(DYKH) DRAFTING

115 8 0
                                    

I'm not really sure if this would work but I really want to tell mommy about Renz's feelings. Gusto kong kahit si mommy ay may nalalaman. Mommy always teases me about our friendship, ganoon din naman si dad. Hindi naman nila pagtutuunan ng atensyon ang bagay na ito kapag sinabi ko.

It's just me and Renz, anong nakakapukaw ng interes do'n?

Minsan na ring sinabi ni ate na hindi malayong magkagusto sa 'kin si Renz. Pero hindi ko talaga maisaksak sa utak ko ang bagay na 'yon. I always and will always see him as my bestfriend.

Besides, we're just 15; maari pang mabago ang nararamdaman niya. Kaya hindi magandang pagtuunan ng pansin ang mga gano'ng bagay.
Pakiramdam ko rin ay sinabi niya lang 'yon dahil sa mga pinagdadaanan niya nitong mga nakaraang araw.

Ngunit minsan na ring pumasok sa isip ko ang mga tanong katulad ng...

Paano kung totoo?

Paano kung seryoso?

Paano kung...

Maraming 'paano kung' na siya lang din ang makakasagot.

Sinag ng araw ang gumising sa 'kin kaya napagdesisyonan ko ng bumangon. Gaya ng dati ay ginawa ko ang dapat sa umaga. Pinagpahinga ko muna ang mata ko ng ilang minuto bago ko binuksan ang cellphone ko.

Dumiretso agad ako sa calendar at nakitang ngayon gaganapin ang last practice para sa festival. Huminga ako ng malalim bago ako nag-open ng mob-data. Masiyadong gamit ang Wi-Fi sa bahay kaya sa bahay na 'to, ako lang ang kadalasang may load.

Sunod-sunod ang vibrations sa phone ko kaya ibinaba ko ito at tumayo para maghanap ng suklay. Bumalik naman ako na tapos na magsilabasan ang notifs ko. Ang ingay nila!

MAPEH DIAMOND-II

Homey: Oi, 10 pesos ulit mamaya, batok mga hindi magbabayad.

Gio: Oi, gago! Di mo pako sinuklian kahapon!

Homey: ayan, takas pa! Kala mo di ko alam cleaners ka kahapon, ha.

Zissa: Bayad na naman? Takteng 'yan.

Homey: puro reklamo! Di nga kayo umattend practice nung isang araw, lagot kayo kay Pres!

Homey: @Rionne  Babe, oh! Niaaway nila 'ko:<

Homey: Babe pagtanggol mo'ko.

Homey: @Rionne Babe, ayaw nila magbayad oh!

Homey: Babe, di mo ba 'ko pagtatanggol?

Homey: Babe, 'di mo na ba 'ko lab? :<<<

Rionne left the group.

Isang tawa ang kumawala sa 'king labi nang mabasa ko ang pinag-gagagawa ni Homey. Siraulo talaga ang lalaking 'yon! Naiiling na tumayo ako at lumabas patungong terrace ng kwarto ko.

Iniwan ko roon sa coffee table ang cellphone ko at bumaba. Maaga na naman akong nagising. Dumiretso ako sa kusina at ginawan ang sarili ko ng kape. Pumanaog na rin naman ako pagkatapos magtimpla.

I drank my coffee. It's unsual of me to drink something hot. Hindi talaga ako palakape na tao. Sanay ang panlasa ko sa gatas ngunit napakiramdaman ko na lang ang sarili kong naghahanap ng kape.

My phone rang and I immediately answered the call. Wala naman akong maka-usap rito sa bahay so why not have a morning convo with anyone?

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now