(DYKH) HE'S NATH

126 11 0
                                    


"PAPASOK PA BA 'YON?" naiinip na sabi ni Leira. We're waiting for Renz here in canteen. Gusto sana naming pagalitan si Renz dahil sa ginagawa nitong pag-absent ng madalas.

"Wait ka lang, dadating 'yon." pagpapakalma ko. Hindi ko na muna sinabi kay Shai 'yung mga ginagawang pagliban ni Renz sa klase namin. Nakakainis na rin! Wala ba talaga siyang balak magtanong? Medyo, iwas muna ako kay Shai, parang cold treatment kumbaga. Gusto ko lang magpa-miss, bawal?

"Hayaan mo na kasi, mamayang uwian mo na pagsabihan!" naiiritang sabi Leira. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at isinukbit ang bag ko. Gumaya naman din si Leira. Nababadtrip kasi siya dahil maaga kaming pumasok ngayon, eh alas dose y media pa ang klase.

"Nakakaramdam na talaga 'ko, eh." usal ko habang naglalakad kami palabas ng canteen.

"Na?"

"Parang may mali kay Renz."

"Ah–pa'no mo nasabi?" nagtatakang tanong nito. I shrugged, not sure of what I would say. Feeling ko lang talaga may mali. 'nung isang araw umiyak siya, kahapon absent, ngayon naman....late? Couldn't this get any worse?

"He shows up whenever he wants to." We continued walking 'till we reached Roxas bldg. Of course, library.

"Tara akyat." aya ko sa kaniya. Bawal pa kaming umakyat sa building namin dahil nandoon pa 'yung mga grade 7. Asa naman na pasukin namin 'yon tapos magsisigaw kami ng itigil ang lecture!

Pagka-akyat namin ni Leira, nagulat ako nang may humarang na lalaki sa'min. Kasing tangkad lang ni Leira tapos nakatingin din sa kaniya 'yung lalaki. Kilala niya kaya 'to?

"Alis nga." pagpapatabi ni Lei, napansin ko rin na medyo malamig na 'yung ikot 'nung hangin nang sabihin niya ito.

"Sorry."Sagot 'nung lalaki. Sorry? Did I miss anything? Sino 'to? Ex ni Lei? Tinignan ko lang silang dalawa dahil kuryoso ako sa pag-uusapan nila. Nakakahiya man na nasa gitna kami ng daan, itinuloy ko pa rin.

"Sabi ko, alis. 'di ko sinabing magsorry ka." naiinip na aniya. Palihim tuloy akong napapangiti sa kasungitan niya. The total opposite of Shai.

"Ate, pwedeng pasabi sa kaibigan mo 'sorry na' , paki sabi rin po na galing sa'kin." baling nito sa'kin. Gusto ko na lang tumawa nang mag-angat ng ulo si Lei at biglang singhap sa hangin. Tumango na lang ako para maka-alis na kami.

Sa tapat pa naman nitong Library 'yung headquarters ng banda nitong school. Naka-uniform pa 'yung lalaki, drummer siguro.

"Ba't mo naman sinungitan 'yon?"

"Bwiset, eh." pag-irap niya pa. Hindi ko na pinahaba ang usapan namin dahil nasa entrance na kami ng Lib. Si Leira na lang ang pinagfill-up ko dahil namimiss ko na ang amoy ng libro.

Umupo na kami sa dati naming inuupuan at nilabas ko na muna 'yung notebook ko na anime 'yung cover. Balak ko sanang ilagay lahat dito 'yung mga matututunan ko.

"Dito na'ko." bulong ko kay Leira bago ako lumiko. Pinasadahan ko ng aking daliri ang bawal libro na hahawakan ko, my head's tilted para mabasa ko ng maayos. Nang matanaw ko na ang librong hinahanap ko, tumingkayad ako para maabot ko ito.

"Sorry..." I whispered nang kuhanin ko sa taas ang Psychology book tapos ay sumama ang isang libro kaya nahulog. Hindi ko rin naman napansin na may naka-upo pala sa baba! Pinantayan ko ang upo niya saka tinignan ang parte ng ulo na natamaan nang tumingin ito sa'kin.

"Zel?"

Renz...

Agad na nag-init ang ulo ko. Kaya ba lagi siyang late pumasok kasi dito siya tumatambay? I narrowed my eyes and bit my lower lip, stopping myself to utter bad words.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now