(DYKH) SELF-PROCLAIMED

113 7 0
                                    

Today's the poster making contest, I already picked a draft I'm going to use for the contest. And because I am the representative of our section, I'm excused. ALL SUBJECTS!

I'm all set, mabuti na lang talaga at nagawa ko na ang lahat bago pa sumulpot ang mga isipin ko.

For my sake! Sana pinatapos na lang nila muna 'yung school programs bago sila gumawa ng alam nilang ikakapagpabagabag ko. Swear, kung wala pa akong drafts at nagkataon na umamin si Renz? Matatalo lang ang section namin.

But, it's not only Renz. I'm with Nath right now, and he's annoying me! Pinagsama-sama kami rito sa iisang room upang mapaghandaan ang lahat. I don't want to be seated beside him pero gano'n ang nangyari.

"Ba't ba ang sungit mo?" He complained. Wow, kasalanan ko pa kung bakit naiirita ako sa kaniya?

Hindi ko siya nilingon at inilibot na lang ang paningin sa buong room. 'yung ibang section ay walang representative, iilan lang talaga ang may angking husay sa larangan ng arts.

"Stop." I hope a word would stop him. Gusto kong magfocus dahil minsan nang nagulo ang isipan ko habang nasa kagitnaan ako ng contest at hindi maganda ang nangyari. I don't want to repeat the same mistake again.

Ang mga umuulit ay hindi kailanman natuto.

May pumalakpak na isang teacher na nagbabantay sa 'min.

"Okay, Choose a partner! 2 person per table."

Agad kumilos ang mga representative ng iba't ibang seksyon. Sana naman ay may matira sa 'kin. Ang bilis nilang makahanap ng kapareho! Ang hirap talaga ng walang...jowa-este, kaibigan.

"The universe said your mine." Isang bulong mula sa likod ko. Umirap muna ako sa harap ko bago ko siya binalingan.

"But I refuse to believe your hypothesis."

"Err, stop being a walking-sciencebook. Everytime I follow you, It feels like I'm following a breathing-encyclopedia." reklamo niya. Bakit ba malababae siya kapag nagpapakawala ng reaksyon? Noong nagkita naman kami dati sa milktea shop medyo matino pa siya.

"Hindi ko na problema 'yon." Irap ko pa. At dahil magkaharap kami, siguradong iniisip na nila Ma'am na kami ang magkapartner. They are starting to leave the room. Inayos ko na ang gamit ko at naunang lumabas. Bahala na siya kung sumunod siya. He's just my partner, not my tail.

When I reached the covered court, there are names posted on the table. Nilapitan ko na ang table na naka-assign sa 'kin. Baka nagmumurahan na 'yung apelyido naming dalawa.

Wala na akong pakialam kung dalawa kaming maghahati sa table na 'to. This should me my table. Not ours nor his. My table. Isa-isa kong nilabas ang gamit ko at ikinalat sa table.

Sorry, but I can't share what's mine.

I didn't leave any space kasi it's my table naman. So I started scattering my chosen bright colors and arranged it by its luminosity. I grabbed my drafts and placed it near the pens.

They told us to start so I took out my illustration board and did the measuring part. I used my mechanical pencil to sketch. Malakas ang ihip ng hangin dahil nasa labas na kami so I decided to tie my hair in a bun. Medyo hindi kahabaan ang buhok ko kaya nay nakakatakas na hibla but I don't care.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-s-sketch nang gumalaw ang table ko. Seriously! Bwisitin niyo na ako't lahat sa kahit anong okasyon, 'wag lang kapag nag-s-sketch ako!

I looked up to see who was it pero nang maalala kong isang tao lang naman ang makakasama ko sa table na 'to ay itinuloy ko ang pagguhit. After all, mas mahalaga ang drawing kaysa sa kaniya.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now