(DYKH) BLACK SHIRT

221 18 1
                                    

"Alam mo naman si Jes, sobrang tutok sa trabaho!" Ito ang pinaguusapan namin, panibagong lunes na naman. Pasukan na naman! Feeling ko matatapos na naman ang isang school year na wala akong nagiging crush, naalala ko pa 'yung nagconfess sa'kin last week! Gosh! Parang handang bumanat ng pick–up lines kahit on going ang klase, makuha lang ang atensyon ko!

"Bakit? Hindi ba ay si Fedrick ang namamala rito? Bakit si Jes na ang nagmamanage ng kompanya? Dapat ay hindi niya hinahayaan na pasanin ng asawa niya ang lahat ng problema."
Komento ni daddy.

"Wala namang problema sa kompanya." pakikipaglaban ni mommy habang sumisimsim ng kape niya. Patuloy lang ako sa pakikinig, ayos lamang malate ngayong lunes. Homeroom ang class.

"At paano kapag nagkaroon?"

"Hayys, 'wag mo ng isipin ang kapatid mong 'yon, hindi naman 'yon pababayaan ni Drick. Makulit lang talaga 'yang si Jes dahil gusto niya ay may ginagawa siya. Saka magkasama naman si Jes at Rick sa trabaho."

"Mommy, una na po kami." si Ate tin, naweweirduhan na ako kay ate, noong una, naniniwala pa akong para sa CCS presentation ang ginagawa niya at ng kagrupo niya kaya maaga siya pumapasok, pero ngayon? Napapansin kong 'di consistent ang schedule niya.

Noong nakaraang martes sobrang aga niya, naliligo pa lang ako noon. Tinanong ko naman kung bakit ngunit ang idinahilan ay CCS presentation ulit, kinabukasan tama lang naman ang oras ng pasok niya. Ganoon lagi! parang may 'di tama. Lalo na noong nagsleepover pa ito sa boyfriend niya. Alam kaya ni mommy?

"Ako rin po." tumayo na ako at sinulyapan si ate. Nabigla ito sa sinabi ko, kung noong nakaraan hinayaan kitang pumasok ng maaga ng 'di ako kasama. Ngayon, hindi na pwede ate. Saka nagtataka na talaga ako eh, hinahayaan talaga siya nila mommy mag commute ng mag–isa? akala ko ba hinire si kuya biloy for us? Eh ba't parang ako lang ang laging kasama ni kuya biloy?

"M-maaga ka rin?" 

"Maaga rin ako, ate."

Tinapos ko lang iyon at agad na nagpaalam sa kanila, gusto ko pa sanang magsorry dahil nakain pa raw ng almusal si kuya biloy nang idineklara kong papasok ako ng sobrang aga.

"Hindi ka ba sasakay, ate?" tanong ko nang nakatatayo lang ito at walang ginagawa.

"Ang aga mo yata ngayon?" balik tanong nito.

"Presentation, eh." sagot ko na bigla niyang ikinalaki ng mata. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan at masinsin kong binabantayan ang kilos niya nang magsimula na ang biyahe.

Tutok ito sa cellphone niya. Sino na namang kausap nito? Boyfriend niya?

"Pinagalitan ka nila, mommy?" biglaan kong tanong, pambasag sa katahimikan.

"Hindi naman."

"Late ka na umuwi, no'n ah? 'di ka pinagalitan, ate?"

"Nagpaalam ako."

"Na gumawa ka ng presentation?"

Pinagkunutan ako nito ng noo.

"Alam ba nila mommy na nagsleep–over ka roon sa boyfriend  mo?"

"Nope, I'll tell them someday."

"Ba't natulog ka ro'n, sino ba 'yon?" baka mamaya kung sino lang iyon, nako! Magtatapos lang ang 2nd quarter, may development na ng relationship? ganoon kabilis? Speed lang?

"Kuya ni Renz." simpleng sagot ni Ate na ikinabigla ko. Kuya ni Renz? As in si kuya Elvin?

"Oh, alam ko iyang iniisip mo. Hindi si Elvin, si Ethan."

"Oh? Dalawa pala kuya no'n," bulong ko. Tanungin ko nga mamaya 'yon!

"Saan naman kayo natulog?" kuryoso kong tanong.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now