Paano siya napadpad dito?
Napapikit ako ng ilang beses bago pa pumasok sa utak ko ang kaguluhang naganap. Tiyak na mapapalabas kami nito. At hindi nga ako nagkamali nang magkumpulan ang mga tao at may lumapit sa amin na pumagitna kay Ken at Nath.
What happened?
Kanina lang ay basa lang ang iniitindi namin, ngayon naman ay pasa.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ay nagtangis ang aking ngipin sa lalaking nasa harap ko na animo'y pinoprotektahan ako laban kay Ken. Kung po-protektahan niya man ako, siya na ang mismong lumayo. There's no one else can cause too much pain to me but him.
"Sir, Ma'am, let's go outside, please." Ani ng babaeng pumagitna.
Naiinis na nilagpasan ko ang nasa harap ko bago ay ngumiti sa babae.
"I apologize for what happened, I'm sorry." Pagpapaumanhin ko pa. Sinuklian ako ng babae ng malamlam na ngiti. Palagi akong narito at alam kong pamilyar na siya sa mukha ko kaya't hindi ko masisisi kung nalulungkot siya sa nangyari lalo pa't alam kong hindi na muli kami makakatungtong dito.
Nang lumipat ang tingin ko kay Ken ay kusa itong nagliyab. Nag-iinit ang ulo ko sa ginawa nila kahit pa alam kong wala namang maling nagawa si Ken. Bakit siya narito? Is he following me? Nakakapang-init siya ng ulo!
Umalis ako bago ko binigyan ng masamang tingin si Nath. Nakuha ni Ken ang ibigsabihin ko kaya ay ramdam kong sumusunod siya sa yapak ko paalis.
Nang makalayo-layo ay tumigil kami sa hindi kadilimang lugar. Walang tao rito kaya't hindi magiging istorbo kung sakaling magbunganga ako. They can't expect me to stay calm.
When I turned around, I was about to open my mouth for a big blow but his word slipped through his mouth faster than mine.
"So he's here..." Wala na kami sa loob ng silid-aklatan ngunit iyong panga niya ay ganoon pa rin ang pag-igting. Ramdam ko rin ang malalalim at mabibigat niyang paghinga.
Nawala ang inis ko.
Bigla ay nakalimutan ko lahat ng isusumbat ko.
He closed our distance.
Napaatras ako.
Hanggang na naramdaman ko na lamang ang magaspang na tekstura ng poste sa likod ko.
Checkmate.
"He's here and you didn't tell me..." he whispered. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Kung paano ko ipapaliwanag na mali ang konklusiyong nabuo sa utak niya.
I feel the lump forming in my throat.
"K-ken..." I don't know why I stuttered. Wala naman akong ginawang masama pero pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang tensyon sa pagitan namin. Naiinis ako sa sarili ko sapagkat nasasaktan ako para sa sitwasyon niya ngunit wala akong magawa!
Wala siyang ibang ginawa sa 'kin kundi purong kabutihan lamang kahit pa ako itong walang magandang dulot sa kaniya.
"Did he explain? Did you believe him? Did you tell him what happened years ago? Did you cry in front of him? Did he apologize?"
Nag-simula akong umiyak.
I pressed my lips together.
I hate it when he cries.
And I loathe myself for making him cry.
"K-kayo na ulit? How about me? How about—"
"Say the word, and I'll lessen the pain."
YOU ARE READING
Do You Know How? (COMPLETED)
Fiksi RemajaHazel Ann, a girl who's been dreaming to be a professional astronomer, was transfered to a public school. She wasn't used to attend public school because she was raised well-pampered by her parents. She had been distancing herself ever since she was...