(DYKH) HIGHSCHOOL

481 19 6
                                    

"Tintin! Faster anak! Your Ate's waiting for you!" sigaw ni mama habang kumakatok sa kwarto ko.

"Coming!" tugon ko rito, humarap ako sa salamin at bahagyang pinagpag ang polo ko, Gosh! I look so gorgeous!

"Ganda ko!" sigaw ko pa, bagay na bagay sa akin ang uniform ng Dela Vista National highschool,
Ang asul at puti nitong kulay ay bumagay sa skin tone ko.

Bumaba na ako at pumunta sa kitchen,

Hmmm, amoy bacon! Hihi

"Ate, saan nga pala yung Marcos building? Doon daw yung Genesis I, eh" tanong ko habang nasa hapagkainan, nasa CR si ate at nagtoothbrush na ngayon ay kalalabas lang.

"Ah, hanapin mo lang yung English department, tapos sa tapat noon 'yun na." paliwanag niya. Tumango na lang ako at nang matapos mag agahan ay sumunod na ako sa CR at nagtoothbrush na rin, we do not know if mamaya makita ko na yung future crush ko, dapat handa.
Hindi ako sumali sa girls scout dati para lang sa wala!

"Hon, Isabay mo na 'yan sila. Bukas ay tatanungin ko na lang yung anak ni Jose kung pwedeng siya nalang ang magdrive para ihatid 'yang dalawang 'yan." Sabi ni Mommy kay dad, humalik lang kami sa kaniya at pumasok na sa sasakyan.

Napilitan lang kaming magjeep ni ate kahapon dahil walang sasakyan, dala yata ni dad. Sa byahe papunta ay hindi ko maiwasang hindi maexcite! First day of my highschool life! Gosh! Meron kaya doong cute guy na papasa sa taste ko?

Ilang minuto lang din ang itinigal ng biyahe dahil wala namang traffic, Paulit ulit kong binabalilan sa utak ko ang mga gusali na tinatandaan ko,

Ngayong highschool lang kasi talaga ako pinayagan ni mommy na makaalis nang walang bantay. Napagusapan naman namin na bawal magpalate ng uwi. Sa bahay kasi ay masyado nila akong itinuturing na bunso kahit hindi naman ako ang pinakahuling lumabas sa sinapupunan ng nanay ko.

Little did they know, Masyado akong maarte dati dahil sa kaibigan kong maaarte rin, masyado akong maldita dahil sa mga kaibigan ko rin, masyado rin akong tahimik. Iyon ang hindi ko nakuha sa mga kaibigan ko, Alangan naman kasing magyabang din ako, I'm not like that naman.

"Ingat sa pagddrive dad." paalala ni Ate nang bumaba na kami, humalik lang kami ni Ate at umalis na rin. I can't be late.

Ang daming studyante! Hahahaha

Masaya 'to!

Mas lalo lang akong naexcite nang makita ko ang bilang ng mga studyante, sa school ko dati ay bilang lang talaga ang mga pumapasok.

"Dito na'ko ah, Alam mo naman na yung tinuro ko. Sige na, see you!" nagkawayan kami ni Ate nang makapasok na kami sa gate ng school, pakaliwa ang daan ko st siya naman ay pakanan.

Nagsimula na akong maglakad, Marami akong nakakasalubong na magisa lang.

"Marcos...Marcos..Marcos" paulit ulit kong sabi habang tinitignan ang bawat building na makikita ko, Walang Marcos e, puro Aguinaldo, Magsaysay, Aquino at kung ano ano pa.

"Uhm, excuse me. Marcos building na ba 'to?" tanong ko sa babaeng nasa harapan ko nang mapadpad ako sa building na walang pangalan.

"Oo, ate. Naliligaw ka?" tanong niya. Nginitian ko lang siya.

"Tara!" hablot nito sa akin.

"Ano bang section mo?" Napakadaldal naman pala nitong si Ate, nakakatuwa naman. Ang mga kaibigan ko kasi dati ay sobrang aarte, Hmp! Buti pa 'to.

"Genesis I-"

"AAAAAAAAAAAAAAA" biglaang tili niya, napatakip ako sa tenga ko dahil sa ginawa niya, Nagtatalon pa siya at maya maya ay pinapaypayan niya na ang sarili niya. "CLASSMATEEEEE!" sigaw ulit nito, pinagtitinginan tuloy siya. Kami pala.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now