong maging mag-isa. Natatakot na akong magtiwala sa mga tao at masaktan. Or worse sila ang masaktan dahil sakin. Katulad ng mga tunay kong magulang na namatay dahil sakin. At sa mga magulang kong patuloy na nasasaktan dahil sakin.

“Anak! tulala ka na naman, ” nag-aalalang tawag ni mama sa'kin.

Hindi ko na pala namamalayan na nandito na si mama sa loob ng kwarto ko. Tumingin ako sa tabi niya pero wala si papa. Nalungkot ako kase palagi silang magkasama pagbinibisita ako.

“Wala ang papa mo ngayon anak umuwi siya para asikasuhin ang kwarto mo sa bahay,” nakangiting sabi ni mama sa akin.

“Po?” matipid kong sagot habang wala pa ding emosyon saking mukha.

“Napagdesisyunan namin ng papa mo na iuwi ka muna sa bahay natin. Nagleave kami ng papa mo sa trabaho ngayong bakasyon. Para makapagbonding naman tayo. Namiss ka na namin ng papa mo anak,” maluha luha na sabi niya.

Bigla ko na lang nayakap si mama dahil sa pangungulila. Matagal ko ng gustong umuwi sa bahay. Kahit di ko pa yun nakikita. Dito na ako lumaki sa ospital dahil kailangan lagi akong bantayan ni mama at papa. Nagtratrabaho si mama na doktor dito sa ospital at si papa naman ang nagpapatakbo nito. Kaya ayaw nilang iuwi ako sa bahay at iwan akong mag-isa para sa trabaho nila. Hinigpitan ni mama ang pagyayakapan namin.

“Ngayon na lang ulit kita nayakap anak. Pasensya ka na kung hindi ka namin maprotektahan sa mga nararamdaman mo. Alam naming nahihirapan ka anak. Kaya gusto ka naming bigyan ng normal na buhay na matagal mo ng hinihingi. Hindi na namin kayang makita kang ganyan anak. Gagawin namin ang lahat mapasaya ka lang. Bumalik lang yung mga ngiti mo sa labi, ” hindi na napigilang tuluyang tumulo ang luha ni mama habang kinakausap ako.

“Ganito ba ma?” turo ko sa labi kong pinipilit ngumiti.

“Ang ganda mo anak pagnakangiti ka mana ka talaga sakin hahahahaha, ” pilit din si mamang nakangiti habang binobola ako hindi ko na napigilang maluha.

“Mahal ko kayo ni papa mama. Pasensya na po kung...” di ko na natuloy ang sinasabi ko kase mas lalong tumulo yung luha ko.

“Shhh anak wag ka ng umiyak mahal na mahal ka din namin ng papa mo kami ang dapat humingi ng pasensya sayo, ” sabi ni mama pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

“Magbihis ka na anak, susunduin na tayo ng papa mo dito mayamaya baka pagnakita niya tayong nagiiyakan biglang makisali yun kilala mo naman yung papa mo kisalisali, ” pagbibiro ni mama.

Nagbihis na ako ng binigay ni mama na regalo sakin nung birthday ko. Hindi naman ako pinagkakaitan nina mama at papa ng mga pangangailan ko. Pero halos puro pambahay lang ang mga damit ko dahil hindi naman ako lumalabas. Ngayon lang ako makakapagsuot ng damit na ganito. Nakapantalon ako ngayon nakakapanibago kase lagi lang akong nakashort o pajama. Sa pangtaas ko naman ay sleeveless na crop top. Hindi ako sanay na magsuot na ganito pero alam ko naman ang tawag dito. Sabi kase ni mama pipilitin din niya si papa na mamasyal muna kami sa mall at kumain sa labas bago kami umuwi. 

“Ang ganda talaga ng anak ko manang mana sakin, ” puri ni mama sakin habang tinitingnan ako.

“Anong mana sayo, sakin mana yan sis, ” pagbibiro ni papa.

WHEN FEARLESS MEETS FEAR (COMS 1)Where stories live. Discover now