(DYKH) PENCIL

108 12 0
                                    


"WHY are you absent yesterday?" bungad ko kay Renz nang pumasok ito. Hindi man lang kasi siya nagtext or PM. Napakatamad nga naman ng isang Renzikiel Alzafaro.

Hindi ako nito sinagot at basta na lang umupo sa tabi ko. Pinagsingkitan ko tuloy siya ng mata. Is he a deaf now? Para namang hindi niya narinig 'yung tanong ko.

"Woi, ba't ka kako absent kahapon?" kalabit ko pa sa kaniya. He looked at me and shook his head.

"Lah, anong sagot 'yan?" pagtataray ko pa. Nagtatanong naman ako ng maayos, ano bang mahirap sagutin doon?

Lumapit si Leira sa tabi ko, shet! Nakalimutan ko nga pala na roon siya sa upuan ni Renz naupo kahapon, tuloy ay parang napilitan na lang makipag-palit ng upuan itong si Leira kay Rionne, 'yung medyo masungit na katabi ko.

"Away kayo?" bulong ni Leira. Napalingon tuloy ako kay Renz na ngayon ay nakasalpak na ang earphones at prenteng naka-upo. Binalik ko ang tingin ko kay Leira at umiling.

"Hindi naman...ata." sagot ko na lang.

"Nako! Ayan problema sa magjowa, eh!" naiiling na sabi nito. Magjowa? Hala, shala! Lalim ng imagination, ha? Normal lang din naman sa magkaibigan ang 'di magpansinan minsan.

"NBSB ako, sis!" pag-amin ko. Medyo nagulat naman ito sa sinabi ko. Lumalit siya sa'kin para bumulong.

"Sigurado ka?"

"Mmm." tango ko pa.

"Wew, ganda mo kaya." With that, I flipped my hair, 720 degrees para bongga.

"Sus, wala kang wanport, 'no?" pagbibiro ko sa kaniya, sabay kaming natawa kaya siguro napatingin si Renz sa gawi namin.

"Crush mo siya 'di ba? Wait...pakilala kita." Sabi ko kay Leira na halatang nagulat sa sinabi ko, akmang tatakpan niya na ang bibig ko nang matawag ko ang pangalan ni Renz.

Sigurado na akong walang kanta na nag-p-play dahil narinig niya ang tawag ko. Ano bang trip niya ngayon at parang badtrip siya? Ilang araw din siyang hindi pumasok. Nako! Masama 'yan, second week pa lang pero mukhang alanganin na si Renz.

"Leira, si Renz, kaibigan ko. Renz, si Leira, crush ka." daretsuhang sabi ko. Nagulat lang ako nang tumango lang ito at isinalpak ulit ang earphones niya! Aba, ang bastos ha?

" 'yan ba 'yung nagustuhan mo?" naiiritang baling ko kay Leira. "Ang bastos, ha!" pagpaparinig ko pa. Naiirita ako! Bakit ba ganto 'to si Renz? Ang sarap sakalin.

Natawa lang si Leira sa inakto ko kahit na halatang nabwisit siya kanina nagsabihin kong crush niya si Renz.

Sakto naman na dumating ang science teacher namin. Walang sali-salita at nagsulat ito sa board ng total. Agad naman na tumayo si Rionne at isinulat sa board ang total ng mga pumasok at mga absent ngayong araw. Buti na lang talaga at hindi ako ang na-elect na president dahil hindi ko talaga gugustuhin na magbilang sa umaga.

Wala naman talaga akong balak ipagmalaki 'to pero... Muse ako, hehe. Sayang lang at wala si Renz kaya medyo nalungkot ako nang malaman na walang chance na siya ang magiging partner ko. Gusto ko lang naman na maging komportable, syempre!

"Alzafaro." biglaang tawag nito.

"Sir." sagot ni Renz. Kinakabahan tuloy ako kasi hindi naman pumasok si Renz at baka hindi siya aware sa topic ngayon.

"What's the 14th element in the periodic table?"

"Silicon, Sir." walang ekspresyon na sabi nito. I began to worry about him.

"Care to elaborate Ms. Guevarra?" hindi nakatakas ang mabilis na pintig ng puso ko nang matawag si Leira. Sabi kasi sa GC, i-review ang first 10 elements, akala ko tuloy 'yon lang talaga!

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now