(DYKH) BEFRIEND

149 10 0
                                    

Hindi ko sana pinaniwalaan 'yung sinabi ni ate na iyon 'yung streamer na pinapanood niya. Parang ang hirap paniwalaan!

Iyong nasa picture ay mismong tao na nakita ko sa Tarlac! Yung masungit! Paano naman napunta rito sa Cavite 'yong picture na'yon? Ano 'yon? Lumipad? Teleport? Pa'no nakarating dito? Naglakad?

Pero...kung ganoon, bakit naman parang ang suplado? Haissh! Binigyan pa ako ng isipin, bahala na.

"Schedule mo?" tanong ni Shai habang hinahanap namin ang room niya, nawala kasi 'yung slip kahapon nang umalis siya, ika niya ay baka huli na 'yong bakasyon na iyon dahil maghihirap daw kami ngayong second year.

No doubts, I was in grade six and ate was always coming home late. Very very late. Ang lagi namang paalam nito ay mom, practice lang po.

"Science 12:30 p.m, first period." sagot ko naman habang lumilinga linga pa dahil ang shunga talaga ng babaeng 'to! Hindi niya ba alam na sobrang importante no'n?

"CHRIS!" aligagang sigaw nito sabay sunod kay Chris na nakatalikod pa rin at tuloy sa paglalakad, ibubuka ko pa sana ang bibig ko para magpaalam pero hinarap ako ni Shai at binigyan ng flying kiss. Napapailing tuloy ako na pumunta sa room ko.

"Hi, classmate!" bigla akong napahinto nang papasok na sana ako sa front door ng room, si Renz ay kumakaway sa'kin, classmate pa rin kami?

"Dito ka rin?" nabibigla kong tanong saka ko siya nilapitan.

"Obviously, yes!"

"Hmp! 'di ka nagtext! Kala ko magkaklase kayo ni Shai tapos ako lang 'yung 'di pinalad!" pagsusungit ko pa.

But our new adviser arrived that stopped us from talking.

Same thing happened, diniscuss ulit ang Rules & Regulations ng school, He also told us that he's our adviser, at the same time, Science teacher nga. Looks like our adviser's terror.

"Are we classmates for real?" tanong ko ulit.

"Parang ayaw mo pa?" pag-iinarte pa nito, gaya rati ay hindi pa simula ang regular na klase kaya naisipan kong mag-ikot ikot, papunta kami ngayon sa room ni Shai dahil iyon ang napag-usapan.

"Oh, ba't naka busangot ka d'yan?" bungad ko kay Shai nang parang nagdadabog itong naglakd palabas sa room niya, na para bang kanina niya pa gustong maka-alis doon.

"Nakakainis!"

"Ba't? Nyare?" singit naman ni Renz, bumaba muna kami para makapagcanteen ng sama-sama.

" 'yung election kasi!" sabi niya na para bang problema ng buong Antartica ang dala niya!

"Wo? Nag-elect na kayo? 'di pa kami, eh!" naiiling na sabi ng katabi ko, tumango naman ako para iparating ang pagsang-ayon ko.

" 'yun nga, eh! Nakakainis!" galit na sinipsip ni Shai ay Mango shake niya. Sumimsim din ako ng konti bago ko pa siya pinagkwento.

"In-elect ko kasi si Chris as president, tapos 'yung classmate na'tin dati? si Rain, sabi ko i-elect niya ako as secretary, para naman magkasama kami lagi ni Chris, hehe. Tapos syempre, gusto ko rin na nakikita niyako bawat sulat sa notebook niya..." tuloy sa kwento si Shai hanggang sa naubos ang oras at kinailangan na naming bumalik sa room ni Renz.

"Grabe! 'di pa rin siya nakaka-move-on kay Chris?" singhal ko sabay upo, sumunod din naman si Renz.

"Crush, eh." He shrugged.

" 'di na ata crush 'yon, eh!" naiinis na sabi ko, naalala ko pa noon na hindi nakasagot sa recitation si Shai kasi magdamag ata silang magkausap 'nung si Chris! Kaya nga nagtataka ako ba't kasali pa sa recog 'yun last year kung hanggang madaling araw lumalandi.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now