(DYKH) ARCHITECT

92 3 0
                                    

I woke up with a dizzy feeling. I blinked twice as I opened my eyes. A blurred vision welcomed my sight. I heaved a breath and turned to my side. Everything's still on the progress of recognizing.

Naghikab ako ng ilang beses bago ay napagdesisyonang umupo.

Nangunot ang noo ko nang maramdamang wala akong katabi. Where's Than? What happened last night?

The white sheet of bed is unfamiliar. As long as I remember, from my blanket to my pillow covers-the color is pastel blue with a touch of royal blue, too.

Huli na nang mapagtanto kong hindi sa akin itong kwarto. At nang bumaling pa ako sa kabilang gilid ay napansin ko ang nag-iisang picture ni Thaniea na nakangiti. The mint green walls says this is Thaniea Marvella's room.

"Dito ako dumiretso?" I whispered to myself.

Nang magsalita ako ay naramdaman ko ang pamilyar na sakit ng ulo. Hirap akong bumaba sa kusina para lamang maghanap ng tubig. Thaniea has her own way of solving hangover. Ngunit ako ay tubig lang ang hinahanap ko kapag ganitong sitwasyon.

I walked back to Thaniea's room and looked for my phone. Wala iyon doon. Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang magtaka kung paano ako napadpad dito sa kwarto ni Thaniea, hindi naman ako katulad ni Than na naghahanap ng katabi kapag nalalasing.

At masasabi ko ring kaya ko pang alalahanin ang daan papunta sa kwarto ko kahit pa umiikot na ang paningin ko dahil sa tama ng alak. Sa tingin ko ay hindi nakapag-inom si Than ng marami dahil kasama niya ako.

Mukhang sinadya niyang dito ako dalhin. O 'di kaya'y si Ken ang nagdala sa 'kin dito dahil hindi niya naman hawak ang spare key ng kwarto ko.

Bakit ko nga ba ginawa iyon?

"Shit." I swore. Kahit pala naiinom ko na kagabi lahat ng sakit ay hindi pa rin nababawasan ng kahit kaunti ang bigat na aking nararamdaman.

Bumalik sa aking ala-ala ang dahilan kung bakit nga ba ginusto kong makalimot kagabi. They already knew the result. Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang sabihin o kahit magpaliwanang man lang sa kanila.

Would they even hear me out?

Sinarado ko ang pinto ng kwarto ni Than at tumungo sa kwarto ko. Ang inaasahan ko ay nakakandado ito ngunit mabilis ko itong nabuksan. Tumambad sa akin ang maayos na kama at malinis na sahig.

My brows furrowed a little.

Himala at naglinis si Than.

I shrugged my thought away and walked near my bed. Nang makarating ako roon ay agad ko namang hinanap ang cellphone ko. I thought I would see it here but even its shadows are hidden. Saan ko na naman nailagay iyon?

Did I leave it in the bar?

"Shit talaga." Napasabunot ako sa sarili kong buhok nang matandaan kong ipinatago ko iyon kay Thaniea bago pa kami magsimulang magwalwal kagabi. Nasaan na ba kasi iyong babaeng 'yon?

Kay aga-aga ay umarangkada na sa gala.

Ilang sandali pa akong nagpahinga para mawala ang pakiramdam na parang hinahati ang ulo mo sa dalawa. Puro baso ng tubig na may aspirin ang kasama ko sa kusina hanggang sa nagpabalik-balik ako sa CR.

Sa huling pasok ko roon ay may kumatok naman.

Nang matapos ay mabilis kong tinunton ang pintuan. Maybe this is Callirhoe, one of our neighbors. Well, I treat her like my special friend din.

"Cally?" I called out as I opened the door.

Ngunit mukha ni Ken ang bumungad sa 'kin.

"Ba't ka nandito?" Gulat kong tanong. Napadapo ang tingin ko sa kamay niyang may dalang eco-bag na sa tingin ko ang laman ay mga pagkain.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now