(DYKH) SKETCH PAD

315 16 0
                                    

"HINDI pwede!" anong kahibangan naman 'to? Mom? Dad? Really?

"You can't say no." itinaas nito ang bag na kanina ay hindi ko napansin, kung makaasta naman ito! Kala ko kung sinong nasa legal age, eh parehas lang naman kaming 14, hmp!

"kuya biloy, pakisabi nga rito sa lalaking ito na hindi pwede at umuwi na siya!" sigaw ko, siniguro kong aabot sa baba ang boses ko.

"Pa'no ba 'yan toto! doon ka raw sa kwarto ni Tintin matutulog!" sigaw nito pabalik, narinig ko pa itong humagalpak sa tawa. Sumabay din itong lalaking nasa harap ko.

"Isusumbong ko kayo kay mommy!" sabay talukbong ko ng kumot. Nakakainis! Alam naman niyang nasa baba ang guest's room! Gusto niya pa bang makipagkwentuhan? Ano? Kulang pa yung tawanan nila kanina? Hmp!

Ano naman kung nagtawanan sila kanina hazel?

Ba't ka nagagalit?

Naramdaman kong parang lumubog ang parte ng kama sa bandang likod ko.

"Nasa baba yung guest's room, pwede ka nang bumaba." pagsusungit ko, inirapan ko pa siya kahit hindi niya naman nakikita.

"Ayusin mo nga 'yan! Usap muna tayo," inalis niya ang kumot sa mukha ko. So gusto niya pa nga ng tawanan? Mga ilan ba para umalis na siya? Tatlo? Lima? O baka isa nalang? kasi tinatamad ako, eh.

"Inaantok na'ko." ibinalik ko ang itinalukbong ko kanina. Imbis na pilosopohin siya ay nagpanggap akong inaantok.

"Ako hindi pa." inalis niya ulit, sa inis ay napaupo ako at hinarap ko siya gamit ang naiiritang mukha. Binigyan ko pa siya ng tingin na
'nakakairita ka, alam mo ba 'yon? '

Ngunit siya bilang pinakamakulit ngunit gwapo kong kaibigan, nginisian lamang ako.

"Anong iningingisi ngisi mo diyan?" naiinis na puna ko sa labi niyang bahagyang nakaangat.

"Tatampo ka 'no?" sabi nito sabay kurot sa pisngi ko. Agad kong tinampal ang kamay nito at napabulalas siya ng tawa dahil doon.

"Tatampo." panggagaya ko pa. "Ba't naman ako magtatampo?" at muli ko siyang inirapan.

"Kanina ka pa ganiyan ah?" puno nito. "Wala namang nakakainis sa araw na'to." pagiisip pa nito ng malalim. "Wala rin naman akong ginawang masama, problema mo?" natatawa nitong baling sa'kin.

"Wala raw ginawa..." Hindi ko alam ngunit bigla na lang iyon lumabas sa bibig ko, mukha ba 'kong nagtatampo? ba't naman ako magtatampo?

"oh, h'wag mong sabihin na nagseselos ka?"

"Oy! Kapal mo!" sabay hampas ko ng unan sa kaniya. "Iba ang nagtatampo sa nagseselos no!"
Sinabi ko ito habang pinapaulanan ko siya ng hampas.

"If I know, hazel ann..." he said while shaking his head. Hala? Mga lalaki talaga ngayon, 'no?

"Umuwi ka na nga don, 'di ka pa nga nagpapaalam eh."

"E 'di gusto mo ring andito ako?"

"Ano ba! Para ka kamong tanga!" Agaran kong sagot. Ano ba namang kasing utak meron siya? Parang utak na puno ng malisya.

"Arte naman nito, o bilis! Kwentuhan tayo." umayos ito sa pagkakaupo at parehas kaming sumandal sa unan. Nagkatinginan kami nang parehas naming kunin ang kumot at itatakip sana namin sa kalahati ng katawan namin.

Natawa lang ako. O 'di ba? Parang tanga lang. Galit na galit kanina sabay ngayon ay tumatawa, sinong shunga ang gagawa no'n? Si Hazel lang.

"Isip kana topic!" utos ko, saglit din akong nag isip.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now