"Shai, where are you?" sunday came and we decided to watch a movie. Hindi naman sigurong masama magsaya kahit sandali lang, ano? Besides, patapos na ang school year. Si Shai ay uuwi sa probinsya, ganoon din naman ako at si Renz."On the way na." Yeah, filipinos and our time management.
"I'll wait for you here...and also text Renz!" paalala ko pa sa kaniya. Kailangan ay kumpleto muna kami bago kami manood nitong a walk to remember
Balak ko sanang iyong bagong labas ni J.K Rowling ang panuorin namin kaso kinontra naman ako ni Shai, sabi niya ay time–out muna sa fantasy genre. Nagresearch daw kasi siya kaya't nahanap niya ang a walk to remember , copy niya rin sa laptop ang panunuorin namin. Naka ready na rin ang flash drive ko sa taas for transferring.
Bumaba muna ako para ipaalam kay mommy at daddy na pupunta rito ang dalawa kong kaibigan. Sa nakikita ko ay nasa sala sila at nanonood ng cartoons. At mukhang si Harrison ang ang natutuwa sa ginagawa nila.
'wag niyo na lang itanong kung bakit.
"Ma, pupunta po rito si Shai at Renz, manonood po sana kaming movie." napatingin si daddy sa'kin at natatawang umiling. Si mommy naman ay binalingan ko at nakakunot ang noo.
"Please?" pamimilit ko, sunday is our family day. Paikot ang schedule kung anong panonoorin namin, last week ay ako ang nagdecide. Si Harrison yata ngayon kaya't cartoons ang pinapanuod nila. At iyon ang kinaiinisan ni Hayden.
"Nagpaalam ba sila sa parents nila? Si Shai?"
"Opo,"
"Okay, just don't make any noise." Sa tuwa ay hinalikan ko si mommy sa pisngi, bumaling naman ako kay dad.
"Okay lang po ba?"
"Kung anong sinabi ng mommy mo..."
"Thankyou po!" pagpapasalamat ko.
I ran upstairs to check if everything's all set. Maayos naman ang aming uupuan. Dahil hapon na ay bakas pa rin ang kaunting sikat ng araw kaya't lumapit ako sa kurtina at bahagyang inayos iyon.
Ilang sandaling lumipas ay nakatanggap ako ng text mula kay Renz.
From Renz:
Sorry, medyo late ako makakapunta.
I forwarded the message to Shai, nako! Pamutol excitement naman itong si Renz! Kung kailan ayos na ang lahat eh.
From Shai:
Okay lang kamo. I need to buy snacks for later.
To Shai:
We have it here, no need to bother.
What time kayo pupunta?
From Shai:
Dinner? Not sure. Ask Renz, siya itong paiba-iba ang desisyon! Nakaayos na kaya ako rito, text niya nalang ang kulang!
Totoo ngang sumapit ang gabi nang magtext si Shai. Sabi nito ay papunta na sila. Gosh! After so many years!
Kasalukuyan akong kumakain kasama ang aking pamilya. Panay ang linga ko sa pinto dahil anytime ay maaring maghasik ng kabalbalan iyong dalawa. Masyado pa namang maingay kapag sila ang nagsama.
"I thought you're gonna watch movie with Renz?" Daddy started the conversation.
Sinimangutan ko ito."And Shai, dad." I abruptly added. Si daddy talaga! Nilinaw na't lahat ay ayan pa rin sa panunukso nito. Nako, buti na lang talaga at wala ang kaibigan kong iyon dito. Lalo na si Shai! Baka gatungan pa ang panunukso ni dad, masira pa ang friendship namin ni Renz.
YOU ARE READING
Do You Know How? (COMPLETED)
Teen FictionHazel Ann, a girl who's been dreaming to be a professional astronomer, was transfered to a public school. She wasn't used to attend public school because she was raised well-pampered by her parents. She had been distancing herself ever since she was...