Helene's Point of View
I thought everything wouldn't be alright. But I guess, I wasn't a good fortune teller. Kapalit ng sakit na nagdaan noong mga panahong iyon ay ang hindi matumbasan na saya ngayon. Hindi ko alam kung paano kami nakabangon sa kabila ng lahat ng nangyari.
I thanked everyone.
Masaya ako ngayong nakatayo at tumutulong sa magaganap na birthday mamaya. When Amalia came to our lives, everything went fine Parang siya iyong susi sa lahat ng mga lungkot na hindi namin kayang pakawalan.
"Tita! The party's gonna start!" Ang maliit nitong kamay ay dumapo sa suot ko. Binuhat ko siya at ngumiti ng malambing.
"Where's Mama?" Tanong ko sabay kurot sa malulusog niyang pisngi.
"Momma?" Ika niya at tila nag-iisip. "Momma..." sambit niyang muli at nang may maalala ay nagpababa ito sa 'kin, "MOMMA! I'M CALLING MOMMA, TITA! STAY THEREEEEE!" She playfully said.
Natuwa ako dahil simpleng kilos lang ng batang ito ay nagpapasaya sa amin. Napagdesisyonan kong umakyat pataas nang magsimula ng kainin ng gabi ang liwanag. Hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa kong humiga sa malambot na kama nang walang iniisip.
Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko. Mahirap ipaliwanag kung paano ko siya napatawad ngunit kahit saan pa makarating ang galit ko ay alam kong wala itong patutunguhang maganda.
"Hello, bro?" Katulad ng dati niyang ginagawa kay Mommy ay sa akin ngayon siya tumatawag. Ako ang kumbaga source niya sa lahat ng gusto niyang malaman. Masaya akong maayos kami, masaya akong wala ng problema sa pagitan namin.
"Ate, may dadaanan lang akong client, I'll be there but medyo late."
"Ano ka ba, you're the master mind here! You should arrive ahead of time! Ikaw, sige ka, baka pumalya."
"Ate naman..."
"Double time, bro or bukas mo na lang i-meet 'yang client, hindi mo naman kamo itatakas 'yung bahay niya."
Natapos iyong tawag nang maginhawa sa pakiramdam. Nagiging kaswal ako at parang dati lang tuwing nag-uusap kami, pero hindi ko pa rin maialis sa akin iyong mga nangyari sa nakaraan. But he'll be part of the family sooner, siguro oras na para pakawalan, 'di ba?
Sa huling pagkakataon ay humiga ako at ibinalik ang sarili ko sa pangyayaring kailangan ko ng pakawalan. Ilang taon na rin naman, handa ko na itong ibaon sa limot.
Mataas ang sikat ng buwan nang magising ako dis-oras ng madaling araw. Papikit-pikit ko pang inabot ang cellphone ko na patuloy sa pag-ilaw. Para bumilis ang kilos ko ay umupo na muna ako saka binasa ang nasa screen.
24 missed calls.
From Ken:
Ate Tin, I'm sorry.
The text were followed by an explanation.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang marinig ko ito. Hindi ko alam saan babaling, hindi ko alam kung saan o paano o kahit pa kanino sasabihin ito. Nanginginig ako labi ko, ramdam ko ang pangangatal ang tuhod ko kahit pa nakaupo ako.
Gusto kong pagmumurahin si Ken sa sinabi niya ngunit hindi ko maaaring isisi kay Ken kung ano ang nangyari sa kapatid ko dahil sa dulo ng mensahe ay nagpakilala ito.
‘Si Thea po 'to’
Tangina bakit!?
Hindi ako nakatulog nang mahimbing, hindi ko kaya. Iisipin ko pa lang na nakahiga ako sa kama habang ang kapatid ko ay nakaratay sa kalsada't nag-aagaw buhay ay umumusbong na ang galit sa loob ko.
YOU ARE READING
Do You Know How? (COMPLETED)
Fiksi RemajaHazel Ann, a girl who's been dreaming to be a professional astronomer, was transfered to a public school. She wasn't used to attend public school because she was raised well-pampered by her parents. She had been distancing herself ever since she was...