Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Panaka-naka'y naghikab ako at bumaling sa kabilang gilid upang ituloy ang tulog ko. Naghintay lamang ako ng ilang minuto habang nakapikit ngunit hindi ko magawa ang nais ko.
Isang linggo na rin ang nagdaan mula nang mag-usap kami ni Mommy. Iyong huli naming pag-uusap ay napunta sa kung ano-ano.
Kulang na naman ako sa tulog.
Imbes na gawin ang balak ko ay bumangon na ako. Tinatamad akong mag-ayos ng kama kaya't hinanap ko na lamang ang cellphone ko. Huli na nang mapagtanto kong nawawala nga pala iyon.
Dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng tubig. Masarap sa pakiramdam iyong pagbangon mo ay wala ka ng isipin. Iyong pakiramdam na ayos na ang lahat. Maraming salamat talaga kay Mommy dahil sa pag-intinding ginawa niya.
"Thank God." Buntong hininga ko pa.
Ilang minuto pa akong naka-upo roon bago napagdesisyonang kunin ang drafting materials ko sa cabinet. Naalala ko iyong sinabi ni Mommy na kailangan ko ng tutor. Malay niya naman ay meron pang natitirang abilidad sa 'kin.
Dahil nasa mataas na bahagi iyon nakapwesto ay hindi maiwasang may mahulog na bagay.
I didn't mind it and just continued getting my materials.
Tatalikuran ko na sana iyon at dadaretso na lang palabas nang hindi ko ito matiis at lumingon muli ako pabalik. Baka kasi iyong triangle ko iyon.
Ganoon na lang ang pagbabago ng pakiramdam nang masipat ng mata ko kung ano ang nahulog na bagay.
"Tinabi pala kita?" Lumapit ako para kunin ang kwintas na may nakasabit na letrang S. Narito iyong bagay pero hindi 'yung nagbigay. Sabagay, wala na rin naman sa akin kung wala na siya.
He's just a lesson, after all.Bago lumabas ng kwarto ay inaalala ko ang dahilan kung bakit ibinigay ito sa 'kin ng taong iyon.
"Stay. Fucking word."
Napakatanga ko pala dati dahil naniwala ako sa salitang iyon. Too young, too dumb.
When I was 16, I was too gullible. Deceive or be deceived. But yeah, past is past. I must focus on what I have and not on what I had.
Nagsimula akong bumaba dala ang mga gamit ko. Marahan ko lang 'tong dinadala dahil gusto kong maingat ako at hindi magusot itong mga ito. Sinigurado ko munang malinis ang lalapagan ko sa lamesa.
"Grabe. Ang ganda ng floor plan ko." Puri ko pa sa sarili. Naalala kong hawak ko pa pala ang kwintas, mabilis na tinungo ko ang labas upang itapon sana ito.
Ngunit kasabay ng pagkabukas ko naman ng pinto ay siyang bungad naman ni Than. Hindi na naman siya natulog dito kagabi? Kila Drew na naman?
"Someone deflowered me last night." She confessed. My hazel-brown eyes grew bigger. Did she just say someone had deflowered her?
"What?" I asked. My brain can't comprehend her confession. It's like pushing a wrong key into a lock.
"Girl, I said someone deflowered me last night, bingi ka na ngayon?" Patuloy ito sa paglalakad at dumiretso muli sa kusina. Sumulpot ako sa likod nito nang isara niya ang ref.
"Hindi si Drew?"
Umiling siya.
The heck?
"E, sino? Kanino ka nagpalipas ng gabi? Saan ka ba kasi nagpunta?" Sunod-sunod kong tanong. Umupo siya kaya't umupo rin ako sa tapat niya. Para sa akin ay seryosong bagay ito ngunit siya naman ay nangingiti lang na parang tanga.
YOU ARE READING
Do You Know How? (COMPLETED)
Ficção AdolescenteHazel Ann, a girl who's been dreaming to be a professional astronomer, was transfered to a public school. She wasn't used to attend public school because she was raised well-pampered by her parents. She had been distancing herself ever since she was...