"Ate! Ang bagal mo namang kumilos!" hasik ko kay ate na nasa itaas at nagbibihis. Ngayon ang araw ng enrollment para sa second year students, proudly saying, isa ako ro'n!Pagkababa ni ate ay saktong pagtext ng kung sino.
From Shai:
Sa'n kana? Ang haba na ng pila! 'di kana makakasingit, bahala ka.
Agad kong hinila si ate papasok sa sasakyan. Halatang nainis si ate sa ginawa ko kanina pero ayoko namang i-risk 'yung hindi naminpagiging classmate ni Shai this school year!
" 'dun ka na lang magpicture, ate. Kuya, gora na po!" at nagsimula na ang biyahe naming magkapatid. She's now a fourth-year student here in Dela Vista. I'm looking forward to that.
Pagkababa pa lang namin ay sumalubong na si kuya Elvin kay ate, ewan ko ba kung anong nangyari 'nung bakasyon! Parang kahapon lang, iniiyakan nila isa't isa. Kinabukasan, sila na ulit!
Kapag talaga ang babae nagmahal, pati puso rumurupok!
"Where are your requirements?" tanong ni kuya Elvin.
Ipinakita naman ni ate ang envelope na hawak niya. I learned that it's important if you one in enrollment. Sobrang dami kasing requirements!
"I need to go, tintin!" pagpapaalam ni ate kaya't mag-isa kong tinahak ang daan. Sa malayo pa lang ay sinalubong na ako ni Shai ng mahigpit na yakap! Tinutugunan ko naman ito.
"Si Renz?" agad na tanong nito sa'kin.
"Naka-enrolled na, may tita, eh!" sagot ko naman. Tumingin pa ako sa mga pila sa gilid ko, medyo marami talaga ang nag-eenroll kapag first day.
"Eh, ikaw? Nakapag-enroll ka na ba?" I asked and she beamed while nodding.
"Classmate kami ni Chris!" maligayang usal nito. I frowned. Baka hindi na tuloy makapag-focus si Shai kapag nariyan na ang crush niya sa paligid!
"Eh, tayo?"
She made a sad face.
"Hindi, eh."
I felt my eyes widened. W-we're not classmates anymore? Does this mean less communication?
"B-bakit daw? Sabi ni Renz classmate tayo, ah?"
"Akala ko nga rin, eh!"
Tamad na pumila ako nang magsimula ng umabante at kumonti ang kapwa ko studyante.
Nang makapwesto naman sa harapan ay tamad din na iminuwestra ko ang dalang samut-saring papel."1 x 1?" the teacher-in-charge asked.
"Nasa loob po." tinignan nito ang brown envelope na dala ko at isinenyas na wala.
"Magpakuha ka na lang sa labas ng school." utos nito, gusto ko na lang umiyak nang umalis ako sa harapan. Pipila pa ako ulit! Ang haba na ng oras na ipinila ko kanina! Bakit ba ngayon ko pa nakalimutan?
Nagpaalam lang ako kay ate na lalabas ako dahil sa katangahan ko. Tinignan ko pa ang sinasabi 'nung teacher kanina dahil nasa gilid-gilid lang daw 'yun.
1 x 1, 8pcs. 75 pesos
Agad akong pumunta nang mabasa ko iyon, luckily, konti lang ang mga magpapakuha katulad ko. Si Renz kaya, nagpunta kaya iyon kanina? Sabi niya kasi naka-enroll na siya. Sayang talaga kung hindi kami magiging magkaklase no'n, nawala na si Shai, pati ba naman siya?
"Magpapakuha?" gusto ko na lang magtaray sa tanong 'nung lalaki. Malamang! Magpapakuha! Hindi niya ba alam kung anong landas ang tinahak niya? Iyon lang naman ang nag-iisang offer niya, nagtatanong pa!
YOU ARE READING
Do You Know How? (COMPLETED)
Teen FictionHazel Ann, a girl who's been dreaming to be a professional astronomer, was transfered to a public school. She wasn't used to attend public school because she was raised well-pampered by her parents. She had been distancing herself ever since she was...